PROLOGUE

5.9K 195 40
                                    

Suot ang isang mahabang puting kapa ay tinahak nito ang daan papunta sa pusod ng kagubatan.

"Hmmm.. Hmmm.." Huni ang isang kanta, may dala itong basket sa kaliwang kamay at mga bulaklak sa kanan.

Tumigil ito sa paglalakad ng may makitang puno ng mangga. Humanap siya ng kahoy at walang sabi na tinira ang prutas. Isang tagumpay na ngiti ang lumitaw sa mukha nito ng makitang nahulog ang prutas. Kinuha niya ito at inilagay sa basket at nagpatuloy sa paglalakad.

Makikita mo ang isang kaliitan na kubo. Modernong kubo. May mga halaman sa paligid at malinis ang kapaligiran.

Pumasok ang dalaga at agad na hinubad ang puting kapa.

"Hay nakakapagod." Usal sa sarili habang tinatahak amg daan papuntang kusina. Inilapag ang basket at sinimulang kuhain ang mga nasa loob nito.

Naghiwa agad siya ng mga gulay at sinimulang magluto. Pagkatapos ng ilang minuto at naluto din ito at sinimulan na niyang kumain.

Inabot niya ang remote at in-on ang may kaliitang telebisyon.

Bumugad agad sa kanya ang isang litrato ng lalaki at pangalan nito sa ilalalim.

Fall Locke Yu
CEO, LP Group of Companies

Binabalita doon ang mga achievement na nakamit niya sa nakaraang buwan at kung paano niya parin napapanatiling ang kompanya nila ang laging nangunguna hindi lang sa asya kundi sa buong mundo.

The bacherlor billionaire of Yu.

Tinitigan ko ang mukha niyang walang ka ekspres-ekspresyon. Naka suot siya ng maitim na black suit na lagi kung nakikita sa mga picture niya sa t.v.

At dahil hindi ako makarelate sa mga balita na iyan kahit na ekonomiya pa ng Pilipinas ang pinag-uusupan at in-off ko nalang ang T.V.

Mag papalagay na talaga ako ng cable. Gusto ko Sofia the First.

Pagkatapos kong kumain ay pumanik ako sa kwarto ko at nagsimula ng mag basa ng libro.

Hindi ko na napansin na hapon na kung wala akong narinig na katok sa maliit kung pinto.

Tumayo ako at sinuot ang bunny kung slippers at tinungo ang pintuan. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mukha niyang naka-angat ang gilid ng labi.

Suot niya ang isang puting polo at pantalon. May dalang basket ng prutas at naka back-pack. Niluwagan ko ang pintuan ay pumasok siya.

Tinapik niya ang aso kung kulay orange kaya tumahol naman si Yuggy.

"Tumakas ka na naman..." Usal ko at kinuha ang mansanas na nakapatong sa mesa.

"They annoyed the hell out of me. I need a place to stay.. Quiet and can make me relax." Tumango ako.

"I miss you.."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi.

Me too.

----

Hi bago na naman. Hayaan niya na si Fiffy.. Hindi ko mapigilan. Pagbigyan niyo na! Haha. Sana magustuhan niyo.

The Fall StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon