CHAPTER 6

3.4K 150 33
                                    

Chapter 6

Nakaupo ako sa lapag habang hinahaplos ang kulay orange na buhok ng aso ko. Dati ay puti ito nang binigay sa akin ni Fall pero dahil na bo-bored ako sa ku;ay niya kaya ginawa kong orange. 

Pasado alas dose na ng hatinggabi pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok marahil dahil sa buong byahe ako natulog kanina. Umuwi nadin si Jamie sa kanyang apartment. Babalik nalang daw ito bukas. 

Napatihaya ako, nabablangko na naman ako at hindi ko alam ang gagawin. Tiningnan ko ang kabuuan ng munting tirahan ko. Apat na taon na akong nanirahan dito at masasabi kong masaya ako dito. Hindi ko kailangan ng malaking bahay o karangyaan kong lungkot at pait lang ang dala nito sa akin. 

And I know Fall, my husband, understands me. 

Malaki ang pasasalamat ko kay Fall at sa pamilya niya. Lalo na ang mag-asawang Sofia at Xander. Tinulungan nila ako sa mga panahaong hindi ko na halos kilala ang sarili ko.

Kinapa ko ang leeg ko hanggang sa mahawakan ko ang malamig na kwentas. "Maybe I should start wearing you." 

Tiningnan ko ulut ang orasan pasado al una na ng madaling araw. So isa't kalahati akong nakatunganga? Pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako inaantok. 

Inabot ko ang remote at ini-on ang t.v 

Patalastas ng isang kape ang nabungaran ko ng biglang lumabas ang logo ng isang news program. Kumunot ang noo ko sa picture na nakita ko.

"News flash: Young bachelor Fall Locke Yu was seen in an auction party with the supermodel Kirsten Edrada." 

Wow, nag slide-show pa sila nga mga photos ni Fall at nung babae. 

Hindi naman ako apektabo. 

So sino ang niloloko mo?

Ipinilig ko ang ulo ko at inoff ang t.v. 

"Nako Yugs yan talagang amo mo hindi ko alam. Sana madapa siya. Hmp!" 

Tatayo na sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Tumaas ang balahibo ko at kinarga si Yuggy. Shemay anong gagawin ko?

Walang kakatok sa pinto ng ganitong oras! 

Inilapag ko ang natutulog kong aso. So siya natutulog tapos ako natatakot? Pambihirang aso. Pumanik ako sa kusina at kumuha na walis tambo. 

Huwag ko nalang kayang tingnan? Baka naliligaw lang na espiritu yan? O di kaya'y mga anak ng lupa. 

Napatalo ako nang makarinig ulit ng katok. Hindi ako tatawag kay Fall. Hindi talaga. 

Lumapit ako sa pinto at idinikit ang tenga ko dito. Wala akong ingay na naririnig kaya tumalikod na ako. Baka dala ito nang pagpupuyat ko ngayon. 

Tumalikod na ako at humakbang nag biglang may kumatok na naman. 

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nakapitkit na binuksan ang pinto. Iniumang ko muna ang walis tambo. Mabilis kong binuksan ang pinto at inihampas ang walis ko pero bigla nalang itong huminto.

Idinilat ko ang kaliwang mata ko at nakita ko ang naka smirk na mukha ni Fall. 

Ah si Fall........ wait ano?! 

"Dragon?!" sigaw ko. 

I heard him chuckled and nod. Anong ginagawa niya dito?! 

Hindi ko napigilan ang sarili kong paghahampasin siya ng walis tambo. 

"Muntik na akong atakihin sayo ikaw na tag-lagas ka!" 

"Baby.. stop! Shit. Forest Witch Anny!" napatigil ako at tinitigan siya. Tinapik ko ang mukha niya at bininat ang pisngi niya. 

The Fall StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon