CHAPTER 3

4.6K 168 27
                                    

3.

Magdadalawang oras na silang naka upo ni Jamie sa isang pampasaherong bus, masyadong traffic kasi kaya hindi umuusad ang mga sasakyan.

Pupunta kasi sila ngayon sa Maynila dahil bukas ay makaka-usap nila ang isa sa mga benefactor ng LAO. Talagang pinagpalanuhan nilang ngayon lumuwas kesa bukas ng umaga. Hindi kasi nila tansta ang oras dahil nadin sa traffic.

"Hay, kelan pa kaya tayo makakababa sa bus na ito." Rinig niyang untag ni Jamie.

"Wag kang mag-aalala malapit nalang din naman."

"Excited nako, nabalitaan kong mga binata pala ang mga benefactor ng LAO." ngisi ng kaibigan. "Sa tingin ang gu-guwapo nila."

Malamang sa malamang na may itsura ang mga iyon dahil sa anak mayaman.

Hindi nagtagal at nakababa nadin sila. Kinakailangan pa nilang sumakay ng taxi dahil hindi nila alam ang lugar na nakasulat sa papel na binigay ni Sister Mia. Anito, ito daw ang tutluyan nila pansamantala.

"Gusto ko ng matulog, pagod na pagod nako." Untag ng katabi niya at humikad. Talagang nakakapagod ang byahe.

"Manong, malapit na po ba tayo?" Magalang niyang tanong sa driver. "Oho, ma'am. Malapit na po tayo."

Nginitian niya ang matanda.

Bago sila umalis sa kanilang bayan ay talagang pinilit siya ng kaibigan na hindi magsuot ng kapa, aayaw sana siya pero parang itong bata na nagtatrantums. Dinaig pa ang mga bata sa LAO sa kakulitan. Mula kasi ng araw na iyon ay hindi na inaalis ni Forest ang kapa sa kanya. Parang bang crucial na sa kanya na kasama lagi ang kanyang mga kapa.

Kinuha niya ang cellphone sa bag ng marinig niya itong tumunog. Kahit naman kasi taong gubat ito ay kilala naman din nito ang telepono. At talagang kailangan niya iyon.

Napangiti siya sa mensahe at agad na nagtipa ng reply. Inilagay niya ulit sa bag ang cellphone at napabuntong hininga.

Napagsalamat silang dalawa ni Jamie ng ibaba sila ng driver sa tapat ng isang mataas at matahog na building. Noong una ay nag-aalangan pa silang bumaba ng kaibigan ngunit siniguro ng driver na ito ang naka-sulat sa papel.

Sabay na napa buntong hininga ang mga dalaga at hila-hila ang kanilang maliliit ng luggage bag. Pumasok sila sa loob at tumungo sa reception area.

"Good morning, ma'am. Welcome to LP-X Condominium. What can I do for you?" Nakangiting bati ng receptionist sa kanila. Buti at hindi ito kagaya sa mga nababasa niya sa mga libro na mataray. Pero.. Anong sabi nito? Condominium? Magsasalita na sana ito ng marinig niya magsalita si Jamie.

"Uhmmm. Can you check for Forest Anny Custodio and Jamie Marie Punzalan?"

Tumango ang babae at agad na nagtipa sa computer. Paano pag hindi pala ito ang lugar na nasa papel, mapapahiya lamang sila. At masyadong maganda ang kugar na ito.. Ngunit nanggaling na ito sa papel na binigay ng madre. Kailangan niyang magtiwala.

"Can I have your ID's?" Agad nilang nilabas ang mga ID nila at ibinigay sa mga babae. Makalipas ng ilang minuto ay ibinilik ito kasama ang isang susi.

"Your unit will be at fourteenth floor. 1408. Enjoy your stay her." Magalang na wika ng babae at naglakad sila patungo sa elevator.

"Akala ko, tatanggihan tayo kanina. Hindi ko alam na talagang nakareserve ang mga pangalan natin dito." Wika ni Jamie ng tumuntong sila sa elevator. Tumango siya. "Ang hindi ko lang maintindihan ay kung nakit tayo dito pinatuloy ni Sister Mia. Mukhang mahal dito."

Napa-isip siya. "Baka naman ang isa sa mga benefactor ng LAO ang kumuha ng unit para sa atin. Kung tutuusin pwede lang tayong mag hotel dahil tatlong araw lang tayo dito."

The Fall StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon