CHAPTER 1

4.9K 153 7
                                    

1.

Suot ang isang berdeng kapa ay tinahak nito ang daan papuntang Little Angels Orphanage. Bitbit ang isang basket na puno ng mga prutas ay nakangiting pumasok ito sa loob ng bahay ampunan.

Mag da-dalawang taon na din buhat ng maging volunteer siya sa LAO. Ang Little Angels Orphanage ang nag-iisang bahay ampunan sa probinsiya ng Rizal. Kalimitan, mga batang dumanas ng pait ng realidad ang naipapasok sa institusyong ito.

Mga batang laging binubugbog ng mga magulang, inabandona at iba pang dahas na nakapag bigay sa kanila ng sobrang trauma.

"Magandang umaga po, Sister Mia." Nakangiting bungad niya at sinuklian naman ito ng yakap ng madre.

"Napa-aga yata ang bisita mo, hija." Bati sa kanya ng madre at kinuha ang bitbit na basket. "Hindi naman ho, gusto ko din magtagal dito." Ngumiti ang madre at nagsimula na silang maglakad.

Ibinaba niya ang hood ng kapa niya ng makita niya na ang mga bata ng pumasok na sila sa loob.

"Andito na si ate Ganda!" Sigaw ni Boyet at nagsitakbuhan naman ang iba sa direksyon niya.

"Ate ate! Magandang umaga!" Bati ni Lea na palaging dala ang manika na binigay niya. Ngumiti siya at binati ang mga bata at masayang nakikipagkwentuhan.

Isa si Lea sa mga batang nirescue ng DSWD dahil sa labis na pagmamaltrato ng ina nito sa kanya. Halos manlumo siya ng makita niya noon si Leo, walong buwan pa lang ang nakakalipas. Madaming pasa, sobrang payat at halos bumabagsak na ang katawan nito. Buti nalang ay mamabait ang mga benefactors ng LAO at pinagamot sa isang ospital sa maynila si Lea.

Dahil wala naman siyang pinagkaka-abalahan ay ginugugol nalang niya ang sarili sa pagtulong sa bahay ampunan. Medyo may kalayuan ito sa bahay na tinitirhan niya ngunit hindi naman ito naging hadlang para sa kanya.

Mag a-alas tres na ng hapon ng maisipan niya na bumili ng isda't gulay sa palengke dahil uuwi na siya. Nagpa-alam siya kay Sister Mia na baka hindi siya makakalunta sa LAO bukas dahil may gagawin ito.

Habang naglalakad siya sa palengke ay lingid sa kaalaman niyang halos lahat ng dinadaanan niya at napapagawi sa pwesto nito. Takaw-pansin kasi ang kapa niyang mahaba at ang hood nito ay halos sakupin na ang kalahating parte ng mukha nito.

Bumuntong hininga siya at ibinaba ang hood at ngumiti sa magandang babae na nagtitinda ng mga gulay. "Hi Jamie."

"Hay nako Forest Anny! Pati ba naman sa palengke't nirarampa mo ang kapa mo?" Napatawa siya at inabutan siya ng isang supot na naglalaman ng iba't-ibang gulay.

Kumuha siya ng pera at inabot ito kay Jamie. "Parang hindi kana nasanay sa akin, Ammy."

Si Jamie Punzalan ang nag-iisang kaibigan niya sa baryo nila pwera kay Sister Mia. Nakikilala niya ito apat na taon na ang nakakaraan noong unang tumapak siya sa isang liblib na baryo sa Rizal at noong mga panahong halos itulak niya papalayo lahat ng taong lumalapit sa kanya.

Kahit na hindi niya ito pinapansin at nagpursige padin itong maging kaibigan ni Forest.

"Resty, papasara na din naman ako kaya ang mauti ay bumili ka na ng isda at daanan mo uli ako. Sasama ako sa bahay mo." Tumango siya at bumili ng isda.

Ilang minuto ang dumaan at nasa labas na sila ng palengke at naibalik nadin ni Forst and hood sa kanyang ulo.

"Ganito talaga ang eksena pag kasama kita." Tumawa si Ammy at umabrisyete sa akin.

"Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit sa lahat at diyan ka nakatira sa gitna ng gubat. Haler te! Madaming apartment no." Kibit balikat lang ang isinagot nito at nagpatuloy sila sa paglalakad.

Katulad ng pangalan niya, nakatira si Forest sa masugid na kagubatan ng Rizal. Talagang mas pinila niya na manirahan sa pusod ng gubat kesa sa maingay na sentro ng baryo nila. Sabi pa ng kaibigan na nasobrahan sa pagka introvert ito at talagang sa gubat na talaga nanirahan.

Wala naman ito sa kanya at mas maganda nga ito dahil malayo sa mga tao. Para sa kanya ay tama na ang LAO at si Jamie.

"Gusto mo bang sa bahay nalang matulog?" Yay niya sa kaibigan at tumango naman ito. Ulilang lubos nadin si Jamie at yung binabantayan niyang gulayan sa palengke ay sa tiyahin niya. Hindi din naman siya papayag na hayaang mag-isa umuwi ang kaibigan dahil masyadong madilim ang paligid kapag gabi na at delikado narin.

Nakarating na din sila sa medyo upgraded na kubo ni Forest at pumasok. Bumungad sa kanilang dalawa ang malaking aso nitong si Yuggy na tumakbo papalapit kay Forest at dinamba ang dalaga.

"I miss you buddy.."

"Nga pala, Forest yung bagong tinahi ko na kapa mo nasa ibabaw ng upuan. Kulay maroon iyon ah tapos nasabi na ba sayo ni Sister Mia na sa susunod na linggo ay pupunta tayo sa manila dahil kakausapin natin ang dalawa sa mga benefector ng LAO?" Kumunot ang noo ko at tiningnan siya.

Walang nababanggit sa kanya ang madre tungkul sa pagpunta nila sa Maynila. "Hayaan mo na. Baka nakalimutan lang ni Sister."

Isa ding volunteer si Jamie sa LAO at ito din ang nagpakilala sa kanya sa madre at kalaunan ay naisipan nitong maging volunteer na din.

"Excited na 'ko!" Sigaw ng kaibigan kaya tumawa siya.

Mahabang gabi na naman ito para sa kanilang dalawa.

--
So how was it? Add me up on facebook: Chao Gran

The Fall StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon