8.
KUMAKAIN ng agahan si Forest ng biglang bumukas ang pintuan ng kubo niya. Alam niyang si Jamie iyon dahil pinaalalahan siya ng kaibigan kahapon na bibisita ito.
"Wala ka na namang magawa." puna ko sa kanya. Bitbit na naman niya ang notebook at ballpen niya. Writer kuno daw kasi itong si Jamie at talagang sobrang malawak iyong imahinasyon para sa isang manunulat. "Aba minsan lang akong maging bored no."
Tinanguan ko lang siya. "Kain ka." Aya ko pero umiling lang siya.
"Gala naman tayo, Forest." Tiningnan ko siya at umiling. "Ayoko madaming tao."
"Ay grabe siya oh alangan namang wala." Ngumiti ako ng malungkot sa kanya. "I'm sorry Jamie." Nginisihan lang niya ako at umiling. "I understand Forest hindi ko lang alam kung matatanggihan mo sila."
"Ate gandaaaaaaaaaa!" Napalingon ako sa pintuan at nakita ko sila Boyet, Lia at Sister Mia na nakangiti sa akin.
Nagmano ako kay Siter Mia at tinanong kung bakit sila napabisita sa munti kong bahay. "Wala naman hija, gusto ka lang naming ayain ng mga bata mag outing. Regalo kasi ng mga benefactor ng LAO at iyon ay outing sa isa sa mga resort na pag mamay-ari ng Yu."
"Sige na ate ganda, malulungkot kami nila Cassie kapag hindi ka nakasama." Segunda naman ni Lia na nakangiti. Tumango naman si Boyet na hinihimas ang buhok ng aso ko.
"Huwag kang mag-alala Resty, exclusive lang sa atin na LAO ang resort. Narinig ko kasi na talagang pinasara daw ng may-ari muna ang resort para tayo lang ang makagamit. Oh diba di ka na mamomroblema!"
Lumapit sa akin si Lia at inakap ang bewang ko. "Ateee sige na! Hmm! Hmm!" Napatawa ako at pinisil ang pinsgi niya. "Nadaan mo ako sa pa cute mo Lia."
"Hehe."
"Yeheeeeeyyy! Sasama na ikaw!" Niyakap ako ni Jamie kaya nagpupumiglas ako makaalis sa yakap niya. "Aba Resty huh bata lang pala makakapag bigay sayo."
--
Araw ng pagpunta namin sa Resort at makikita mo talaga ang saya sa mukha ng mga bata. Lahat din ng staff at volunteers ng LAO ay sumama kaya marami kami na minsan ay nagdadalwang isip ako kung tutuloy ba ako hindi pero ng maalala ko ang ngiti sa labi ni Lia ay Boyet ng pumayag ako ay inisip ko na sumama nalang.
Narinig ko din sa ibang volunteers na pupunta din sa resort sila Dragon at mga kaibigan nito. Sana naman ay nakita na nito ang Sofia the First na plushie ko.
Mahigit apat na oras din ang ibinyahe namin at sa buong durasyon na iyon at tulog lang ako. Ginising nalang ako ni Jamie at sinabi sa akin na nakarating na pala kami sa resort. Tumulong din ako sa pag-aasikaso sa mga bata dahil yung iba ay nagtatakbo palabas ng bus.
"Tom! Patingnan nalang sila Mitch oh."
"Sige ate." Ngumiti ako sa kanya. Pitong taong gulang na si Tom at masasabi ko na sobrang bait nito. Katulong namin siya minsan sa pag-babantay ng mga bata. Parang matanda na kung mag-isip ito at sobrang talino niya.
Dalawang taong gulang siya ng ihatid sa amin. Kumpara sa ibang bata sa LAO ay makikita mo na iba si Tom dahil sa mukha nitong alam mong may lahi talaga at sa mala gatas nitong balat.
Sumalabong din sa amin ang ilang staff ng resort at mainit kaming tinanggap. Ininform lang kami na pupunta kami sa isang restaurant dahil doon daw manananghalian at nandoon nadin daw ang mga benefactors ng LAO.
"Mga bata, kakain na tayo at behave lang tayo okay?" Wika ni Sister Mia at tumango naman ang mga bata at nagsipaglakad na din.
"Aba talagang andito pala si Dragon mo." Siniko ko si Jamie at tumawa lang siya.
BINABASA MO ANG
The Fall Stealth
RomanceThe Season's Gold. Being the multi-billionaire business man was never been Fall's problem. Of course, he is smart enough to run their empire. Masyadong maingay ang mundo niya, lapitin ng reporters at mga business man. Pero sa lahat ng nalalaman ng...