12.
IT'S been a month since I moved to Fall's house at aaminin ko na masaya pala na kasama siya araw-araw. Hindi katulad dati na sa news ko lang siya nakikita or kung uuwi siyang Rizal, sa kubo ko.
"What are you thinking, witch?" Nilingon ko si Fall na nakatitig na pala. Umiling ako at pumunta sa pwesto niya.
"How's teaching by the way?"
"Mahirap pero worth it." Nakangiting wika ko. Mag dadalawang linggo nadin ang nakalipas ng simulan ko ang pagtuturo sa isang maliit na private montessori malapit sa bahay namin.
"Fall, pag tapos ka na sa ginagawa mo punta pala tayong q-mart. Kailangan ko ng mag grocery." Wika ko at aalis na sana ng biglang hinawakan ni Fall ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Let's go, I'm actually done." Wika nito ay sinarado ang laptop niya at kinuha ang car key na nasa gilid ng mesa niya at hinila na ako papalabas sa private office niya.
"Hmmp, dapat sinabi mo ng nakaalis na tayo kanina pa."
"Nakatitig ka kasi sa kawalan.. ang sarap lang tingnan." Inis ko siyang tiningnan na nakangisi na sa akin. "Ay ewan ko sayo."
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa q-mart at tulak-tulak na ng taglagas ang cart.
Agad kong kinuha ang kanina ko pang ginawa na listahan ng mga bibilhin namin.
Fall and Anny's shampoo
Soap
Detergent soap and fab con
Toilet tissue
Fall's peanut butter
Anny's piknik
so on...
"Witch, what cereal are we gonna buy?"
"How about pancakes?"
"Do you like waffles for tomorrow?"
"Wait.. we'll buy those mangoes. They are your favorite."
"Taglagas! Wait lang naman, isa-isa lang. Bibilhin natin yan lahat. Chill." Inirapan ko siya pero isa-isang nilagay ang mga gusto niyang bilhin.
"Baby, I like flat peaches."
"I know, dragon." Kumuha ako ng dalawang pre-packed na flat peaches at isang pack ng frozen blueberry at nilagay sa cart.
"Oh! Sabi pala ni Owen pupunta sila sa bahay bukas. Okay lang?" Sabi ni Fall ng biglang kinuha ang isang box ng Schoko Balls ng mapadaan kami sa section ng mga cereal.
"Fall" Tumango muna ako bago ko kinuha ang atensyon niya at ibinalik ang kinuha nito. Meron pa kasi kaming isang box ng Schoko balls sa bahay na di pa namin nauubos. Hindi nalang niya ako pinansin at naunang mag tulak ng cart.
Ang kulit.
Halos mag i-isang oras din kami sa loob ng supermarket bago kami nakauwi.
"What do you want for dinner, dragon-mon?"
"Anything basta luto mo."
--
"Bakit pala pupunta sila Owen?" Tanong ko habang nakatingin kay Fall na naghuhugas ng pinggan.
I already met them at isa lang ang masasabi ko.. napaka opposite ng mga attitude nila. Si Fall ay tahimik lang pero ung mga kaibigan niya ay sobrang maiingay pero masaya kasama. Ang dami ko ngang tawa e. Tapos binigyan pa ako ni Wesley ng dalawang malalaki ng classic piknik.
BINABASA MO ANG
The Fall Stealth
RomanceThe Season's Gold. Being the multi-billionaire business man was never been Fall's problem. Of course, he is smart enough to run their empire. Masyadong maingay ang mundo niya, lapitin ng reporters at mga business man. Pero sa lahat ng nalalaman ng...