CHAPTER 4

4.2K 179 35
                                    

4.

Nag paalam na si Jonard at tahimik na umalis sa pintuan. Tumikhim bigla si Mr. Yu at tiningnan ang kasama ko.

"Good morning, please have a seat." wika nito at binalingan ako ng tingin. Ngumiti lang ako ng bahagya ay sumunod kay Jamie na nakatingin padin ngayon kay Mr. Yu.

Umupo kami sa dalawang sa isang malapad na sofa at umupo naman si Mr. Yu sa pang-isahang upuan. "Good morning sir, we are the representatives from Little Angels Orphanage. I am Jamie Punzalan." Inabot ni Jamie ang kamay niya at magalang na tinanggap ito ng huli at nakipag kamay.

Humarap ito sa akin at itinaas nito ang kamay niya. "And you are?"

"Forest Custodio." inabot ko ang kamay nito at nakipag kamay. "Nice to meet you.."

Ngumiti lang ako at nagsimula na kami sa aming agenda.

May ilang mga bata kasi sa LAO na kailangan ng proper medication dito sa Maynila dahil kulang sa gamit ang ilang hospital doon sa bayan namin. Agad namang pumayag si Mr. Yu at sinabing kakausapin din daw niya ang mga kaibigan niya para mag orgnisa ng isang auction para sa LAO. Natuwa ako sa suwestiyon niya, siguradong malaki ang makukuha ng LAO pag nangyari ang Auction for a Cause na iyon, lalo pa't isa siya sa pinaka tinitingalang tao ngayon sa larangan ng business.

Dalawang oras din ang itinagal ng meeting namin at natutuwa ako dahil naging successful ito. Agad din namang umalis si Mr. Yu dahil may hahabulin pa itong meeting.

"Good bye, Ms. Anny and Ms. Jamie. Ingat po kayo." Ngumiti lang ako kay Jonard at tumango. "Ikaw din."

Naglakad sila pabalik sa elevator na ginamit nila kanina ng magsalita si Jamie. "Friend, ganun ba talaga si Mr. Yu? Wala man lang ka emosyon-emosyon ung mukha habang kausap tayo pero bilib din ako dahil ngumiti siya sa iyon ng kaunti."

"Ngumiti ba?"

"Ayy nako. Hindi mo ata napansin."

"Hindi ko pansin eh,"

Pumasok na kami sa elevator at mabilis na pinindot ni Jamie ang G.

"Maiba nga tayo, parang kilala ka ata nung sekretarya na Mr. Yu?" Nagkibit balikat lang ito sa sinabi ni Jamie at hindi pinansin ang mungkahi nito.

"Pero eyyy! Kahit ganun ka emotionless si Mr. CEO ang pogi niya pa din!"

"Mag hunos dili ka nga sa mga pinagsasabi mo." Saway ko sa kanya at hinawakan ang strap ng sling bag ko ng hindi ko maramdaman ang Sofia the First na plushie ko.

"Hala ang plushie ko!" wika ko at dali-daling hinahalog-log ang sling bag ko.

"Resty bakit?"

"Yung plushie ko, Jamie." Mangiyak-ngiyak kong wika ng hindi ko makita kahit sa loob ng bag ko ko. "Baka naiwan mo sa bahay."

"Hindi dala ko iyon, naipit mo pa nga iyon eh."

"Hala oo nga! Pano na yan? Gusto mo balik tayo sa loob?" Umiling ako. "Ayoko na, madami ng tao. Natatakot na ako." Malungkot kong wika at tumalikod nalang.

"Ehhh. Sige ganito nalang, libre nalang kita ng ice cream ah?" Nagliwanag ang mata ko at humarap sa kanya.

"Talaga?"

"Uh-huh so huwag ka ng malungkot dahil halatang-halata na papaiyak ka na. Don't worry may contact naman ako sa sekretarya ni Mr. Yu. Baka pwede ko ipasuyo." Inangkla ko ang kamay ko sa braso niya.

"Thanks, Jamie! The best ka talaga! Hindi naman ako kinakabahan so baka nasa office lang ni Mr. Yu ang plushie ko."

Pumara si Jamie ng taxi napag desisyunan namin na sa mall nalang kumain ng lunch since nagugutom nadin kami.

The Fall StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon