CHAPTER 11

2.8K 109 51
                                    

:(

---

NABABAGOT akong nakatingin sa labas ng marinig ko ang tikhim ni Fall kaya napalingon ako sa upuan niya. 

"Are you bored?" Turan niya habang tinitingnan ang mga papeles na nagkalat sa lamesa niya. Hindi man lang tumingin sa akin. Naglakad ako papunta sa harapan niya at umupo sa nakalaang upuan doon. This time nasa akin na ang atensyon niya kaya ngumiti ako ng kaunti at umiling. 

"Hindi naman, na mi-miss ko lang ang bahay ko at ang mga bata. Ah! Nasaan na ang aso ko Dragon?" Wika ko at isinandal ang sarili ko sa upuan. 

"You'll see him maybe later." 

Tumayo ako at pinagpagan ang kapang suot ko. Nakuha ko ulit ang atensyon ni Fall kaya tinaasan ko siya ng kilay. Narinig ko ang buntong hininga at tumayo narin. 

"What are you doing?" Tanong ko ng makita kong kinuha niya ang susi ng sasakyan at pitaka niya. 

"I'll accompany you. I know you are bored and I'm tired too maybe we could grab some food. Yes?" Wika niya at lumapit sa pwesto ko at inayos ang kapa ko. 

"Red cloak suits you, witch... you look like a legit witch." Umingos ako sa sinabi niya at hinampas ang balikat niya. Ngumisi lang siya at sinundot-sundot ang balikat ko. 

"Tama na yan tag-lagas ka!" Nauna akong lumabas at nakita kong napatayo si Jonard kaya nginitian ko nalang siya at nag senyas na umupo na ito. 

"Cancel my appointments, Jonard." Naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko at hinila na ako sa elevator. 

"Where do you want to eat, witch?" 

"Wala naman akong alam eh, hindi na ako updated sa lugar dito." 

"Okay, let me do the work." 

"Pano pala yung mga gamit ko Fall?" bumitaw muna ako sa pagkakahawak sa kanya at tatanggalin sana ang kapa ko ng tumunog ang elevator at bumukas. 

"It's already in our house, witch." 

Napatango ako. Inabot ko kay Fall ang cellphone at wallet ko at hinila siya sa may gilid. "Wait lang dragon-mon magtatanggal lang ako ng cloak mainit sa labas." Tinanggal ko agad ang kapa at tinupi ito at isinabit ko sa may braso ni Fall at kinuha ang wallet at cellphone. 

"Dragon, ikaw na muna magdala ha?" Tumango lang siya at naglakad na kami papalabas. 

Nilingon ko ang paligid. "Bakit sila nakatingin, Dragon?" Bulong ko. 

"You look so beautiful right now, witch." 

"Anong koneksyon nun? Wala kang kwentang kausap." Umabrisiete nalang ako sa braso niya at tiningala siya. Mas matangkad ang loko eh. 

"After nating kumain mag grocery tayo. Nag cre-crave ako ng piknik at gusto ko pag uwi natin manood tayo ng Sofia the first. Fall ha?" Niyuyogyog ko ang braso namin. 

"Sure sweetheart." 

"Good noon Mr. Yu." Hindi siya pinansin ni Fall kaya ngumiti nalang ako sa lalaking bumati sa snoberong katabi ko at hinampas ng mahina ang balikat nito. 

"Pag binati ka, batiin mo din Fall. Hayyyy nako." Iling kong sambit at nagpatuloy kami sa paglalakad

Hindi umabot ng kinse minutos at nakarating na kami sa isang restaurant. I roam my eyes and smile ang ganda ng ambiance at ang cozy niyang tingnan. 

"You like it here?" Wika ng katabi ko na ikinatango ko. May lumapit sa aming lalaking waiter at iginiya kami papunta sa table namin. 

"Fall, mukhang famous ka ata talaga." Wika ko habang nakatingin sa mga taong nakapaligid samin. Nakikita ko kasi ang pasulyap-sulyap ng mga customer sa kanya tas yung ibang babae ay ingos ng ingos sa akin. 

The Fall StealthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon