Chapter Two

9.2K 172 5
                                    

RYLAI's P.O.V

SPELL HAGARDO VERSOZA? R.Y.L.AI

Kung ako sobrang stressed na sa buong ilang araw na nagdaan paano pa kaya si Coby my loves? GRABE! NAKAKAPAGOD PALA MAGING ISANG ALALAY! jusko! pero okay lang lagi ko namang kasama si Coby my loves kaya carry lang

Kakatapos lang ng mall show niya at pauwi na kami, ganun kabilis ang mga nagdaang araw akalain mo yun? Pang 6th day ko na bilang P.A ni Coby my loves

"Damn! Sobrang init sa stage kanina!" rinig kong reklamo ni Coby my loves, dali dali ko namang kinuha ang pamaypay na nasa bag ko at kahit na nasa passenger seat ako humarap ako sa backseat at pinaypayan si Coby my loves

Syempre mahirap na, baka ma-heat stroke siya sa init edi paano nalang pala ako? Paano nalang ang future husband ko? paano namin mabubuo ang future family namin? kung mahe-heat stroke siya diba?

"That's good" rinig kong saad ni Coby my loves, napangiti naman ako at nilakasan ang pagpaypay

Si Ma'am Gina naman nakatulog na sa tabi ni Coby my loves

Kahit sobrang sungit sa akin ni Coby my loves. Siguro sa buong linggong nagdaan ang pinakamahaba naming conversation ay---

Flashback (Tuesday at Derma)

"Ano susundan mo pa ako kahit sa kwarto?" tanong sa akin ni Coby my loves, ngayon kasi yung schedule niya na magpapa international facial service siya eh

"Hmm, oo sabi ni Ma'am Gina samahan daw kita kahit saan"

"Kahit sa CR?" takang tanong niya

"Hmm, it depends kung papayagan mo ako" hihi OMG! para na talaga kaming mag asawa na hihintayin ko siyang matapos mag shower tapos ako ang sunod then after that matutulog kami ng sabay at yayakapin niya ako at bubulungan ng 'Goodnight sweetheart' haaay!

"What the f**k? Napakamalisyosa mo namang babae, maghintay ka diyan sa tabi ng guard sa labas nitong clinic" saad niya sa akin at pumasok na sa isang room nakita ko naman kung paano kiligin ang mga babaeng staff sa kaniya.

Tss mga walanghiya! nandito sila para magtrabaho tapos kikiligin kiligin sila? eh kung i-silya elektrika ko kaya sila? nang kiligin sila hanggang mamatay? TSK!

Lumabas na ako ng clinic at tumabi kay kuyang Guard, napalingon naman siya sa akin kaya ngumiti ako at nag-peace sign

End of Flashback

OH! DIBA?! Longest conversation namin ni my loves nakakilig kyaaaa!

"Hija tigilan mo na nag pagpaypay kay Sir. Coby tulog na siya oh" napatigil ako sa sinabi ni kuyang driver at nakita ko ngang tulog na si Coby my loves

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at pinicturan ko siya, syempre walang flash mamaya magising pa si coby my loves eh pagod na pagod pa naman siya

Kinuhaan ko siya sa lahat ng angle, konting pics lang naman ang kinuha ko

Tinignan ko ang phone ko at 'Saving 170 pictures' Ehem. Konti lang yan wag kayong ano!

"Wow hija ang sosyal mo naman palang alalay at naka iphone ka pa" dali dali kong tinago ang cellphone ko dahil sa sinabi ni kuyang driver mamaya makahalata pa siya

"Ah ano po, copy phone lang po ito ano gawang china hehe" nakita ko namang tumango tango siya at nagfocus na sa pagdrive

wew! muntik na ako doon ha!

'di ko talaga inaakalang darating ako sa puntong to ng buhay ko. Isa lang naman akong hamak na fangirl pero ngayon lagi ko ng kasama Idol ko!

Dati sa posters ko lang siya nakikita. Ngayon personal na!

Bumibili ako ng madaming CD niya, tapos mga posters, kapag naman may mall show siya lagi akong present, sa concert niya at kahit sa mga guesting niya lahat pinupuntahan ko

nagconcert nga siya ng ilang beses sa ibang bansa eh, lahat yon pinuntahan ko. South Korea, San Francisco, Vancouver, Chicago, Dubai, Hawaii lahat yan pinuntahan ko.

tapos sa lahat ng movies niya present ako sa blockscreening

lahat ng merchandise's niya binibili ko.

Basta lahat ng ginagawa niya sinusupportahan ko!

Pero kahit ganun — never niya akong napansin, para sakaniya isa lang akong hamak na fangirl

Kaya ako na yung gumawa ng paraan tagal ni cupido eh!

"Kuyang driver matagal pa ba tayo?" tanong ko kay kuyang driver

"Ah medyo traffic, matulog ka muna hija" saad niya kaya sumandal ako sa may bintana at pumikit
--
"Carry her Coby"

"WHAT?! WHY ME?!"

"Gusto mo ako?"

"Tss" ayan ang huli kong narinig bago ko naramdaman na umangat ang katawan ko

Wow ang bango naman, amoy coby my loves. WAIT? SILA NI MA'AM GINA YUNG NAGTATALO KANINA?!

"Ang liit liit ang bigat bigat" rinig kong reklamo ni Coby my loves

haaay kung si Coby my loves ang laging kakarga sa akin kung makakatulog ako, promise magpapaka sleeping beauty nalang ako

"I know gising ka na, baka gusto mo nang bumababa?" napadilat ako at binaba naman niya ako

"P-paano mo nalaman?" nahihiyang tanong ko

"Sinisinghot singhot mo kaya ako"

"Umuwi ka na, uuwi na din kami ni Gina may kukunin lang kami dito sa office niya" saad niya at tinalikuran ako at pumasok sa elevator

"OKAY BYE!" i said at kumaway

Nangsumara na ang elevator nagsimula na akong maglakad palabas sa building na ito

"oh uuwi ka na rylai?" tanong ni Ma'am Gina

"Opo, bye po"

"Oh sige siya nga pala, tatawagan nalang kita incase na may pupuntahan si Coby bukas" sabi ni ma'am gina

"Okay po" sabi ko at ngumiti tsaka lumabas ng building

naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang itim na kotse pinagbuksan naman ako ng isang butler at pumasok na ako sa kotse

"Young lady, Madam Elizabeth is waiting for you" napatingin ako sa katulong ko na nagsalita

"Si mommy nandiyan?" takang tanong ko

"Yes Young lady"

"wosh! sige iidlip lang ako for sure papagalitan ako nun kasi kinukunsinti ako ni dad" saad ko at pumikit na.

My Obsessed FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon