Chapter Three

8.7K 154 3
                                    

RYLAI's POV

"What's the meaning of this?! ANO ITONG NALAMAN KO NA NAGPAKA KATULONG KA? LISSANDRA SHYVANA CRESTFALL!!" dumagundong sa buong mansion ang boses ni mommy na nagmula sa staircase namin

"Good evening mom" i said in response

"ANSWER ME! LISSANDRA!"

"Mom! I'm tired please? bukas nalang tayo magusap" i said at umakyat na

"BUKAS? AALIS NA AKO BUKAS MAY BUSINESS MEETING AKO SA LONDON! TSAKA ANO NALANG ANG SASABIHIN NG IBA KAPAG NALAMAN NILA NA ANG ANAK NG ISA SA PINAKA MAYAMANG PAMILYA AY ISANG KATULONG LANG!?"

"Ma! Hindi naman ako kilala eh! Ang pangalan at apelyido ko OO KILALA NILA, BUT ME? NO!" saad ko at pumasok na sa kwarto ko

Ganyan talaga yang si Mom laging inuuna ang sasabihin ng iba bago niya isipin ang nararamdaman namin.

Mas workaholic pa siya kaysa kay Daddy, minsan nga nakakalimutan na niya na birthday ko or minsan nakakalimutan niya na may okasyon pero pinapaintindi naman sa akin ni daddy na kaya nagagawa daw iyon ni mom para sa future namin nila kuya at ate

Ang kuya at ate ko ay Kambal si kuya Lycan Malzahar Crestfall at si Ate Syndra Zilean Crestfall-LeBlanc at ako naman ang bunso

Si ate nasa Germany isa siyang Kilalang Surgeon at si Kuya naman tumutulong kay Mommy sa ibang fields ng negosyo namin

Si ate may anak na siya si Mordekaiser Lux LeBlanc lalaki 8 years old, ang asawa ni ate ay isang kilalang Business Tycoon

Si Kuya naman ang alam ko may Girlfriend siya anak daw ng Prime Minister.

Lahat sila mga pinagkasundo lang ni Mommy para mas lumawak ang business namin at sana hindi gawin sa akin ni mommy yun

Habang nakatingin ako sa kisame bigla nalang akong hinila ng antok at nakatulog
---

Pagkagising ko agad akong tumayo at nagtungo sa aking CR sa kwarto at naligo pagkatapos nag-ayos ako isang simpleng tshirt at pants lang

Palabas na sana ako ng kwarto ng mapansin kong may isang envelope na nakaipit sa ilalim ng lampshade ko sa bedside table kaya agad ko itong kinuha at binasa

'Lissandra, i don't know what's running in your insane mind to do this thing! ISA KA SA HEIRESS NG CRESTFALL EMPIRE tapos magpapaka-katulong ko? Are you really out of your mind? Hindi kita pinalaking isang hangal para gumawa ng ganiyang desisyon. Me and your Dad ay nasa London today dahil sa isang business meeting. Be like your Older Sister and Older brother buti pa sila pwede kong maipagmalaki samantalang ikaw? Hindi! Make me proud of you kahit isang beses lang, tigilan mo na yang ginagawa mo or else umalis ka na ng bahay! Be wise in any desicion na gagawin mo! Be like us! -Mom'

Napaiyak ako sa nabasa kong sulat. Be like her? Gusto niya ba na wala na akong oras sa pamilya ko? Tsaka ano daw? Isa akong hangal? Hindi ako magiging ganito ko kung tinuon niya ang atensyon niya sa akin hindi yung puro siya trabaho

Agad kong kinuha ang mga gamit ko pati narin ang ATM cards ko at nilagay ko lahat sa isang maleta tsaka ako bumaba at lumabas ng mansion, pinipigilan pa ako ng mga katulong pero hindi nila ako napigilan

Naglakad ako hanggang sa makalabas ako ng village, hindi naman ako nakilala ng guard dahil nakasumbrero ako. Habang naglalakad ako sa sidewalk may humintong kotse sa tapat ko

"Rylai?" napatingin ako dito at nakita ko si Ma'am Gina

"Ma'am Gina?"

"Hop in" pinasok ko yung maleta sa backseat at umupo ako sa passenger seat sa tabi niya. Siya kasi yung nagdadrive

"Oh bakit may hawak kang maleta?" tanong niya

"A-ah ano kasi po pinalayas na po ako sa nirerentahan kong apartment" pagsisinungaling ko

"Ganun ba? Ay saktong sakto! ang katulong ni Coby nagresign na kung gusto mo ikaw nalang pumalit sakaniya stay in naman yun sa bahay niya eh! Edi pwede ka din mag stay in sa bahay niya" parang nagliwanag ang buong paligid ko sa sinabi ni ma'am Gina!

Parang napabuti pa ang paglalayas ko kasi makakasama ko na si Coby my loves sa iisang bubong! Matutupad na ang aking pangarap na ONE BIG HAPPY FAMILY WITH HIM!

"Okay lang po ba?" tanong ko

"oo naman tara pupunta ako kay Coby ngayon" Saad ni ma'am Gina at pinaharurot ang kotse niya

Nagulat naman ako ng pumasok kami sa Crestfall Chronicles, malayolayo naman ito sa village na tinitirhan namin pero Obviously kami ang nagmamayari ng village na ito

"Dito po siya nakatira?" tanong ko

"Oo, dito namin pinili kasi mahigpit ang security dito hindi masusundan si Coby ng mga obsessed fans niya" Sus nasundan ko na nga eh. Hahaha

"Ah ganun po" sabi ko nalang. Huminto kami sa isang malaking bahay na kulay white, bumusina si Ma'am Gina at bumukas yung gate na kulay itim at pumasok siya sa loob at nagpark sa malaking garahe

Pagpark niya bumaba na ako at kinuha ang maleta ko, lumabas na din naman siya sa kotse niya at pumasok sa malaking bahay sumunod naman ako kaagad

"Coby?" lumabas mula sa kusina si Coby my loves na naka basketball short, topless dahil yung sando niya naka sabit sa balikat niya

paano ko nalaman na kusina yun? Syempre isa ako sa nagdesign ng mga bahay dito Hehe

WAIT! TOPLESS SI COBY MY LOVES KO!!!! feeling ko sasabog na ang mukha ko sa sobrang kapulahan

"Coby kasama ko si Rylai siya na ang papalit sa katulong mo pinalayas din kasi siya sa apartment na tinitirhan niya"

"Okay as long as na marunong siya maglinis, maglaba at magluto tanggap siya" saad ni Coby my loves at umakyat na sa taas

"Halika na Rylai tuturo ko sayo ang kwarto mo" tumango ako at sumunod kay Ma'am Gina

Ang bait ni Ma'am Gina, para ko na siyang ahm ate? hehe hindi pa naman ganun katanda si Ma'am Gina siguro nasa mga 30+

Pumasok siya sa isang kwarto

"Dito ka na matutulog from now on, ang CR nasa tabi ng kitchen" tumingin ako sa paligid at ahm okay naman kasing laki siya ng CR ko sa kwarto sa mansion. May Single bed may aircon naman kaso maliit, may bedside table, malaking cabinet at may study table din

"Salamat po Ma'am Gina"

"No Problem, sige may ididiscuss lang ako kay Coby then aalis na ako" sabi ni Ma'am Gina at lumabas ng kwarto umupo naman ako sa kama at napabuntong hininga

Naglayas ako eh kaya dapat tiisin ko, pero OMG! KASAMA KO SA IISANG BAHAY SI COBY MY LOVES! PERFECT WIFE TO BE NABA AKO?

ano nga ulit sabi niya kanina?

"Okay as long as na marunong siya maglinis, maglaba at magluto tanggap siya"

TANGGAP NIYA DAW AKOOOO! KYAAAAAAA!-- Wait? Maglinis, maglaba at magluto?

WAAAAAAA! HINDI KO ALAM PAANO YON?!

My Obsessed FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon