RYLAI's POV
Kakatapos ko lang maligo dahil naglinis ako ng buong mansion LIKE WHAT THE PAAAK! Grabe ang hirap pala maglinis ngayon alam ko na kung gaano kahirap ang nararanasan ng mga katulong namin huhu
Pagkatapos ko maligo nagbihis lang ako ng simpleng dress na kulay itim na off-shoulder syempre BLACK AND WHITE CASINO/BAR ang pupuntahan ko tapos naka pants? edi hindi ako pinapasok
Sa black and white casino/bar kailangan kapag papasok ka doon naka-formal attire kahit sa bar pa na BnW ka pupunta, pwede ka naman magpalit ng damit sa bar na mismo pero kailangan kung papasok at lalabas ka, naka-formal attire ka kaya huwag na kayong magtaka kung bakit ganito suot namin ni Coby My Loves
Naglagay ako ng konting powder at lipstick na pink at syempre pabango, kung inaalala niyo yung pagkain namin kaninang tanghalian, meryenda at hapunan? Nagpa deliver po si Coby sabi niya baka daw mamatay siya ng maaga sa mga niluluto ko huhu
pero i swear mag-aaral talaga ako magluto para sakaniya!
Pagkatapos kong magayos nagsuot lang ako ng simpleng flat shoes at shoulder bag
Paglabas ko ng kwarto saktong pababa na si Coby mula sa taas, kasuot siya ng isang simpleng tuxedo na lalong nagpa gwapo sakaniya haaaay!
"Tara na hindi makakasama si Gina may sakit daw yung anak niya" sabi ni Coby at nauna nang lumabas pero bago ako sumunod kinuha ko muna yung mineral water sa kusina at nilagay sa bag ko, tsaka ako sumunod sakaniya
Papasok na sana ako sa passenger seat ng magsalita siya
"Ah...... dito kana sa backseat wala naman si Gina" sabi niya ng hindi nakatingin sakin
Napangiti naman ako at agad na sinarado ang pinto sa passenger seat at tumabi sakaniya sa backseat
EHEM! NAGSISIMULA NA BA ANG AMING LOVESTORY?! KYAAAAAA!
"Ano pang schedule ko this week?" tanong niya
kinuha ko ang schedules niya sa bag ko at binasa
"Tuesday hanggang wednesday magsho-shoot para sa music video ng kanta mo, thursday meet and greet sa isang mall, friday meeting sa director sa bago mong movie, Saturday shoot para sa bago mong TV commercial and sunday Cleaning ka sa Dental Clinic" saad ko, grabeng schedule punong puno ah!
Tumango lang siya at tumingin na sa bintana
GUSTO KO MAGSELFIE KASAMA SIYA KASO NAKAKAHIYA NAMAN
"Ahm Coby my la--- mok, lamok hehe coby p-pwede magpa picture?" tanong ko
humarap siya sa akin na nakakunot ang noo
"Bakit?" tanong niya.
FAN MO AKO COBY MY LOVES SO SWEET! FAN FAN FAN NUMBER 1 FAN MOKO!!!
"Ha? papa-picture lang bawal ba?" tanong ko
"Ah sige" Lumapit siya sa akin kaya nilabas ko yung phone ko
pero diko macapture dahil gusto ko ng sumabog sa kilig
"Ang tagal naman" Lumapit pa siya lalo kaya cinapture ko na
mga dalawang pictures lang
"Ako naman" sabi niya at kinuha niya yung phone ko at nagpicture siya sa aming dalawa na magkatabi kami hihi"O ayan na" abot niya sakin ng phone
"S-Salamat" saad ko at tumalikod na kasi namumula na talaga yung mukha ko I LOVE YOU NA TALAGA FUTURE HUSBAND KO!!
Kinuha ko ang phone ko at pinost ko sa instagram ko yung picture namin, syempre tinag ko siya HAHAHA
'CML' ayan yung caption ko ibig sabihin niyan 'COBY MY LOVES'
Mga ilang minuto nakarating na din kami sa 'Black and White Casino/Bar' huminto kami sa malaki at magarbong pinto ako ang unang lumabas at hinintay ko siyang lumabas
Paglabas naming dalawa umalis na si kuyang driver kaya naglakad na kami, ako sa unahan syempre ako yung magaabot ng card eh
May sumalubong naman sa amin na apat na lalaking malalaki at naka black, inabot ko sakanila ang card, tiningan nila iyon at may inabot sa akin at pinadaan na nila kami ni Coby my loves
Pagpasok namin inassist kami ng isang babaeng maganda papunta sa isang elevator, inabot ko sakaniya yung isang papel na parang calling card may pinindot naman siya sa elevator at naramdaman kong pababa kami after that bumukas yung elevator at sumalubong samin ang malaking pinto
"Enjoy ma'am and Sir" sabi niya at inabot niyang muli yung papel na binigay ko, papasok na kami sa pinto ng may humarang nanaman na apat na lalaki
Inabot ko yung papel at binuksan na nila yung pinto
"Ang daming alam ni Max" bulong ko
"ha?" tanong ni coby
"Ah wala tara na" sabi ko sakaniya
sumalubong naman sa amin ang maingay na crowd, disco lights, smokes
"Tara na sa dressing room" sabi ko at inalalayan ko siyang makadaan papuntang dressing room, alam na alam ko to syempre ilang beses nako nakapunta dito eh hahaha
pagdating namin doon sinalubong kami ng isang babae na manager ata? Bago lang eh dati kasi lalaki manager dito
"Hi Mr. Coby Wyatt? Right? Magpa-ayos na po kayo, kasi after two songs kayo next" sabi ng babae
"Okay" sabi ni Coby at umupo na sa isang upuan at inayusan na siya ng mga babae
Umupo lang ako sa couch at hinintay sila, hanggang sa may pumasok na lalaki
"Yow! Coby pare!"
"Tss"
"Haha wala ata yung manager mong matandang makulit?" Tumingin siya sa paligid at nagulat siya ng makita niya ako
"What are you doing here?" tanong sakin ni Max
"Pare that's my P.A huwag mo nang pagnasaan." pabirong saad ni Coby
Kilig naman ako, para kasing nagseselos siya kaya niya ako pinagtatanggol hihi
"WHAT? HAHAHAHAHA ARE YOU KIDDING ME? SI LIS--"
"OMG! Hi. Ahm Ako po pala si Rylai! What's your name?" tanong ko kay max para hindi na niya matuloy yung sasabihin niya
"What? Rylai?" tanong niya
"Yes! I'm Rylai Miranda, P.A ni Coby" saad ko, nakita ko naman sa gilid si Coby nakatingin samin
"Wait pare ha?" sabi ni max at hinila ako palabas ng dressing room
"WHAT THE F**K?! LISSANDRA?" tanong niya
"Ano bayan max! HMP" saad ko at nagcross arms
"Bakit naging P.A ka ni Coby? naghihirap na ba kayo? at what's with the Rylai Miranda thingy?" tanong niya
"Long story okay? basta ako si Rylai Miranda, P.A ni coby the End!" sabi ko
"Hay nako!" sabi niya at mukhang frustrated
"Hoy Max mas alalahanin mo kung paano i manage itong casino/bar niyo kesa sa problemahin moko!" sabi ko kay max at pumasok na sa dressing room
nakita ko namang nakapag bihis na si Coby
"Tubig mo oh" sabi ko kay coby
"Thanks" sabi niya at uminom pagkatapos inabot niya din sa akin yung tubig
"WANT MORE?!" rinig kong sigaw ng DJ
"YESSS! MOREEE!" sigaw ng crowd
"THEN LET'S WELCOME OUR SPECIAL GUEST! COBY MIKAEL WYATT!"
"WOOOOOOOOOOO!" sigaw ng crowd
"ARE YOU READY TO PARTY?!!" sigaw ni Coby
"READYYYYY!!"
Napangiti ako at tumingin kay Coby, ang saya ko kasi sino bang makakapag akala na magiging ganito ako kalapit kay Coby. Dati pangarap ko lang siya, ngayon? uh well hehe pangarap ko padin siya
BINABASA MO ANG
My Obsessed Fangirl
Teen FictionMeet Rylai Miranda an obsessed fangirl that will do everything just to be with her idol Coby Mikael Wyatt Coby Mikael Wyatt a famous actor , cold hearted , snob and rugged but kind to his fans. Can rylai survive being his personal assistant? OR NOT...