Chapter Thirty-two

7.1K 117 2
                                    

RYLAI'S P.O.V

"Good Evening passengers. This is pre-boarding announcement for flight 03B to California. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you."

Tumayo ako at hinila ang maleta ko.

Siguro hanggang dito nalang talaga, ayoko nang ipagsiksikan ang sarili ko sa taong niluluwa naman ako. Now it's time for me to let go

Wala narin namang saysay kung ako lang ang kakapit at patuloy na aasa kung siya na mismo ang nagsabing hindi niya ako minahal.

Sino nga ba talaga ako? Isang obsessed fan na gusto mapalapit sa idolo niya, nothing more nothing less

Pagpasok ko ng eroplano, umupo na ako sa designated seat ko, malapit sa bintana

Maya maya lang din naramdaman ko na ang pag angat ng eroplano, at kasabay nun ang pagtulo ng aking luha. Huling luha na sasayangin ko ng dahil sakaniya

Isang luha na puno ng sakit, paghihinagpis, at pagmamahal.

Sabi nga nila kung mahal mo talaga ang isang tao Willing ka na i let go siya at hayaan siya sa kasiyahan niya

At yun ay ang mawala ako sa paningin niya

Hinawakan ko ang tyan ko at ang papel na hawak ko ang ultrasound

"I love you baby. Ikaw nalang pinanghahawakan ni Mommy" saad ko

Two weeks na nung nalaman kong, buntis ako. Nagalit si mommy at daddy kaya sabi ko pupunta ako ng california

Para magsimula ulit at babalik nalang ako. Yung grand announcement tuloy ni Mommy tungkol sa akin naudlot at sabi niya ipapakilala nalang daw niya ako kapag nakapanganak na ako

Nagalit man sila sa akin, pero napatawad at inintindi pa din nila ako.

Yung regalo ko kaya kay Coby? Nabuksan na niya?

Ang regalo ko kasi sakaniya ay isang Mug na customized nang chibi's namin

At sa loob ng mug may papel na nakarolyo, ito ay yung sulat ko para sakaniya

'Dear Coby, Merry Christmas at Congratulations sa Successful movie mo, May ipagtatapat pala ako sayo dinaan ko sa sulat dahil natatakot akong aminin sayo nang harapan. Ako bilang si Rylai ay hindi totoo, walang Rylai na nageexist sa mundo isa lang siyang kathang isip na ginawa ko para makapasok sa mundo mo, at hindi ko iyon pinagsisihan dahil ngayon mahal na mahal kita. Kaya kong magpakaalipin, kaya kong isuko ang lahat para sayo kahit ang pagiging Crestfall ko. Kaya ko iyong isuko para lang sayo, Ako si Lissandra Shyvana Crestfall kapatid ni Lycan Malzahar Crestfall na akala mong lalaki ko at pinagseslosan mo at tatay ko si Kennen Ctestfall na inaakala mong sugar daddy ko,  pero tinaggap ko lahat ng alipusto ng lahat sa akin para sayo ganun kita ka mahal at mas lalong hindi ko pinagsisihan nung ibinigay ko ang sarili ko, kahit na ang sarili kong buhay kaya kong ibigay para sayo. sana tanggapin mo padin ako kahit na tinago ko ang totoo kong Identity mahal na mahal kita, Forever and always'

Napapikit ako at tumulo nanaman ang luha ko ng maalala ko ang sulat na ginawa ko para kay Coby.

Siguro nga wala na siyang pake kahit nabasa niya pa ang sulat na ginawa ko.

Wala siyang paki sa akin, hindi niya ako tinignan bilang isang babaeng minahmahal niya, tinignan niya ako bilang isang obsessed fan na desperadang mahalin ng taong hindi ako kayang mahalin

Nakakaawa ako at sa paglisan ko sisiguraduhin kong wala na ang kaawa awang si Rylai Miranda

Dahil babalik ako bilang si 'Lissandra Shyvana Crestfall'

My Obsessed FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon