Chapter Eighteen

7K 118 1
                                    

RYLAI'S POV

"Bye, I love you so much" hinalikan ako ni Coby, isang halik na nakakabaliw at tagos sa puso. Nang maghiwalay ang aming mga labi muli niyang binanggit ang tatlong kataga

"I love you" tsaka siya humiwalay at tumalikod sa akin, Pumasok na siya sa sasakyan, kumaway naman siya kaya kumaway din ako pabalik

Habang papalayo ang sasakyan, feeling ko unti unting nadudurog yung puso ko hindi ko alam pero feeling ko may mangyayaring hindi maganda

Tumalikod na ako at sinara ang pinto. Ngayon kasi umalis si Coby papuntang new york, ang bilis ng araw parang kailan lang

Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis nakaligo naman na ako kaya magbibihis nalang kinuha ko ang bag ko at nilagay doon ang gamit ko tsaka ako lumabas ng bahay

uuwi ako sa mansion ngayon, dahil pinapatawag ako ni daddy

Paglabas ko ng village pumara ako ng taxi

Wala pang thirty minutes nakarating na kami kaagad sa Shyvana temple, wala kasing traffic dahil madaling araw palang

Bumukas ang malaking gate ng makita ako ng guard kaya nakapasok agad ako sa bahay

Pagpasok ko doon ang tahimik kaya dumiretso muna ako sa kwarto ko at natulog
---

Pagkagising ko agad akong nagtungo sa CR sa kwarto ko at naligo tsaka bumaba naabutan ko naman doon si Daddy at mommy nag aalmusal

Nang makita nila ako mukhang nagulat sila dahil hindi nila inaasahan na pupunta talaga ako

Umupo ako at nagumpisa namang lumapit ang mga katulong para handaan ako ng pagkain

"Anak, I'm Glad you're here" napatingin ako kay mommy at ngumisi

"Anak? Wow first time" sabi ko at kumain na

"By the way sweetheart pinapunta kita kasi we need to train you para sa company, magaasawa na ang kuya mo so madami daming negosyo at kumpanya na ang hahawakan niya kailangan mo siyang tulungan" tumango tango ako at tumingin kay dad

"May tutulong naman sayo anak don't worry expert siya pagdating sa business" sabat ni mommy

"Oo nga, pinapunta pa nga namin siya today-- Oh ayan na pala siya! Come hijo sumabay ka sa amin" Sabi ni daddy at naramdaman ko namang may lumapit sa gawi ko

Hindi ko na inabalang tignan dahil, i don't care at all

"Anak meet your business adviser" napatingin ako sa lalaki at laking gulat ko ng makita ko siya

"Vayne Warwick, meet our youngest daughter Lissandra Shyvana Crestfall" nabitawan ko ang hawak kong kubyertos at nakita ko din ang gulat sakaniyang mukha

"IKAW?" sabay naming saad

"Kilala niyo ang isa't isa?" tanong ni mom

"Rylai?" Paninigurado ni Vayne

"Oh? Hahaha nakilala mo pala siya bilang si Rylai" sabi ni daddy at tumawa pang muli, syempre siya nag imbento ng pangalang rylai eh tss

"Yes Mr. Crestfall" magalang na saad ni Vayne

"By the way, Si Mr. Warwick ang magtuturo sayo sa business anak"

"Pero, akala ko ba psychologist ka?" tanong ko kay vayne

"Oo nga pero una akong nakapagtapos sa business bago ako nagtake ulit ng Psychology" tumango tango ako at nagpatuloy sa pagkain

Pagkatapos namin kumain iniwan lang kami ng mommy at daddy ko para makapag usap

My Obsessed FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon