RYLAI'S POV
"Baby anong ginagawa mo?" napatingin ako sa likod ko ng marinig ko si coby
Magulo ang buhok at halatang bagong gising
"Nagluluto ako" sabi ko, alas kwatro na kasi ng hapon kaya nagluluto ako ng merienda
"hmm?" yumakap siya sa akin mula sa likod at pinatong ang kaniyang ulo sa aking balikat
*ting*
"baby excuse kukunin ko yung nasa oven" umiling lang siya at lalong yumakap
Kaya naglakad ako ng dahan dahan at kinuha ang pothold para makuha ko yung lasagna sa oven
Nang makuha ko na siya tinaggal ko ang foil sa ibabaw at nagslice ng lasagna at naglagay sa dalawang platito tsaka ko sinalin yung lasagna sa isang lagayan at tinakpan
Nilagay ko sa mesa yung mga pagkain
"baby" umalis siya sa pagkakayakap at umupo tsaka tumikim sa pagkaing niluto ko
Kumuha naman ako ng mango juice sa ref at nilagay sa mesa
"This taste awesome" puri niya sa luto ko
"hihi thanks"
"how come nakapagluto ka ng masarap?" pangaasar niya
Nag pout ako at tumikim ng lasagna
"tinuruan ako ni vayne" kitang kita ko kung paano kumunot ang noo niya tsaka binaba yung tinidor
"b-bakit?" tanong ko
"nawalan na ako ng gana" sabi niya at umakyat sa taas
Hala? Anong nangyari doon eh ang sarap sarap naman ng luto ko, inabot din ako ng ilang araw para matutunan to
Pagkatapos ko kumain niligpit ko ang pinagkainan ko at tinakpan ang tira ni Coby tsaka ako umakyat sa taas
Kumatok ako sa kwarto niya pero walang sumasagot kaya binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at wala akong nakitang coby sa kwarto
"Coby?"
Lumapit ako sa isang pinto ng marinig ko ang lagaslas ng tubig
Naliligo pala siya, umupo ako sa kama niya at naghintay sakaniya
Wala pang ilang minuto natapos na din siya
"Baby?" humarap ako sakaniya at nakita kong naka topless siya kaya agad akong tumalikod
"A-ah m-magbihis ka muna" sabi ko, hindi naman siya nagsalita pero naramdaman kong naglakad siya papasok sa isa pang kwarto
Galit siguro siya sa akin, pero bakit?
"I'm done" humarap ako sakaniya at naka v-neck lang siya at simpleng tokong shorts
"Galit ka ba sakin?" nahihiyang tanong ko
Lumapit siya sa akin at umupo sa harap ko
"No, I-i'm jealous" sabi niya at tumingin sa kaliwa
"huh? Kanino at bakit?" tanong ko
"kasi sa buong linggong hindi kita kasama si vayne ang kasama mo at tinuruan ka pa niya magluto" paliwanag niya
"magkaibigan lang kami, tsaka sinasamahan niya lang ako kasi wala akong kasama" sabi ko at niyakap siya
"i know pero syempre hindi naman maiiwasan yun" sabi niya at niyakap din ako
"huwag kana magselos, i love you"
"okay okay, i love you too"
*kring kring* humiwalay ako sa yakap at tumayo si coby sa akin at kinuha ang cellphone niya sas ibabaw ng study table niya
Tumingin siya sa akin kaya tumango ako at lumabas siyempre kahit girlfriend niya ako kailangan padin niya ng privacy
Nagtungo ako sa kwarto ko at kinuha ang panligo ko tsaka pumuntang CR
Pagkatapos ko maligo nakita ko si Coby nagluluto
"ano yan?" tanong ko
"ulam baby" sabi niya at ngumiti
Ngumiti lang din ako at pumasok sa kwarto tsaka nagbihis, paglabas ko nakita ko naghahain na siya kay tinulungan ko siya
Pagkatapos namin maghain sabay na kaming kumain
"bukas baby may taping kami sa studio sa building, pwede kang sumama" sabi ni coby
"nako wag na baka magalit si ma'am gina"
"ako bahala sakaniya kayas sumama kana please? "
"okay" i said at ngumiti EXCITED NAKO! Kyaaaaaa!
BINABASA MO ANG
My Obsessed Fangirl
Teen FictionMeet Rylai Miranda an obsessed fangirl that will do everything just to be with her idol Coby Mikael Wyatt Coby Mikael Wyatt a famous actor , cold hearted , snob and rugged but kind to his fans. Can rylai survive being his personal assistant? OR NOT...