Chapter Twelve

7.4K 114 1
                                    

COBY's P.O.V

"Coby habang maaga pa, pigilan mo yang nararamdaman mo hindi makakabuti yan para sa career mo. Ano nalang ang sasabihin ng mga tao? Kapag nalaman nilang isang hamak na alalay lang ang magiging kasintahan mo?"

Nakaupo ako ngayon dito sa Library ng bahay at kausap ang Manager ko, It's Monday at pinagtapat ko sakaniya yung nararamdaman ko this past few days at, ayan nga yung sinabi niya na itigil ko daw ang nararamdaman ko

"Ang pagpipilian mo lang naman ay Career or Love?"

"Hindi naman siya makakasira sa reputasyon ko as long as magiging sikreto lang ang namamagitan saming dalawa" sabi ko

"No, Una sa lahat hindi siya kilala sa lipunan. Bababa ang fame mo, Pangalawa mahirap lang siya! For pete sake! Wala kang aasahan sakaniya paano pala kung sige nga magiging kayo, paano kung pera lang pala habol niya sayo? WAKE UP! Coby! Langit ka, at isa lang siyang hamak na wala--"

"STOP! Huwag mong pagsalitaan si Rylai ng masakit sa harapan ko, Manager lang kita kaya ang iniisip mo ay yung career ko at hindi ang nararamdaman ko" sabi ko at lumabas ng kwarto

Pagbaba ko sumalubong sa akin, Si Rylai nahirap nahirap sa pag vacuum ng sahig. Napangiti naman ako at lumapit sakaniya

"Tigilan mo na nga yan, tara meryenda tayo." Sabi ko at ako na ang nagtanggal ng apron niya at hinila siya papuntang kusina

"Upo ka lang diyan, Anong gusto mo?" tanong ko, tumingin ako sakaniya at nakita kong nakatungo siya kaya nilapitan ko siya

"Okay ka lang?" Inangat ko ang mukha niya at nakita kong namumula yung mukha niya. SHT! MAY SAKIT BA SIYA?!

"May sakit ka ba?!" tarantang tanong ko lumapit ako sakaniya at sinalat ang noo niya

"W-walaaa! ano ba yan! Ano gusto ko ng cookies! Magluto ka na dun!" sabi niya at tinulak ako

Napangiti naman ako kasi ngayon ko lang narealize na nagbablush pala siya haha

"Oh sige! COOKIES FOR MS. RYLAI COMING UP!" sabi ko at nagsuot ng apron. Narinig ko namang humagikgik siya kaya napangiti na din ako

RYLAI'S POV

"Wooo! sarap! hindi ko akalaing pati sa pagbe-bake my talent ka din pala! hihi" sabi ko at ininom yung gatas

Ang sarap kasi ng binake niya na cookies ang dami pa, kaso kanina si Ma'am Gina umalis ng bahay at mukhang galit di pa ako pinansin haaays!

Nandito kami sa garden at nakaupo sa wooden swing, dito kami kumain

ETO TOTOO NA TALAGA! PARA NA TALAGA KAMING MAGJOWABELLS!

Parang dati patingin tingin lang ako sakaniya sa TV, pasimpleng bigay ng regalo kapag may meet and greet, Laging VIP sa lahat ng concerts and guestings niya, Dati bumibili pa ako ng 200 copies of CD tapos pinapamigay ko yung iba

Ganun ako ka-Obsessed sakaniya HAHA

"Buti nalang nasarapan ka, Hinaluan ko kaya yan nang pagmamahal! Haha" Napatingin ako sakaniya dahil sa sinabi niya, napansin naman niyang nakatingin ako kaya tumigil siya sa pagtawa

"N-naku coby, Maglilinis na nga ako ng bahay mo" Tumayo na ako at akmang maglalakad ng hawakan niya ang kamay ko

"I'm serious" Napatingin ako sakaniya at nakatitig din siya sa akin

"A-ano bang sinasabi mo?"

"Seryoso ako, hindi ko alam kung kailan o bakit basta nagulat nalang ako pagkagising ko may gusto na ako sayo"

W-WAAAAAAAAAAAH!

"M-mahal din naman kita eh" nahihiyang sabi ko

"I know pero please, wait for me. Hintayin mo ako hanggang sa mahalin kita, I like you at alam kong konti nalang magiging I love you na"

"Oo coby, I'll wait for you always" sabi ko, hinalikan naman niya ang likod ng aking palad at niyakap ako

Hindi ko na din naman napigilan na hindi siya yakapin, I'm so happy

Yung dating pangarap ko lang, ngayon unti unti ko nang nakukuha
-----

"WAAAAAAAAAHHH!" tinakpan ko ang mata ko at nagtago sa likod ng upuan, Dahil natatakot ako doon sa pinapanuod namin

Babaeng mahaba ang buhok tapos gumagapang palapit sa amin! WAAAAAH

"Palabas lang yan, Halika nga dito" Lumapit sa akin si Coby at binuhat ako sa tyan

Umupo kami sa couch dito sa entertainment room at niyakap niya ako

"Okay na?" tanong niya, tumango ako at dahan dahang tumingin sa TV

Buti nalang pala walang siyang schedule hanggang friday, kumabaga rest day niya. Sa Saturday naman pupunta siyang belo para nanaman sa mukha niya syempre

Habang nakatingin ako sa screen, nagulat ako ng biglang may sumulpot nanaman kaya napatalon ako at napaupo sa lap ni Coby

"WAAAAAAAAAAAH!" sigaw ko at sumiksik dito sa inuupuan ko

"H-hey hahahaha huwag kang malikot sige ka baka may magising" sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya

"M-may multo ba dito?" tanong ko

"Hindi baka may magising na sundalo, diyan kapa kasi umupo" sabi niya habang tumatawa, bumaba ako sa pagkakaupo sa lap niya at umupo sa couch

Sinong sundalo?

Pagkatapos namin manuod, nagluto na siya ng pagkain ako naman naghugas ng mga plato at nagdilig ng halaman

Pagkatapos namin kumain, pumunta ako ng laundry area at nilabas ko yung mga paplantsahin ko, pati yung kabayo at plantsa

Nagumpisa naman na ako magplantsa, nang mga damit pati brief niya plinantsa ko na din hehe

Habang nagpaplantsa ako ng last na damit, hirap na hirap ako sa pagplantsa medyo hindi kasi madulas

Nilapag ko yung plantsa sa damit na pinaplantsa ko at pumuntang kusina kukuha ako ng tubig nakita ko sa katulong namin ganun eh

"Ano yung nangangamoy?" Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko si Coby

"Dika pa natutulog?" tanong ko

"Hindi pa, wait ano yung nangangamoy" Kinuha ko yung baso na nilagyan ko ng tubig at sinunandan ko si Coby na hinahanap yung amoy

"Anong amoy ba?" tanong ko

"Parang ano- Parang may nasusunog" sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko at pumunta sa laundry area at ayun na nga, nasusunog na yung damit

"SHT!" sigaw ni coby, kinuha niya yung plantsa at tinanggal sa saksak tsaka nilagay sa ibabaw ng counter

Binuhusan ko ng tubig yung damit at agad namang nawala yung usok

"Bakit--------- bakit mo------- bakit mo plinantsa yung leather jacket ko?" tanong niya

"Bakit bawal ba plantsahin kapag leather?" tanong ko

"Malamang" sabi niya at frustrated na kinuha ang jacket niya at lumabas ng laundry area.

Bawal palang plantsahin ang leather? Hmmm.

My Obsessed FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon