RYLAI's P.O.V
"pare balita ko nagkakalabuan na kayo ni Lynn ah?"
"Oo nga pare eh, ayaw niya kasing iwan ang career niya para sa akin"
"kung mahal mo kasi pare dapat tanggapin at supportahan mo siya sa nais niya sabay niyo dapat abutin ang ambisyon niyong dalawa"
Nakatingin lang ako kay Coby na ngayon ay nagte-taping na sila
Habang nakatingin lang ako sakanila biglang may gumulong na bote sa harap ko, nakita ko namang tumayo yung katarina at kukunin ata
"Nako katarina hija papakuha ko nalang" malambing na saad ni Ma'am Gina kay katarina
"Pst kunin mo nga" baling sakin ni Ma'am Gina kaya tumayo ako at kinuha ang bote tsaka inabot kay Katarina
Ngumiti naman siya at nagpasalamat, wala pa kasi yung scene niya kaya nakaupo lang siya yung P.A niya may inutusan niya kaya wala, Mabait si Katarina tsaka maganda
"walang ano man" sabi ko at bumalik na sa upuan ko
"Cut! GOOD! Very good! Coby and Ian! Lunch break muna tayo then back to work after okay?" sigaw ng babaeng direktor
"Opo direct!" lumapit sa akin si coby at pasimpleng nginitian ako at dumiretso sa P.A niya
"katarina! Coby, sa canteen nalang tayo?" yaya ni ian
"Sige" sabay sabay lumabas si Ian, Katarina at coby yung ibang mga artista kumain sa restau sila lang ata hindi
Nandito naman ako sa likod kasabay ko yung mga P.A hindi kasi kami pwede magsabay ni coby kasi diba sinabi niya na wala kaming relasyon, edi baka magtaka sila kung bakit sweet kami, kaya distansya kami ngayon
Habang naglalakad kami pababa sa canteen nagulat ako ng huminto sila kaya tumingin ako sa harap
"Good afternoon Mr. Crestfall" sabi ng director
"Good afternoon" bati ni dad habang naka serious face, nilibot niya ang paningin niya at nakita niya ako kaya ngumiti siya
"Sweet--" nag 'sshhh' sign ako sakaniya ng muntik na niya akong tawaging sweetheart kaya tumawa siya ng malakas, monggoloid talaga to si daddy
Napatingin naman sakaniya lahat dahil bigla nalang siyang tumawa ng malakas
"is there something funny Mr. Crestfall?" tanong ni Ma'am Gina
"I just saw a beautiful lady" sabi ni daddy habang nakatingin sakin, sinundan nila ang tingin ni daddy kaya nakatingin na sila sa akin
"oh by the way i need to go" sabi ni daddy at nagtuloy tuloy na sa lakad
Nang mawala na si daddy naglakad na ulit kami ngunit rinig na rinig ko ang bulungan nila
"eew? Don't tell me nakikipag landian si Rylai kay Mr. Crestfall"
"ano kaba ganyan na ang mga kabataan ngayon, naghahanap ng sugar daddy"
BINABASA MO ANG
My Obsessed Fangirl
Teen FictionMeet Rylai Miranda an obsessed fangirl that will do everything just to be with her idol Coby Mikael Wyatt Coby Mikael Wyatt a famous actor , cold hearted , snob and rugged but kind to his fans. Can rylai survive being his personal assistant? OR NOT...