Chapter Twenty-Four

6.8K 114 1
                                    

RYLAI's P.O.V


Thursday ngayon, Tuesday nung nagkita kami ni Vayne at ngayon nandito ako sa bahay ni coby.


"Oo nga, akala ko talaga hindi kayo eh!"


"Akalain mo yun pre? Napaniwala mo kami!"


Inayos ko yung mga meryendang ginawa ko, sandwich lang naman at dinala ko sa living room nandoon kasi si Katarina, Ian at coby dinala niya dito at pinakilala niya ako


"Salamat Rylai" sabi ni katarina, umupo naman ako sa tabi ni Coby


"Rylai kamusta naman si coby bilang boyfriend?" Tanong ni Ian


"Ah, seloso siya sobra to the highest level"


"Tsk" napatingin kami kay coby at tumawa, siniksik naman niya ang mukha niya sa leeg ko at yumakap sa bewang ko. Ang PDA neto haha


"Gaano na kayo katagal?" Tanong ni katarina


"Hmm mga ilang buwan na din" sabi ko at ngumiti


"Ay gusto niyo bang sumama sa resort nung boyfriend ko? Bukas kasi pupunta ako. Then magsstay ako doon ng 2days punta tayo?" Yaya ni Katarina


"Sige ba! Hindi naman siguro tayo pagkakaguluhan doon?" Tanong ni Ian


"Hindi no, tsaka ang boyfriend ko high profiled hindi niya din hahayaang may makakita sakaniya. Kilala niyo siya for sure hahaha" kumpyansa ni Katarina


"Oh sige, uwi na tayo para bukas kita kita nalang tayo!" Sabi ni ian at tumayo


Hinatid namin ni Coby silang dalawa at nagpaalam, sabi naman nila dadaanan daw nila kami Convoy daw


Pagkaalis nila binuhat ako ni coby na parang isang bagong kasal


"Ayyyy! Hahaha" may taping padin sila pero wala sila scene na shinoshoot ngayon kaya hindi sila pumunta sa taping.


"Baby nagseselos na talaga ako sa pagiging close niyo ni vayne" sabi ni coby habang binubuhat niya ako paakyat sa kwarto niya


"Bakit naman?" Tanong ko


"Kayo kasi nakakapamasyal kayo ng malaya tapos tayo hindi" sabi ni coby at hiniga ako sa kama niya


"Baby makakapag bonding na nga ulit tayo sa resort ng boyfriend ni katarina diba?"


"Kahit pa, gusto ko yung tayong dalawa lang" humiga siya sa tabi ko at inunan ang braso niya

"Lagi na nga tayong magkasama"


"Magkasama nga tayo sa iisang bahay kaso sobrang busy ko"


My Obsessed FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon