RYLAI's POV
Nandito ako ngayon sa isang sikat na coffee shop, hinihintay ko sila Rikki at sven simple lang ang suot ko Black fit mini-dress na hanggang 5 inches above the knee, pinatungan ng cadigan na puti na hanggang thighs at boots na hanggang thighs dinSyempre hindi ako doon sa bahay ni Coby nagpalit dito ako nagpalit sa mall. Maya maya dumating na din sila
Ang suot ni Sven ay puting fitted na dress na off shoulder, Lalo siyang gumanda ngayon
Si Rikki naman Naka simpleng puting tshirt na naka-tuck in sa paldang green na suot niya
"OMG! FRIEND YOU LOOK GORGEOUS AS ALWAYS!" sabi ni sven at nakipag beso beso sa akin
"NAMISS KO KAYO!" sabi ko at nag-group hug kami, Umupo kami at nagsimulang mag kwentuhan
"Kamusta pagla-lawyer?" tanong ko kay Rikki, sumimangot naman siya at tumingin kay Sven
Si Sven naman tumawa at napahawak pa sa tiyan
"Hindi kasi ako natuloy sa pagla-lawyer nag-shift ako" sabi ni Rikki
"Ha? Bakit?"
"Hindi niya kinaya yung bar exam! ayan tuloy ngayon nag-aaral pa din siya!" sabi ni sven
"Hindi nga?" tanong ko
"Oo nag shift ako sa culinary, hindi ko talaga kaya bar exam friend! kadugo ng utak! pero hoy! Sven F.Y.I! gagraduate nako next year!" sabi ni rikki
"Okay okay, ikaw Sven musta ang pag-fafashion designer?" tanong ko
"Okay naman, sa nakikita ko okay naman kasi suot suot mo nga yung gawa kong damit eh" nanlaki ang mata ko at tumingin sakaniya
"Design mo?" tanong ko
"Yep iisang boutique pinuntahan mo no?"
"oo yung Jaki's"
"Oh! akin yun mula sa apelido kong Jakiro" sabi niya
"Eh ikaw? kamusta? Bakit naglayas ka?" tanong ni Rikki
"Eh kasi nga--"
Kwinento ko sakanila ang lahat pati yung pagkatulong ko sa isang artista pero syempre diko sinabi kung sinong artista mamaya may makarinig pa
Pagkatapos namin magkwentuhan pumunta kami sa restaurant at kumain, then shopping, nanuod sa sine, pagkatapos namin manuod nandito lang kami sa krispy kreme nagpapalamig hahaha hindi joke, kumakain nanaman mga patay gutom kami eh
*Kring kring*
tumingin ako sa phone ko at may tumatawag na unknown number
"Hello?"
"Hello? Ikaw ba si Rylai?"
"Ha oo bakit?"
"Tropa ako ni Coby, naaksidente siya eh tapos ikaw ang tinatawag niya bago siya mawalan ng malay kaya hinanap namin number mo"
"WHAT?!" napatayo ako at nakita kong nakatingin sa akin ang mga tao
"Pumunta ka dito sa Hospital, nandito kami sunduin ka nalang namin sa lobby"
"Sige papunta na!" tumayo ako at tumakbo palabas, nakita ko namang lumabas din sila rikki
"Anong nangyari?"
"Na-aksidente amo ko"
"What? sige hatid ka nanamin" sabi ni Rikki
"Di na ako sasama bessy may pupuntahan pa ako eh sorry" sabi ni sven, tumango ako at we bid goodbyes tsaka ako sumakay sa kotse ni Rikki doon nadin ako nagpalit ng simpleng damit
Pagdating ko ng hospital, binaba lang ako ni Rikki at umalis na din
"Ikaw si Rylai?" tanong ng lalaki
"Oo"
"Halika!" tumakbo kami, at habang tumatakbo ako grabe yung kaba sa puso ko
Lord, please iligtas niyo po si Coby mahal na mahal ko po siya eh
Tumapat kami sa isang pinto at dahan dahan ko itong binuksan at sumalubong sa akin si Coby na nakahimlay sa higaan at naka dextrose at oxygene may dalawang lalaki naman na nasa gilid at nakatingin sa akin
"C-coby" lumapit ako sakaniya at biglang tumulo ang aking luha
"Coby, bakit ka nagpaka-aksidente!" sigaw ko at humagulgol
"Hindi pa nga nagiging tayo iniwan mo na ako!" waaaah!
"Sobrang fan mo kaya ako! kaya nga nagpaka-P.A ako sayo tapos gaganyan ganyan ka dito! gumising ka diyan!"
"Fan pala kita"
"Oo fan moko! sobrang avid fan!"
"pero gusto ko girlfriend hindi isang fan" napatigil ako sa paghagulgol at tumingin kay Coby na ngayon ay nakadilat at nakangiti
"WAAAAAAAAAAH!" pinalo palo ko siya, sinalag naman niya yung palo at tumawa
Napaiyak akong lalo ng tumayo siya at lumuhod sa harap ko
"Rylai Miranda, Can you be my girlfriend?" tanong niya
nagpunas ako ng luha ako at tumingin sakaniya
"Oo naman" tumayo siya at niyakap ako, napayakap nadin ako sakaniya at umiyak
"WOOOOOO! CONGRATS!"
"MABUHAY!"
"Nagpakahirap tayo dito ah!"
Sino bang mag-aakala na ang dating idolo ko ngayon boyfriend ko na?
"Stop crying okay?"
inangat niya ang ulo ko at unti unti lumapat ang labi niya sa labi ko, nang maghiwalay ang aming labi dinikit niya ang kaniyang noo sa aking noo at nagsabi ng---
"I love you My Genie"
BINABASA MO ANG
My Obsessed Fangirl
Teen FictionMeet Rylai Miranda an obsessed fangirl that will do everything just to be with her idol Coby Mikael Wyatt Coby Mikael Wyatt a famous actor , cold hearted , snob and rugged but kind to his fans. Can rylai survive being his personal assistant? OR NOT...