Chapter Thirteen

7.2K 124 2
                                    

RYLAI's POV

"Tago tago" sabi ni Coby my loves at pumasok kami sa isang boutique

Nasa mall kasi kami ngayon sabi niya magdate daw kami, Nakasuot siya ng jacket na may hoodie, sunglasses, at cap

At TAKE NOTE! balot na balot na siya nakilala pa siya ng mga fans niya kaya ayun, Hide and seek ang nangyari sa date namin na sinasabi niya haha

"Sorry genie ah" sabi niya at may kinuhang something at pumasok sa fitting room, Hinintay ko naman siyang matapos at laking gulat at lakas ng tawa ko ng lumabas siya sa fitting room na may nakalagay na wig na pink sa buhok niya

"HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" napahawak ako sa tyan ko sa kakatawa

At kakatawa ko nahulog ako sa upuan kaya napatigil ako sa pagtawa

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA" tinignan ko si coby na siya naman ngayon ang tumatawa ng malakas dahil sa pagkahulog ko sa upuan tse!

Tumayo, Chin up at tumingin sakaniya

"Bayaran mo na nga yan" sabi ko at lumabas ng boutique, eh bakit ba? Napahiya ako eh! kaya Labas hot seat muna ako

Maya maya lumabas na din si coby at talagang pinangatawanan niya yung pink na wig.

"Huwag ka nang tumawa tara na" sabi niya at naglakad na kami, naka jacket nalang siya at nakababa ang hoodie, tapos naka cap at shades

Kaya litaw na litaw yung buhok niyang pink, wala naman nang sumunod sa amin kaya nakapag gala na kami sa mall

Habang naglalakad kami may nakita kaming isang matandang nakaupo sa bench at kumakain ng puto, halatang mahirap lang siya at walang makain. Lumapit ako sakaniya at tumabi

"Hi Lola" lumingon naman siya sa akin at ngumiti, nagawa niya pa ngang ialok yung pagkain niya sa akin

"Ay hindi na po, Sino pong kasama niyo?" tanong ko, nakita ko naman si Coby na pumasok sa isang restaurant kaya kinausap ko muna si lola

"A-apo ko, iniwan nila ako" sabi niya at nagpahid ng luha, Agad ko namang kinuha ang panyo ko at binigay kay Lola

"Saan po kayo nakatira?" tanong ko

"Hindi ko alam, ngayon kahit saan saan nalang ako natutulog" sabi niya

"Ganun po ba? Okay lang po ba sainyo kung sa home for the aged kayo?" tanong ko

"S-saan yun?" tanong niya

"Yun po ay ospital or parang bahay na doon inaalagaan ang mga matatandang katulad niyo po" sabi ko

"Doon ako, pwede?" tanong niya

"Oo naman po, ano bang pangalan niyo?" tanong ko

"Linda Gabano" sabi niya at kumain nang muli

Tumayo ako at tinawagan ang secretary ko

"Young Lady?"

"Nasa Trinoma ako ngayon pumunta ka dito at kunin mo itong lola dito at dalhin mo sa home for the aged iniwan siya ng mga apo niya dito"

"Opo, Young Lady. Ano pong pangalan?"

"Linda Gabano"

"Okay Young Lady, be there in 10 mins" sabi niya, kaya pinatay ko na ang tawag at lumapit ulit kay Lola

"May pupunta po dito mamaya lola at kukunin kayo para dalhin sa home for the aged" sabi ko ngumiti naman si lola at tumango tango

"Lola oh" napatingala ako at nakita ko si Coby na may dalang pagkain na naka take out at inaabot kay Lola

"Akin to?" tanong ni Lola

"Opo lola, kumain na po kayo" sabi ni Coby

"Ang bait niyo dalawa, pagpalain kayo ng Diyos"

"Wala po yun lola" sabi ni coby at tumabi sa akin tsaka umakbay

"Ano palang pangalan niyo?" tanong ni Lola

"Ako po Si Rylai at siya naman si Coby" turo ko kay coby

"Aba't bagay na bagay din kayo" sabi ni lola at binuksan ang pagkain

"Mukhang masarap to ah" sabi ni lola at kumain na

"Tara na?" tanong ni coby, tumayo ako at nagpaalam kay Lola

"Lola alis na po kami yung sinabi ko po sainyo hintayin niyo ah?"

"Oo sige hijo't hija salamat" sabi niya at patuloy padin sa pagkain

Kaya tumalikod na kami at nagsimulang maglakad ng makalayo kami, tumingin akong muli sa likod at nakita ko ang secretary ko na inaalalayan si Lola patayo

"Ano yun?" tanong ni coby

"Ah wala"

"Tara tayo naman ang kumain" sabi ni Coby at pumasok kami sa Mcdonalds

Nang matapos kami sa pagkain, nagtungo kami sa sinehan at nanuod ng palabas. Maganda yung story kaso napanuod ko na, kasi binili ko noong nakaraang nakaraang buwan binili ko na sa producer ng palabas sa london yung tape niyan kaya, kahit di pa siya naipapalabas sa mga sinehan napanuod ko na siya

Favorite novel ko kasi yun kaya binili ko kaagad

Habang pauwi kami hawak hawak lang ni Coby ang kamay ko at pinaglalaruan niya sa mga daliri niya

"Salamat Genie" sabi niya at ngumiti

"Wala yon Coby basta para sa---"

*kring kring*

naputol ang sasabihin ko ng biglang nagring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa bag at sinagot ang tawag

"Hello?"

"Bessy! I'm here na! Dumaan ako sainyo sabi naglayas ka daw?"

"A-ah oo bessy, kwento ko nalang sayo sa ibang araw"

"Hmp! nasaan ka ba nakatira para ako nalang pupunta sayo?"

"Nako! ano-- nakatira ako ngayon sa malayong lugar! hindi mahahagilap ng gps mo" sabi ko

"Hindi nahagilap pero natatrack na nga kita, malapit ka sa village niyo? Hahaha grabeng paglalayas yan bessy ah? Sa sariling village niyo din? Puntahan kita"

"HUWAG NA! I mean ako nalang pupunta sayo sven please?"

"Hmp! sige na nga! ano bayan, sabagay may aasikasuhin pa ako yung ex ko na kinekwento ko sainyo ni Rikki, yung ex ko dito sa new york!"

"Oh? anong meron sakaniya?"

"Wala! hihi pupuntahan ko siya kung nasaan man siya, Mahal na mahal ko padin kasi siya eh. kaso nagkahiwalay kami kasi magkaiba kami ng pangarap at para matupad ang pangarap niya we have to seperate saklap no? But ngayon babalik na ako at makikipagbalikan ako sakaniya"

"hay nako ayan ka nanaman sa desperada moves mo bes! Sige sige kung ayan ang nais mo basta puntahan nalang kita sainyo, Okay? bye bessy! mwua"

"Desperada na kung desperada, wala mahal ko eh! sige bye bessy i love you!"

-Toot toot-

Binalik ko ang cellphone ko sa bag at tumingin kay coby my loves nakita ko namang natutulog na siya, at kahit naka aircon ang kotse tumatagaktak padin ang pawis niya kaya hinubad ko ang cap, shades, wig at binuksan ko yung jacket niya

Kinuha ko ang bimpo sa bag ko at pinunasan ko siya. mahal na mahal ko talaga ang lalaking to!

My Obsessed FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon