Chapter Fourteen

6.9K 121 2
                                    

RYLAI's POV

"Yung sinabi ko sayo tandaan mo ha? Isang araw lang ako mawawala! Hay nako kung hindi lang sinabi ni Gina na mahalaga ang pupuntahan namin hindi kita iiwan dito kasi baka pagbalik ko sunog na buong bahay" napahagikgik ako at tinakpan ang bibig ko

"Huwag kang tumawatawa nagsasabi ako ng totoo, ikaw pa ba? kayang kaya mong sunugin ang bahay na to dahil wala kang alam sa gawaing bahay e" Lumapit si Coby sa akin at niyakap ako

"One day lang ako mawawala mag-iingat ka dito, huwag kang magpapasok kilala mo man o hindi" Niyakap ko siya at sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya

Nagpapaalam kasi siya sa akin sabi niya aalis daw sila ni Ma'am Gina at Isang araw yun, hindi ako kasama kasi hindi na daw related sa trabaho ko yung pupuntahan sabi ni Ma'am Gina

Kumalas na siya sa yakap at hinalikan ako sa noo

"Bye, mag iingat ka call me always or text me" tumango ako at ngumiti

Hinatid ko naman sila sa may pinto kumaway ako at kumaway din si Coby. Hays ako nalang dito

Dahil sa wala akong magawa, Naglinis ako ng buong bahay, tapos nag laba, at nagdilig sa garden 3PM na ako na tapos nagumpisa ako 6am

Pagod na pagod akong humiga sa kama at nakatulog
---

*KRING! KRING!*

Kinapa ko yung cellphone ko sa bedside table at kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag

"BESSY! SI RIKKI NANDITO NA DIN SI PINAS!"

"Hmm"

"Tulog ka ba?"

"Hmmdi"

"Actually noong nakaraan pa pala nandito si Rikki sabi niya kita kita daw tayo Bukas ng gabi"

"Hmmkay"

"Di mo talaga kami papapuntahin sa bahay mo?"

"Hmmdi"

"Hay nako sige na nga, sige bessy mukhang antok na antok ka eh"

-toot toot-
---

COBY's POV

"I miss you!" niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak

"L-leshrac?"

"Yes baby?"

"Gina--" tumingin ako sa likod ko at wala na doon si Gina

Nasa private resthouse kami ni Gina along tarlac, at hindi ko alam na eto pala ang pupuntahan namin

"Be Mine Again" sabi niya at hinalikan ako, tinulak ko siya ngunit hindi malakas tumingin siya sa akin na parang gulat na gulat

"Stop, may mahal na ako leshrac"

"I don't care! Mahal din kita" sabi niya at niyakap akong muli

"Hindi mo ba maintindihan? HINDI NA KITA MAHAL HUWAG MO NANG IPAGSIKSIKAN ANG SARILI MO" Tumalikod ako at aalis na sana ng yakapin niya ako mula sa likod

"NO! GAGAWIN KO ANG LAHAT MAIBALIK KA LANG SAKIN! DESPERADA NA KUNG DESPERADA!" kinalas ko ang pagkakahawak niya sa bewang ko at iniwan siya
---
RYLAI's POV

Papunta ako ng CR dahil maliligo ako ng biglang kumalabog ang pinto sa main door

"HINDI MO BA MAKITA COBY?! HINDI KAYO BAGAY NI RYLAI! KAYA NGA PINAGKITA KO KAYO ULIT NI LES"

"HINDI KO MAHAL ANG BABAENG YUN! AT ANG TINUTUKOY MONG BABAENG HINDI BAGAY SA AKIN YUN ANG MAHAL KO"

Nagtago ako sa gilid dahil paakyat na sila ng Hagdan

"MAHAL MO?! SIGE KAPAG BUMAGSAK ANG RATINGS MO NG DAHIL SA PAG-GF MO DIYAN SA KATULONG MO! HUWAG MO AKONG SISIHIN!" narinig kong sigaw ni Ma'am gina at lumabas na ng bahay

Tumuloy na ako sa CR at naligo

Sino si Les?

Mahal daw ako ni Coby, KYAAAAAAAAAH! HAHAHA Sorry nalang kung sino ang Les na yan dahil handa akong makipag-agawan sakaniya!

Pagkatapos ko maligo, pumasok ako ng kwarto at laking gulat ko ng makita ko doon si Coby nakahiga sa kama ko. Nilagay ko ang lagayan ng panligo ko sa taas at tinanggal ang towel sa buhok ko

Lumapit ako kay Coby at umupo sa tabi niya

"B-bakit kayo nag-away ni Ma'am Gina?" tanong ko

"Wala yun may pinagpipilitan kasi siya sa akin na ayaw kong gawin"

Tumango tango ako at tumayo, magsusuklay ako ng buhok

"Ang aga mo din umuwi"

"Oo kasi nainis ako sa pinuntahan namin"

"Nga pala coby aalis ako bukas ng gabi makikipagkita lang ako sa mga kaibigan ko, okay lang ba?" tanong ko habang nagsusuklay

"Oo naman-- Wait lalaki ba yan?" Tumawa ako at nilapag ko yung suklay sa table at humiga sa tabi niya

"Secret"

"WHAT?!"

My Obsessed FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon