Farrah's Point of View"So, siya si Farrah." Sabi ni Tara na parang iniintroduce kami kay Drew.
Tumango lang ito sa'kin pero di ko siya pinansin.
"Matanong ko lang, may dila ka ba, Farrah?" Tanong nito.
"Hindi. Feel ko lang di kita pansinin."
"E bakit mo ako pinapansin?"
"Nagtatanong ka eh. Bastos naman kung hindi sumagot."
Umatras siya tas tumaas ng dalawang kamay. "May ka-match na pala ako?"
Mukhang nakita ko sumama tingin ni Grian kay Drew.
"Ka-match sa suntukan?" Lahat kami napatingin kay Aubrey.
"What? Nabasa ko sa Facebook. Pag puro ka shabu, si Du30 na ang ka-match mo sa suntukan."
Napatawa kami, well, konti lang akin.
"Natawa ka pala?" Bulong sa'kin ni Grian.
"May dila naman kasi ako. Para san na rin ang dila ko kung di ko gagamitin?" Ngumiti lang siya.
"Nakakagutom, tara kain." Sabi ni Juelle saka kumuha ng pagkain.
Nag-inat si Tara. "Kanina pa kami kumain ni Drew. Oo nga pala, gusto niyo sumama? Inaya kasi ako ni Drew pumuntang bar bukas ng gabi. May event daw kasi tas sale pa 'yung mga drinks. Kumbaga happy hour?"
"Ahh. Sinabi na rin 'yan ni Jake sa'min. So sasama tayo lahat, including Drew." Sabi ni Aubrey.
"Geh tulog na ako." Nag-wave si Tara at nagpasama na rin si Aubrey sa pag-tulog.
"Una na kami." Sabi ni Jake at Grid.
So kami na lang nila Grian at Drew.
"Pwedeng maki-share ng room?" Biglang tanong ni Drew.
"Kapal din ng mukha mo nuh?" Sabi ni Grian.
"Bakit naman?"
"Ang kapal mo. Customers kami."
"Paano naging makapal mukha ko? Kakapal lang 'to kapag sinabi kong sa room niyo ako matutulog. Nag-tanong ako ng maayos, sinagot mo ng bastos."
Napatameme si Grian. "Ah basta, bawal."
"Maka-bawal kala mo babae." Tumayo na siya.
"Same room na lang tayo nila Grian." Sabi ko.
--
Aubrey's Point of View
"Ba't andito 'yan?!"
"Kasi wala ako don."
Bwisit na pilosopong Drew na 'yan. Sarap pektusan.
"Bakit ba kasi?" Masungit na tanong ko.
"Makikitulog." Sabi ni Farrah saka humiga sa kama.
"Aba! Ang kapal ng face!" Umirap ako tas humiga na lang.
"Grabe naman. Sa gwapo kong 'to?"
"Funny joke."
Kinuha ko phone ko saka nag-indian sit.
Bumukas 'yung CR at lumabas dun si Lucas na naka-bihis na ng pajamas.
"O, Drew, andito ka pala?"
"Ay hindi. Andun ako oh." Sabi niya sabay duro sa labas.
Kinamot na lang ni Lucas ang ulo niya saka humiga patabi sa'kin. "Sinong sabing katabi kita?" Tumaas kilay ko.
"At sino sabing dito ako matutulog? Dinadaganan mo 'yung dala kong unan. Alis nga diyan." Sabi niya habang pinagtatabuyan ako.
Umirap ako at tumayo. "'Yan! Isaksak mo sa baba mo." Humiga ulit ako. "Farrah dito ka na matulog." Tumayo siya.
"Maliligo muna ako."
Tumango ako at dumiretso siya sa CR.
--
Tara's Point of View
Sinarado ko 'yung pinto ng dahan dahan para hindi gumawa ng malakas na screech.
Umupo ako sa sahig at sumandal sa dingding.
Di ako makatulog.
Nagulat ako ng bumukas 'yung pinto mula sa room namin.
Nagulat siya ng nakita niya ako. "Tara?"
"Ay hindi. Juelle ako." Umirap ako. Bwisit siya.
Umupo siya sa tabi ko. Umusod ako ng konti pero di ko alam na may makulit na lahi 'tong si Grid.
"Sorry na."
"Ano?" Napatingin ako sa kanya.
"Sorry na kako."
Ngumisi ako. "Pakiulit?"
"Sorry."
Aba, may puso rin naman pala papaano. "Apology accepted. Wag mo na lang uulitin."
"Hindi ako makatulog."
"Tinatanong ko?"
"Hindi. Sinasabi ko lang sa hangin. Kausap ko kasi siya." Umirap ako.
"Tsk. Babawiin ko 'yung pag-accept sa sorry mo sige!"
"Atleast nag-sorry na ako di'ba?"
Napatahimik ako. "Gawa ka nga ng conversation."
"Tumae ka ba?"
Pinalo ko siya. "Ang ganda ng subject."
"Kung nagandahan ka, ba't mo ako pinalo?"
"Feel ko lang. Tsk! Di mo ba alam 'yung sarcasm?"
"Hindi." Pektusan ko kaya 'tong lalaking 'to?
Nag-bukas 'yung isang pinto.
"May gising pa pala."
"Oo. Nakikita mo di'ba? Kailangan pang i-balita?"
"Wala lang. Trip ko lang." Umupo sa tabi ko si Drew. "Thanks sa pagkain."
"Wala 'yon."
"Oo nga pala. Nainom ka ba?" Tanong niya.
"Ng?"
"Alak."
"Uhh nope. Mahina tolerance ko sa alcohol."
Tumango siya. "Ahh ok. So babantayan kita?"
"Di na. Kaya ko naman e. Andyan naman si Aubrey at si Lucas." Kumibit balikat ako.
"Ang cute mo. Ano ba apelydo mo?"
Napatingin ako sa kanya at umiwas ng tingin. "Uhh Simpsons."
"Namula siya."
"Sino bang hindi mamumula dun? Babae pa ako."
"Tsk. Ang dali mong bola-hin." Hinampas ko siya.
Bola lang pala.
"Huy. Di ka na namamansin?"
"Grabe 3 seconds lang di nagsalita di na namamansin? Pwede bang nag-iisip lang ng topic?" Tumawa ako.
"Galit ka ba?"
"Hm oo. Konti."
"Ahh ok. Sorry ha. Sige, tulog na ako. Tulog ka na rin." Tumayo siya tapos nag-wave at pumasok.
"Tapos na convo niyo?"
Nakalimutan ko! Andito pa pala si Grid.
"Kala ko nauna ka na?"
"Hinihintay kita, baka may gawing masama 'yon. Kakakilala pa naman natin."
"Pinsan naman ni Juelle eh. Now I know kung bakit napaka-pilosopo."
--
A/N: Sa Dear Future Husband, updates will be delayed since we will be on a vacation, at walang wi-fi.
Baka makaka-UD ako gamit mobile data. Di ko naisip 'yon! Hahaha.
Ge na, baboosh!

BINABASA MO ANG
Gang Clash: It Has Started (ON-GOING)
Actionrii_yu presents; GANG CLASH: IT HAS STARTED Meet the Liter Gang; Tara Simpsons - The Naughty Leader Farrah Anderson - The Mysterious Chic Juelle Mei Vilvemore - The Noisy Fashionista Aubria Gallostese - The No-Brain Meet the Duthy Gang; Thomas Grid...