Chapter 12: 1-Week Vacation (V)

11 0 0
                                    


A/N: Magiging marami 'yung part ng 1-Week Vacation series nito. Since 1 week ba naman. Pero try kong i-short ang series. Maapektuhan 'yung ibang scheduled na chapters. Kasi may titles na akong nga naiisip. Thanks for understanding~!

***

Jake's Point of View

"ANO BA?!"

"Tsk, sinabi ng wag mong gisingin, Juelle eh." Rinig kong nag-salita.

"H-hindi ko naman sinasadya. Napalo ko lang."

Bumangon ako, at alam kong magka-salubong ang aking mga kilay. "Pagtripan niyo ang lasing, wag lang 'yung bagong gising!!"

--

"Ok ka lang Juelle?"

Nagbe-breakfast na kami, at nang nag-salita si Grian.

"Ok lang ako." Sabi niya sabay tingin sa'kin.

Problema niya? Uhh?

Napatingin sa'kin si Grian at umiling. Ano ba nangyari?

"Tara swimming." Sabi ni Farrah.

"Ano? Swimming tayo?" Sabi ni Tara.

Hindi siya pinansin ni Farrah sa halip ay hinila si Grian. Sila 'yung unang natapos kumain.

"Nagkaka-develop-an na ha?" Sabi ko.

Tumawa silang lahat maliban kay Juelle.

"May kukunin lang ako." Sabi niya at umalis.

Ni hindi niya pa nagagalaw ang tapsilog niya..

"Ako na--"

"Ako na." Putol ko kay Tara. Alam kong susundin niya si Juelle kaya ako na.

Tumango siya kaya umalis na ako.

Nang makapunta ako sa kwarto namin, nakaupo siya sa corner.

"Ok ka lang?"

Napatayo siya at tinapon sa'kin ang picture--- PICTURE FRAME?!!

Natamaan ang aking gwapong mukha at bumagsak sa sahig.

"T*ngna sakit!" Reklamo ko.

"A-ah! Di ko sinasadya!" Lumapit siya sa'kin at hinila kamay ko para tignan 'yung natamaan na part.

"Namumula, Jake. Hala, sorry ha?"

"Talaga. Magulat ka pag bumeberde." Hinampas niya ako habang nakangiti kaya napangiti na rin ako.

"Loko ka."

"Tsk. Da't pala di kita nagulat. Nakakatakot kang gulatin. Nang hahagis ng kahit anong bagay. Pano na lang kung kutsilyo? Tsk."

"E kasii.. basta. Wag niyo lang ako gulatin." Tinulungan niya akong tumayo. "Ano sadya mo at andito ka?"

"Papaalala ko sa'yo, kwarto ko rin 'to."

"Walang pangalan." Sabi niya habang pinapalibot ng tingin ang kwarto.

Tsk. "Haay nako. Realtalk ha? Ano problema mo?"

Napatigil siya sandali. "W-wala."

"Ang gulo niyong mga babae nuh?" Umupo ako sa kama. "Pag sinabing wala, meron. Pag sinabing meron, meron din. Ano ba talaga?"

"Kailangan din namin kasi mapagisa. Pag ayaw ng babae i-share, wag pilitin."

"Hoo. Kahit maliit na bagay, pinapalaki. Kaya nga andito kami mga lalaki di'ba?"

Napatingin siya sa'kin. "Akala ko kasi.. men don't want to feel needed. Malay mo, naiirita pala 'yung lalaki sa'yo dahil sobrang clingy mo."

"Hindi maiirita kung mahal."

Gang Clash: It Has Started (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon