Chapter 7: Gang Fights and EX

13 0 0
                                    


Tara's Point of View

"Wow. First girl gang I'll ever meet. Name's Brian by the way."

Ayan ang unang bungad ng first kalaban namin.

"Yeah. This will be your first and the last time you'll meet us." Ngumisi si Juelle nang sinabi niya 'yon.

Naks! Idol.

"Let's just end this." Sabi pa ni Brian.

Unang sumugod sila. Syempre, hindi sila gentlemen. Dapat kami pinapauna. LADIES FIRST nga eh di'ba?

Pumunta si Brian kay Aubrey.

Teka, ba't di siya makagalaw?

"Aubrey! Look out!" Sigaw ko.

Nagkaroon lang siya ng diwa nung sinigawan ko siya.

"Huh?" Sabi niya at nahulog ng tulakin siya ni Brian.

Napamura ako kaya sumugod ako doon at sinuntok siya.

Tiningnan ko si Farrah na mukhang okay na. Actually, hindi naman lagnat ang nakuha niya kundi sinat. Medyo pagod lang siya.

Nakakapagtaka dahil nakapamulsa siya habang napito tas sinisipa niya 'yung pumupunta sa kanya.

Tumakbo ako palapit sa isang lalaki at sinikmuraan ito.

Bale sampu sila.

So 3 down, 7 more to go.

Si Juelle kating-kati ang kamay. Malamang, mahilig siya dito.

Umakyat or more like tumakbo ako pataas sa wall at sinipa ang lalaking humahabol sa'kin. Eto 'yung tingin ng tingin sa'kin eh.

Si Aubrey.. TEKA SI AUBREY?!

"AUBREY!" Sigaw ni Juelle at tumakbo palapit sa kanya at sinuntok at sinipa ang nakapalibot sa kanya.

Ano ba problema niya?

May pumalibot sa katawan ko na kamay kaya di ko siya masuntok.

I tried to struggle nang may binulong siya sa'kin.

Wait what?

Nagulat na lang ako na nakahiga na lang siya and saw Farrah na nakatingin sa'kin. "I think we won." Sabi niya pa.

I nodded. "Ubos na ata lahat." Tumingin ako sa lalaking bumulong sa'kin.

May tattoo siyang nakalagay;

W.E

Hindi posible ang sinasabi niya! Tsk, nakakakonsensiya! Bwisit!

--

Farrah's Point of View

"So we won." Nakangising sabi ni Juelle at nakipag-apir sa'min. "Orayt!"

"Hoy wag muna mag-celebrate. Nasa half pa lang tayo ano." Umirap si Tara.

Ako ay nakatingin lang kay Aubrey.

"Something's bugging you.. Aubrey." Sabi ko.

Napatingin sa'kin si Aubrey. "U-uhh.. a-a-ano.. wala naman.." Yumuko siya.

"Or... someone?"

Tiningnan ako ni Tara.

May alam nga siya.

"Ano binulong niya, Tara? Be honest. You only have 10 seconds." Sabi ko.

"Ha? Ah ehh.." Nagugulhan na sabi niya.

"9.. 8.. 7.."

"Ano?" Tanong ni Juelle na halatang walang alam.

"6.. 5.. 4.."

Tumingin na sa'kin si Tara na parang nagmamakaawa na i-drop ang subject.

"3.. 2.. 1---"

"EX NI AUBREY SI BRIAN!"

--

Aubrey's Point of View

"EX NI AUBREY SI BRIAN!"

Huh?

"WHAAAT? Totoo Aubrey?" Tumingin sa'kin si Juelle.

"I-I-I.. I can explain!" Depensa ko.

"The truth's out. Aubrey, just spill." Mukhang madaldal ngayon si Farrah ha? Kairita.

"Fine!" I said in defeat. "Yes. Siya nga ang ex ko na kinukwento ko kay Tara. Si Brian Thoah. Kaya nga kami nagbreak kasi feeling ko mayron siyang babaeng tinatago!"

"She didn't hear his explanation. Kasi with a lame excuse. May quiz daw sila." Umirap si Tara.

"Totoo anuh! And heck, bagsak pa ako. Come to think of it. Sinong hindi makikipag-break sa taong karelasyon mo pero ang layo sa'yo?"

"Syempre, papa-explain ko muna siya kung bakit niya 'yun nagawa." Sabi ni Juelle at nag-cross arms.

"Para san na rin ang explanation e ang layo layo na nga namin sa isa't isa? Ni hindi niya nga ako ini-inform kung magbabasketball siya. Hinahanap ko siya pero he is nowhere to be found nang malamang ko na lang na nasa basketball-in na siya." Umirap ako. "I just don't get boys. Yes, I made the quiz excuse, pero totoo talagang mag quiz kami. Kaya nga ako bagsak kasi--"

"Ano bang bago dun?" Putol ni Tara.

"Shut up! Ok? Naiilang kasi ako! Guilty ako. Nadala ako sa inis at galit kaya di ko siya napa-explain."

Tumango sila. "Okay fine. Pero mahal mo pa siya di'ba?" Tanong ni Farrah.

"Yes. And I want him back. I wanna be a real girlfriend. Sana naman girlfriend ang turing niya sa'kin pag naging kami ulit." Yinakap ako ni Juelle.

"Masakit 'yan Aubrey. Just be open and he will be open to you. Kahit ako wala pang boyfriend, I feel you." Sabi ni Juelle.

"Okay stop the drama. We're going to wait another week para lumevel-up tayo from the low section." Tumango kami sa sinabi ni Farrah at umalis.

--

Thanks sa mga suporta!

Oo nga pala, paki-follow sa Twitter! Wala lang hahaha <3 ⬇⬇⬇
https://twitter.com/rii_yu1

Naubusan ako ng pangalang rii_yu. Naunahan si Ate ^^

Meron ding link sa profile ko soo.. ^^

Ge na! Baboosh~~~!

Gang Clash: It Has Started (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon