Chapter 17: Demon

15 0 1
                                    


Angel's Point of View

"San ka magka-college, ate Gel?"

Ngumiti ako kay Toma. "Public lang. Wala akong pera para sa mga martikula ng pribado."

"What if.. bayaran ko tution mo? Cuz ate, boto kita kay Kuya!"

Ngumisi ako.

"Ikaw talaga, Toma!" Ngumiti ako lalo.

"Pero pano kung.. may ibang nagkagusto sa kuya mo?" Tanong ko.

"Hindi ko sila bet ano. Ikaw at ikaw lang ate!"

Nakuha ko na loob niya.

--

Dapa.

"Sir! Si Fria ho, pinatid ako!"

"Huwat? Wag ka nga gumawa ng kuwento diyan!" Umirap siya.

"Sir. Totoo po." Sabi ko, seryoso.

"Detention, Ms. Lee."

"What?!" Fria looked at me.

Fria Lee is a backstabber. Akala mo supot, plastik pala.

Ngumisi ako sa kanya at tumalikod.

Nakita ko 'yung Tara at Juelle.

I was about to throw some paper in their faces at gumawa ulit ng kuwento pero tinapon nung Juelle sa'kin ang libro niya sa mukha ko.

"Please learn. Hindi ka educated. Sinungaling ka pa. Ang laki laki mo na, wake up! Angel ba 'yan? Angel disguise kamo. 'Yan libro, GMRC 'yan. Nang matuto ka." Juelle started.

"I don't need some manners to learn. Ikaw ang may kailangan. Throwing a GMRC book? Isn't that rude? GMRC pa." Ngiwi ko.

"Nahiya ang GMRC sa'yo. Pinangalanan ka pang Angel, puro kasinungalingan at kabulukan ang ugali mo." Tara smiled.

"Pwede ko naman kayong i-sumbong. For bullying." Tumaas kilay ni Juelle.

"Pwede din kitang i-report, for accusing wrong people, b**ch." Ngumisi siya at naglakad sila paalis.

Umusok ang ilong ko sa galit. "Yah! Susumbong ko kayo kay Grid!"

--

Tara's Point of View

"She's f**king irritating." Aubrey threw the tissue at the paper plate. "Sinungaling, sumbongera. So immature."

"Yeah. Naging angel pa siya. Kampon ata siya ni Lucifer." Juelle said.

"Tama ka diyan, bes."

"Hi guys." May lumapit na babae.

"Speaking of the devil..." Umirap si Aubrey.

"Excuse me?"

"Ay mali pala. Speaking of Angel. Ikaw kasi pinaguusapan namin." Ngumiti si Aubrey.

"Pwede maki-share?" Umupo agad siya.

"Wala pa naman kaming sinasabi, upo agad?"

"Sorry, I won't take no as an answer." Ngumisi siya.

"Haha. Nagtanong ka pa." Sabi ko.

"Ba't ba ang sungit niyo? Hey, I'm being friendly here?"

"Friendly ba? Mukhang kaplastikan ang naririnig ko." Juelle massaged her head.

Nanahimik na lang si Angel.

"You're Farrah right?"

"Yeah."

"Noona, is your friends like this?"

"Sinusumpong lang kasi." Ngumiti si Farrah.

Sinikuhan ni Aubrey si Farrah.

"How about you epals, lumipat sa ibang table? Me and Farrah are talking."

"Please guys." Farrah said.

"Farrah?!" Aubrey reacted.

"C'mon, siguro naaliw lang si Farrah sa ka-anghelan niya." Juelle whispered.

Tumayo kami at nagsialisan.

"Look. They are talking for like... 5 minutes! Nakangiti pa si Farrah oh!" Aubrey rolled her eyes.

Medyo nainis na rin ako kay Farrah.

Pano nga ba namin naging tropa 'yan?

--

Guys, sorry, kasabay ko muna si Angel umuwi.

"GRR!" Aubrey screamed. "I've had enough! Tara, sundan natin sila!"

Tumango kami ni Juelle at dumiretso sa school. At tamang-tama, andun sila na mukhang paalis na.

"Hindi kaya na-tomboy si Farrah kay Angel?" Sabi ni Aubrey.

Pinitik naman ni Juelle ang noo ni Aubrey. "No freakin' way. Farrah.. may beauty siya at i-sasayang lang niya sa girl na 'yan?!"

And now I felt like a kontrabida.

--

Nauna na ako umuwi kanila Aubrey at Juelle, susundan pa daw kasi nila e sinabi ko wala akong gana.

"Yah, susumbong kita kay Grid!"

"I hate her childishness!" Sinipa ko ang bato at mukhang may natamaan ako. "Shet aray!"

"Drew?!"

Tumingin siya sa'kin. "Tara? Ano ginagawa mo? May galit ka ba sa'kin at binatuhan ako ng bato?"

"Hindi ko binato, sadyang nasipa ko," Lumapit ako sa kanya. "Ikaw, ano gawa mo?"

"Kabibili ko lang ng slurpee." Sabi niya na parang ipinapa-mukha sa'kin na obvious.

Umirap ako at inakbayan niya ako. "Hoy, ano ba!"

"Umaambon, baka lalong lalakas since may bagyo daw."

Tumakbo kami sa waiting shed ng 7/11 at dahil naka school uniform lang ako. Hindi pa abot 'yung sleeve sa elbow kaya nangangatog ako sa ginaw.

"Aish." Sabi ni Drew at pinatong sa'kin ang jacket niya. "Si ka ba nanonood ng balita?"

Umiling ako. "I'm not really that kind of a news girl."

Ngumiti siya. "Expected from a rich girl."

Nagtinginan kami sandali at nagtawanan.

Nagkuwentuhan kami hanggang sa tumila ang ulan. "Finally." Sabi ko.

"Ba't parang ambilis mawala?" Reklamo ni Drew. "Ang ganda na ng convo natin e."

Tumawa na lang ako.

Hinatid niya ako pauwi at nagpasalamat ako sa kanya.

Drew is..

--

Eto na ang LOOOOOOOOOOOONG update.

Gang Clash: It Has Started (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon