Chapter 10: 1-Week Vacation (III)

14 0 0
                                    


Tara's Point of View

"Mag-iihaw tayo?"

"Narinig mo naman di'ba? Bingi ka?" Sabi nung epal na Grid.

"Tsk." Umirap ako.

"Hinanda na namin 'yung pang-uhaw. BBQ, bangus, at liempo ang iihawin natin."

"Teka, Aubrey, pwede pahiram ng camera? Kukuhan ko ng picture 'yung sunset." Sabi ko.

"At bakit?" Shunga ba 'to?

"Para saan na rin naman kasi 'yung camera kundi pam-picture, di'ba?" Gaya ko sa line niya.

Umirap siya at inabot sa'kin ang camera.

Pumunta ako malapit sa board, 'yung place kung saan pam-fishing. Fishing spot ata?

Umupo ako dun at nag-start na ako kumuha ng pictures with different angles, na may selfies 'yung iba.

Binaba ko 'yung camera sa board at huminga ng malalim. Breathtaking.

Nagulat ako ng may tumulak sa'kin at feeling ko napasama siya sa pag-hulog.

Tiningnan ko ito at nainis ako kung sino ito.

"Ano ba problema mo, Grid?!"

Ayan ang nasabi ko kasi lumubog kami parehas sa dagat.

Agad kaming lumutang para kumuha ng hangin.

"Hindi ako tumulak. Biktima rin ako. Sh#t." Tumayo siya at umalis sa dagat at napaiwan ako dun.

Nakita ko si Aubrey na may belat sa mukha. Bwisit.

"Tara swimming!" Sabi ni Juelle at yinakap siya ni Jake.

"Lulunurin kita. Mwahahaha!"

"Tulong! Pakshet lumayo ka nga!"

Nandito pa rin ako sa dagat, nakatingin sa kanila.

"Ahh ibaba mo ako, Lucas! Naman oh! Pag ako nabasa--- WAHHH!" Tinignan ko rin sila Lucas at Aubrey na naglalaro.

"Ba't nag-two piece ka? Tsk, lika nga." Tinakpan naman ng robe ni Grian si Farrah.

Di ko namalayan na nakangiti ako.

Tumingin ako sa fishing spot at nakita ko si Grid na..

Nakain.

"Ano 'yan?" Sabi ko habang nagpapaabot ng tulong pataas.

"May paa ka di'ba? Pwede ka naman pumunta dito."

"Nakakatamad." Nag-pout ako.

Naglabas siya ng hininga dahil ata sa irita o inis. "Bahala ka sa buhay mo."

Bumuntong hininga ako at tinry umakyat papunta sa kanya ng madulas ako.

"Grid!" Sigaw ko.

Mahuhulog na ako.

Napapikit ako nang may humawak sa'kin at tumama ang tiyan ko sa kahoy.

"A-aray." Hinigit niya ako pataas.

"Ginagago mo ba ako?" Kumunot noo niya.

"Tsk. Pano pa kita gagaguhin e gago ka na? Alis nga." Pinalo ko ang kamay niya at umalis.

Ansakit ng tiyan ko. Ugh.

Napaupo ako sa isang sofa na nasa loob ng hotel. Lobby room pala ito.

Shete. Nakalimutan ko 'yung robe ko sa ihawan. Kukuha na nga rin ako pagkain.

Habang papunta doon, may nakita akong lalaki na nakuha ng pagkain naman.

What?

"Hoy! Food stealer!" Sigaw ko at tumakbo palapit at wrinestling siya.

Gang Clash: It Has Started (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon