Tara's Point of ViewNag-pout ako.
"Tsk. Lintek na oh. Pinatikim kasi si Tara ng T Ice." Reklamo ni Juelle.
Hinampas ko siya. "Hindi naman siguro nakakalasing 'yan. Mahina naman 'yan di'ba? Kaya please? Ang tsarap eh." Pagmamakawa ko.
"Hinampas mo ako, nagmamakawa ka ngayon? Ano 'yon?"
Nagtawanan ang lahat. "Mahina nga tolerance mo sa alcohol. Kaya bawal. Kahit mahina 'yan, malakas tama pa rin sa'yo." Sabi ni Jake.
"Eeee! Kasiii!" Tinabihan ko si Grid. "Please?"
Binigyan niya ako ng isang shot.
"Thanks--"
Tas hinawakan niya ako sa beywang kaya pinalo ko 'to.
"Manyak ka ba?!"
"Exactly my point. Pag uminom ka, may mag-mamanyak sa'yo." He then took the shot glass na may laman na T Ice.
Tumahimik ako.
--
Lucas's Point of View
"Hey, tahimik ka?"
"Hindi, nagsasalita ako, Luke." Umirap si Aubrey.
Di ko alam kung araw araw meron 'to.
"Ba't ba ang sungit mo?"
"E kasi! I feel uncomfortable dito sa damit." She looked down. "Tsaka naka-flats pa ako! I should've worn my basic crop top na may nakasabit na palda."
"Parang ganun lang?"
"Hindi ka kasi babae." Umirap ulit siya.
"Oo nga pala, since may event, merong photobooth doon oh. Tara." Sabi ni Drew.
"Ba't ba lagi niyo ako tinatawag?" Biro ni Tara na ikinatawa ng lahat.
"Farrah, tara." Sabi ni Grian saka inakbayan siya.
"Kami una." Sabi ni Farrah saka ngumiti.
"Grabe. Ambilis dumevelop. Mga damoves talaga ni Ian oh." Sabi ko sabay tawa kaya tumawa din sila.
"Teka, CR lang ako." Sabi ni Jake at nagpasama kay Grid.
"Puta, bakla ka ba?" Naniningkit ang mga mata ni Grid ng sabihin niya 'yon.
"Nagpapasama lang, bakla na agad? Pero kung ganun nga tingin mo sa'kin," Kumandong siya kay Grid at nag-pout. "Ilabyu beri mats, fefi Grid."
Tiningnan ni Grid ng nakakadiri si Jake at tinulak kaya nahulog sa sahig. "Pakyu, sagad."
Nagtawanan kami sa kalokohan ng dalawang 'to.
Bumalik ang dalawa, at may hawak na iilang photo papers.
"Sino next?" Tanong ni Grian.
"Pwet ko, ulul." Biro ni Jake kaya nakatanggap ng mahinang suntok sa balikat mula kay Grian.
"Tayo next." Sabi ko kay Aubrey pero inirapan niya ako. "Ok."
Umirap tas nag-ok? Pambihira, ang gulo!
Kinamot ko ulo ko pero tumuloy kami sa booth.
"Ang haba ng pila. Pwede ikaw na lang? Tawagin mo ako pag tayo na." Sabi ni Aubrey sabay umupo sa isang stool malapit sa linya ng booth.
Tumango ako at ngumiti. Pumila na ako.
5 minutes later...
"Aubrey!" Sigaw ko kaya naman pumunta siya dito.
BINABASA MO ANG
Gang Clash: It Has Started (ON-GOING)
Actionrii_yu presents; GANG CLASH: IT HAS STARTED Meet the Liter Gang; Tara Simpsons - The Naughty Leader Farrah Anderson - The Mysterious Chic Juelle Mei Vilvemore - The Noisy Fashionista Aubria Gallostese - The No-Brain Meet the Duthy Gang; Thomas Grid...