Pahina 4

119 7 1
                                        

~Football

Claud.

Panibagong araw nanaman ngayon. Parang kinakabahan ako sa mga mangyayari mamaya. Parang may masamang mangyayari. Hay! Tama na nga! Napaparanoid lang ako. Teka?! Paranoid? Saan ko nanaman kaya napulot yun?

Makapasok na nga lang. Pagkatapos kong mag almusal sa Baba sa kainan ni papapards. Oo may parang maliit na restaurant dito si Papapards. Dito muna kami nakatira pansamantala dahil pinapagawa pa yung talagang bahay namin. Masarap magluto si Papa. Chef kasi siya. Well kung ako tatanungin niyo pwes di ako marunong magluto! Hmp.

Agad narin akong Naligo at Nagbihis. Nagpaalam na kay papapards tapos nag abang na ng tricycle.
Habang nasa Tricycle ako nag Facebook muna ako. Hehe mang Stalk muna ako kay kimtee prinsipe ng buhay ko *u* huehue. Nasa profile niya ako nakatambay. Maraming mga pictures ang kanyang inaupload. Ang gagwapo shems. Nakita ko rin pala yung pic nila ng Girlfriend niya. Awwts.

T___T Grabe lungs! Ang sesweet nila sa pic ╥﹏╥
May pag asa ba talaga ako? Oo meron! Fighting lang.

Habang tinitignan ang mga status at pictures may nahagip ang mga mata ko.







O_______________O

O_______________O

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.










Picture ni Baks at ni Kimtee? Wow! Ganun sila ka close ni Brixe? Teka? Bakit parang mukhang lalaking lalaki dito sa picture si Baks? Muntik na nga akong ma-inlove eh. Seryoso mukha talaga siyang lalaking lalaki dito. Di mo mapagkakamalang bakla!

Hay! Salamat andito narin sa school. Magbabayad na sana ako ng pamasahe kay manong driver may bigla namang sumingit na nag bayad.

Pagkakita ko sakanya *o* Shocks!? Si Baks! Nga.
Siya nagbayad ng pamasahe ko?! Pagkatapos niyang bayaran kinaladkad naman kaagad ako.
Papasok ng school at dinala sa Open feild.

"Aray! Naman! Dahan dahan! Nagmamadali?! Nagmamadali?!"—Reklamo ko.

“Faster mo nalang dami pang satsat eeh!” Si Baks.

Psh, abnoy talaga. Kay aga aga eh.

“Baaks! Saan ba kasi tayo pupunta!?” Sambit ko habang nag papaanod ako sa kaladkad niya papuntang...

Teka? Papuntang gym to ah?

“Sa Gym tayo baks, manonood tayo ng laro ng prince charming mo!”—Baks.

“Huwaaat?!?! May laro siya ngayon?”—Ako.

Ang akala ko kasi sa Friday pa ang laro niya, Football ang sport ni Brixe at talagang mapapa–regine! Ka sa sobrang galing niya sumipa at mag-goal keep.

Alien HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon