~Residence
Claud.
Nakasakay na kami ngayon ni Papa sa truck namin, yung delivery truck namin? Haha
“Papa...pwede po bang pumunta muna tayo sa puntod ni Mama?”
“Ha? Ah-oo naman! Sige.” Sagot naman niya.
***Cemetery***
Nasa harap na ako ng puntod ni Mama ng magsimula akong umiyak.
R.I.P
Claudia Buenaventura Arellano
Born: January 21, 1974
Died: August 24, 1999
Bakit ganun? Bakit parang ang sakit lang isipin na kapag birthday ko siya namang death anniversary ni Mama parang gusto mo nalang manahimik kesa i-celebrate pa ang birthday kasi kapag taon taon kang nag bibirthday parang na rerealize mo nalang din na ang birthday mo ngayon eh kung kailan namatay si Mama.
Hinawakan ko ang lapida ni Mama na tinuluan ng mga luhang kumakawala sa mga mata ko. Ano ba Claud! Magpaka tatag ka nga!
“Mama...”
“Mama, alam mo ba lilipat nanaman kami ni Papa ng bahay. Mama sana andito ka noh? Para naman kasama ka namin ni Papa sa hirap at ginhawa. Mama alam mo ba, nagkaroon ako ng madaming kaibigan sina Carl, Carlo, Jaye, Bryan, Zamira at Adria. Mama alam mo ba nasira yung bagong gawa nating bahay sana. Tapos ma alam mo ba yung mga kaibigan ko tinulungan nila ako. Mama ang swerte ko kasi may nakilala akong mga kaibigang katulad nila. Siguro kung buhay ka pa mama magiging katulad mo din kaya si Papa? Na parang teenager kung umasta haha. Mama kahit di pa kita nakikita Miss na miss na kita at Mahal na mahal ka namin ni Papa. Pakisabi nalang kay lord na I-bless kami ni Papa sa bago naming titirhan ah? I love you mama! Hayaan niyo pagbalik ko dito ulit sa puntod niyo boyfriend ko na yung sinasabi ko sainyong Si Brixe. Opo pangako po yan! Bye Ma.” Tapos hinalikan ko gamit ang palad ko ang lapida niya.
“Tara na Papa? Paalam ka muna kay Mama.”
Pagkatapos naming pumuntang simenteryo tumungo na kami sa bahay ng kaibigan ni Papa medyo may kalayuan din pala kaya natulog muna ako.
~~~
“Claud! Claud! Anak! Gising na! Nandito na tayo.” Sabay tanggal ni Papa ng seatbelt niya.Bumangon naman ako at lumabas sa truck at sinimulang isa isang binaba ang mga gamot namin.
Binuhat ko ang apat naming maleta at itinapat sa gate pero may nahagip ang mga magaganda kong mga mata.
O____O???
S-sandoval R-residence???
Namamalik mata ba ako? Sinubukan kong kusutin ang mata ko at ganun padin.Hehehehe baka naman mag ka apilyedo lang diba?
Bumalik nalang ako sa truck at ibinaba ang iba pa naming gamit.
***
Brixe.“Anak! Andiyaaaan na silaaaa! Mag bless ka nga sa tito niyo!” Uggh! How I hate mom being like so Noisy! Damn!
I off my phone and trying to smile to my Dad's friend at nag mano narin.
BINABASA MO ANG
Alien Heartthrob
HumorClaudine Peia Arellano is just a typical girl who loves Brixe Jadde Sandoval since first year highschool, she's the type of a girl who is always happy go lucky hindi uso ang badvibes sakanya, minsan itong tatanga-tanga at madalas bobo. Brixe Jadde S...