~Papansin
Claud.
Limang araw na ang nakalipas simula nung sabihin ni Carl ang nakakakilabot na salitang yun.
Fresh na fresh pa sa aking isipan ang boses niyang sinabi yun. Yuck! Nakakapantaas balahibo geez.Nandito ako sa likod ng building ng school. Kung tatanungin niyo kung saan yung malanding bakla pwes sinasabi ko na sa inyo warning: Nakakasuka.
Nakikipaglandian siya sa Ex niya na naging boyfriend niya ulit. At ang lakas ng loob I-broadcast sa buong campus na sila na uli. Tapos kapag niloko ako ang iiyakan? Aba bahala siya dyan ang Harot niyang bakla e!
Haaay! Loner ako ngayon. Bwiset naman kasi si baks! Ipagpapalit na ba niya ako sa jowa niya? Tse! Nakakainis siya tsk!
Hinahanap ko si Brixe myloves eh. Nasaan na kaya yun?
Ayun! Nasa ilalim ng puno nagbabasa. Kahit pala nagbabasa siya ang wafu wafu padin niya. Malapitan nga.
"A-ah... H-hi Brixe?"
"Tss."
Tss? Ano yun? Na aabsorb ba yun? Waah! Deadma akoo?
"N-nag Lunch ka na ba?"—Tanong ko.
As usual. No response. Huhu T_T
"Gusto mo... Sabay tayong maglunch? ^_^"—Alok ko.
Di niya parin ako pinansin. Sinarado niya ng malakas yung libro na siyang ikinagulat ko. Agad siyang tumayo dala ang sandamakmak na Testpapers at umalis sa harap ko.
How hurts. o(╥﹏╥)o
Ngayon nandito ako sa ilalim ng puno na nag mumokmok. Ang sakit sa feelings. Ang snobby niya.
Imbes na mag mukmok ako dito sa ilalim ng puno sinundan ko nalang siya. Hello? Ako kaya si Claudine Peia Arellano ang makulit since birth na cute hihihi.
Habang naglalakad siya sa hallway ako naman nag aala spy. Nasa likod niya lang ako nakasunod hihi.
Dumiretso siya sa canteen. Baka mag lulunch? Hehe sasabay akong mag lunch sakanya.
Pagkarating niya sa counter ng canteen agad siyang nag order ng pagkain. Ang inorder niya ay Carbonara,Fries at none fat coke.
Hanep! Yun na yun? Lunch na ang tawag niya dun?
Hehe. Dahil yun ang inorder niya. Yun nalang din ang oorderin ko mwahaha.
What Brixe Jadde have, Syempre meron din ako mehehe.
Akala ko uupo siya dito sa Table sa canteen. Pero Hindi pala.
Lumabas siya ng canteen at dumiretso muli sa open feild sa Ibaba ng puno sa pinagtatambayan niya kanina.
Ganun? Edi dapat pala di na ako umalis doon kanina at inantay ko nalang siya. Ang shunga shunga ko talaga.
Umupo siya sa damuhan at nagsimulang kumain.
Gravehan. Ang fugi fugi niya kumain. Hanggang sa pagkain niya pinapantasya ko padin siya.Lumapit ako sakanya.
"Brixe...A-ah s-sabay tayong kumain? Pwedeng sumabay? Hehe"—Ako.
"Go. Away."
Omygosh! Pinansin niya ba ako? Omygosh nagsalita ba siya?
Sa two words na iyon. Sobrang saya ko na. Buo na ang araw ko. Sa two words na nakakaharsh yun sobrang kinikililig ako. Shornaa! Em she kenekeleg.
BINABASA MO ANG
Alien Heartthrob
HumorClaudine Peia Arellano is just a typical girl who loves Brixe Jadde Sandoval since first year highschool, she's the type of a girl who is always happy go lucky hindi uso ang badvibes sakanya, minsan itong tatanga-tanga at madalas bobo. Brixe Jadde S...