~Walang makaka-alam.
Claud.
“Tara na Claud! Dadalhin kita sa bagong kwarto mo hihihi!” Grabe talaga ang hyper ng Mama ni Brixe para lang akong nakikipag usap sa 5 years old na bata hehe.
“Ay sige po.” Pagkatapos nun dinala ko na yung maleta ko sa taas. Pagbukas ni Mama nila ng pinto ng kwarto.
*U* WOW!!!
ANG GANDAAA!!!
ANG LAKIII!!!
ANG BANGOOO!!!
ANG LAMIIIG!!!
ANO PA?!
“Ahmm sakin po ba talaga ito? Di ba po masyadong malaki? Kahit po sa sala lang sa banig okay na po ako.” sabi ko.
“Ano ka ba baaa!” Sabay upo namin sa kama. Habang hawak hawak ang kamay ko. Hayy! Ang inggitera naman ng mama ni Brixe pati ba naman kamay ko? Hehe.
“Sayo talaga to! Alam mo ba... Pangarap ko talagang magkaroon ng anak na babae? Kaya habang andito ka sa bahay namin! Gagawin kitang prinsesa at parang anak ko narin hihihi!” Siya.
“Teka?! Nakapagpakilala na ba ako sayo?” Tanong niya. Umiling lang ako ng nakapout herher!
“Ahmm. Tita Brianna Louise, Tita B or Tita Anna nalang okay? Hhehe. Feel at home ka dito ah.”
“Ah. Tita Anna! Maraming salamat po ah. Ako rin po kase eh pangarap ko rin pong magkaroon ng Nanay na mag aalaga sakin. Kasi po simula po pagkabata ko hindi ko na po nakita si Mama eh.”
“Ayy! Ganun ba? Gusto mo ako nalang kunwari Mama mo hihihi!”
“Huh? Edi mawawalan ng Mama si Brixe. Kayo naman po oh!”
“Psst! Ano ka ba! Walang pakialam samin si Brixe noh! Puro pag-aaral lang inaatupag niyan hmp! Kaya kunwari ako nalang mama mo ok? Hihi.”
“Ahm sige po!”
Sa gitna ng pag-chichikahan namin ni Tita or Mommy B haha siya nag suggest niyan ah! Biglang may pumasok sa kwarto..
“Teka?! BAKS?!”
“BAKS!?!?!”
Waaaaaaah!!! Si baks andito. Nilapitan ko siya at niyakap ng bonggang bongga with matching talon talon panyan ah.
“Pamangks?! Kilala mo si Claud?” Tanong ni Tita.
“Ayy! Opo Mamudra! Siya po yung kinikwento ko sa inyong bestfriend apocalypse ko sa schoolsung!”
“Wow! What a coincidence! ” Si tita.
“Oo nga po eh.” Sagot ko.
Pagkatapos ng yakapan session naupo muna kami sa kama at nagchikahan ulit.
“Ahm? Kung ganun po close kayo ni Baks?”
“Ah oo! Para ko na siyang anak na babae dito kase nga bakla siya diba? Kaya parang kilos babae narin siya hihihi! Atsaka hindi naman baks pangalan ang pangalan ni Carla eh! Bakit baks ha anak?” Tanong ni Tita sakin.
“Ahh! Baks po for Bakla! Hehe nilagyan konlang po ng S atsaka po yun na po yung tawagan namin.” Sagot ko.
“Wow! Ang astig naman ng tawagan niyo! Hoy Carla! Simula ngayon kapatid mo na si Claud ah!”

BINABASA MO ANG
Alien Heartthrob
HumorClaudine Peia Arellano is just a typical girl who loves Brixe Jadde Sandoval since first year highschool, she's the type of a girl who is always happy go lucky hindi uso ang badvibes sakanya, minsan itong tatanga-tanga at madalas bobo. Brixe Jadde S...