~Di pwede.
“Hahahahahahahaha~” Nagtawanan lang kami ng nag tawanan kase si Zamira todo pabibo kay papapards.
“Claud.. grabe! Ang ganda ng ng bahay niyo.” Si Adria. Oo simula kanina sa kotse ni James naging komportable at madaldal na siya samin nina baks.
“Ay, salamat Adi.” At naikwento niya din samin na Adi nalang itawag sakanya dahil yun naman daw ang nickname niya.
Napansin ko lang si Baks at si Carl kanina pa tahimik tapos lagi pang nakatitig kay James na naka crossarms at naka de kwatro lang sa sofa namin. Di na muna siya kumain kasi daw busog pa siya.
“Carl? Okay ka lang? Kanina pa kayo tulala at lutang ni Baks ah.” Sabi ko.
“Ah-eh...hehe, wala lang to.” sagot naman niya.
“Ooopppsss! Heto paaa!” Mahinahong sabi ni papa saka inilapag ang ilan sa mga specialty niya.
“Salamat pooo! Wooow! Mukhang masaraaap!” silang lahat.
Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan silang nasasarapan sa luto ni papa. Napatingin naman ako sa sofa at nakita kong seryosong nanonood si James doon.
Grabe! Parang nagyeyelo na ako dito sa pwesto ko dahil sa cold stare niya kung saan man siya naka tingin. Parang andami niyang hinanakit? Sana okay lang siya.
“Ah! Claudy dear may... May mga babypicsung ka ba diyang hina-hidesung hidesung?” Tanong ni Zamira
“H-huh? Sorry, pero wala eh hehe. Pero! May handprints, fingerprints at footprints akong nakasimento!” sagot ko.
“Wow!Astig naman nun!” si Jaye.
“Oo nga! Pwedeng patingin?” si Bryan.
“Sige wait!” tipid na sagot ko.
Tumayo lang ako sa kinauupuan ko para kunin yung mga footprints, fingerprints at handprints ko sa tukador banda sa kusina.
Pagkakuha ko dali dali naman akong bumalik sa lamesa pero...
Bakit parang kulang sila?
“Ahh...hinahanap mo ba si James?” Si Jaye.
“Hmmm?” yun nalang ang nasagot ko.
“Umuwi na! Tinawagan ng Girlfriend ‘daw’ niya.” Si Bryan.
“Ah okay!” Masayang tugon ko.
“Ito oh! Maganda ba?” Sabay abot ng Frame kung saan nandun ang mga prints ko.
“Wow! Ang cuuute! Tignan mo oh! Ang liliit ng daliri hihihi.” Si Adria.
“Oo nga ang cute naman niyan! Siguro kung may babypics. Kalang sana siguro mas cute pa diyan.” Si Jaye.
“Ang kyot kyot ngaa! *u*” Si Baks.
“Oh?! Himala?! Nagsalita ka na?!” Paano ba naman kasi simula nung dumating kami dito ng bahay wala ng imik ang dalawa.
“Grabe ka naman sakin baks! Syempre nakakapag salita ako nuh!” Sagot naman niya.
“Eh..kase.. Simula kanina parang.. Naurungan ka na ng dila eh.” Ako.
“Suuus! Edi dumaldal ngayon!” Siya.
“Uy! Wait lang po ah kuha lang po ako ng tubig sa ref.” Si Zamira
“Ay! Iho samahan na kita kukunin ko padin yung iba ko pang hinanda hehehe.” Si papa. Grabe si papa! Parang teenager parin! Gorang gora kay Zamira eh. Hala! Baka may relasyon sila!? Oh noes!
At ayun na nga pumunta na sila ng kusina. Samantalang kami dito nag ke-kwentuhan parin.
Maya maya nakabalik narin sina papapards at kasalukuyang nakatayo parin.
Pero?.. Bakit...parang..may nag ca-crack?..at parang lumilindol pa!
“Pa? Napansin niyo din ba yun? Bakit parang may nag ca-crack sa bandang itaas?” Tanong ko.
“Hala! Oo nga po! Bakit parang lumilindol din?” Si Adria.
“Teka? May lindol? Imposible! Wala namang balita na meron dito sa Puerto ah?!” Si Bryan.
“Oo nga? O baka naman landsli— waaah! Ba-bakit naman parang guguho na ito?!” Si Jaye.
“Baka di naman siguro eh matibay pagkakagawa ng bahay na ito eh hehe! Wag nga kayo! Mag relax lang kayo dyan!” Si papa.
“Huwaaaa! Papaaaa! Bakit lumilindoool! Naaa!”
“Clauuuuuud! Lumilindoool!”
“Juskoooo! Ayoko pang mamataaay! Waaah!”
“Guyssss! Huwaaag! Kayong mag panic!”
“Haru! Jusko po! Ano pong nangyayari!? Tara na! Lumabas na tayo!”
Ng makalabas kami ng bahay... Huh? Bakit dito hindi lumilindol? Bakit parang napaka hinahon ng mga kapit bahay namin?
“Mga kapitbahay! Tumawag kayo sa 911! Omgee!”
Patuloy lang sa pagbagsak ang mga simento o ano mang gamit sa loob. Bakit ganun? Eh Hindi naman lumilindol dito sa labas? Bakit unti unting nawawasak ang bahay namin?
“Anak! Yung frame! Kailangan kong makuha!” Si.papa.
“Ano pa!? Papa! Wag na! Hayaan na natin yun!”
“Claud! Hindi pwede! Mama po pa ang nagpagawa nun! Teka kukunin ko yan ha!”
“Papa! Ano ba?! Wag na nga! Dilikado na oh!”
pero bago ko pa mahabol at mapigilan si Papa sa pasugod sa loob ng gumuguho naming bahay para lang makuha yung frames ko at pati yung prints eh tumungo na siya dun.
“PAPA!!! ANO BA!? LUMABAS NA KAYO DIYAN!! PAPA!!! HUWAAA! PAPA! NAWALA NA SI MAMA! PATI BA NAMAN IKAW! PAPA ANG TIGAS TALAGA NG BUNGO MO! PAPA! LABAS NA DIYAN! HUHUHU! PAPA!!!”
Bakit...bakit? Umiiyak na ko? Bakit? Papaaaaa!!!
Nakanood lang kaming pito dito habang gumuguho ng tuluyan ang bahay namin. Dumating narin ang mga WALANG KWENTANG PULIS! Sinubukan kong pumasok sa loob ng bahay at hilain si papa doon pero pinigilan na ako ng mga pulis.May nagsidatingan narin na mga reporters at panay ang interview nila sa mga kaibigan ko at ako naman ngayon iyak parin ng iyak! Huwaa! Huhu! Wala na si Papa.
Pero bago pa ako mawalan ng pag asa. May lumabas naman na tao sa bahay at may bitbit bitbit na —...
“HUWAAA!!! PAPAAAA! BUHAY KA!! HUHUHU!!! PAPA! ANTIGAS TALAGA NG ULO MO! ANO PAPA? MAY MASAKIT BA SAYO? ANO PAPA!?”
“Ano ka ba anak! Ayos lang ako! Eh malakas pa ako sa kalabaw eh! Mag redyos ka nga diyan!”
“Ano bang sinasabi niyo? Mag relax ako dito eh! Halos masiraan na ako ng bait dito! Bakit ba kasi basta basta kayong sumusugod doon!?”
“Hay naku! Paano na tayo nito? Saan tayo titira!?” Pahabol ko pa.
“Edi doon nalang muna tayo sa Mini resto natin anak! Pwede pa naman natin pag tyagaan yun.” Papa.
“Oh sige papa kayo bahala.”
Iniwan ko muna dun si papa sa isang gilid habang iniinterview siya sa mga nangyari.
Pinuntahan ko muna sina Zamira. At don sila nagkukumpulan at bakas sa mg a mukha nila ang lungkot para sakin.
“Pasensya na sa abala ah.. Nakakahiya tuloy sainyo.”
“Ano ka ba Claud! Wala yun. Hayaan mo tutulungan namin kayo.”
“Oo nga Claud! Kaya wag ka nalang mag-alala dyan. Tutulungan ka namin.”
“Huhuhuhu! Sa-salamat sa inyo huhu! Bu-buti nalang may mga kaibigan akong katulad niyo. Maraming Sa-salamat talaga huhu.”
“Ano ka ba Claudy dear what are friends for?”
“Weeeee! Group hug!”
Nakisabay naman ako sa grouphug nila. Grabe ganito pala kasaya kapag may mga kaibigan ka ano? Ang swerte ko!

BINABASA MO ANG
Alien Heartthrob
HumorClaudine Peia Arellano is just a typical girl who loves Brixe Jadde Sandoval since first year highschool, she's the type of a girl who is always happy go lucky hindi uso ang badvibes sakanya, minsan itong tatanga-tanga at madalas bobo. Brixe Jadde S...