Chapter 27- Good Bye -
" Mikaela apo? Ano bang pinagsasabi mo na babalik ka sa puder ng Kiilala mong tiyahin? at gusto mo ng divorce? apo! Kami ang tunay mong pamilya! "
sabi naman ni lola at hinawakan ang mga kamay ko!!
" lola! Alam nyo po bang nahihirapan na po ako sa sitwasyon namin ni Steven? Kasal nga po kami pero may Nasasaktan naman! "
paliwanag ko kay lola!
" Si Jenna Cruz ba ang dahilan mo apo? "
Biglang tanong ni lolo!
" Kilala nyo po si Jenna Cruz?"
Gulat na tanong ko kay lolo! Kung ganun alam nya pala na girlfriend ni Steven si Jenna Cruz!
" Oo Kilala ko si Jenna Cruz! dahil sinabi sa akin ni Steven na nagka girlfriend sya! At handa nya namang tuparin ang pinag usapan naming kasal kapag nahanap na ang nawawala naming apo at ikaw yun Mikaela! "
paliwanag ni lolo sa akin! Dapat ba akong magalit sa kay lolo? Dahil hindi nya manlang ako binigyan ng chance na makapili ng dapat kong mahalin? bakit si Steven pa? Si Steven na may Jenna Cruz na? Parang Nagmukha akong kontrabida sa love story nila!!
" lo? Bakit ho gusto nyo si Steven para sa akin? Dahil po Genius sya? at nakakasiguro kayong magiging secure ako sa kanya dahil matalino, at madami syang alam? Lo? Hindi nyo po ba naisip na may masasaktan? Lo! Pasensya na po kung nasabi ko to sainyo ngayon! "
Sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko hindi ko na Pigilan ehh!!
Ayaw ko ng marinig ang sasabihin ni lolo dahil baka magkasamaan pa kami ng loob!!
" Mikaela apo!!! "
tawag sa akin ni lola hindi ko na nilingon at Tinuloy ko pagtakbo paalis!
Nagkulong ako sa kwarto! At Tinuloy ko pag impake ng mga gamit ko! Hindi ako lumabas para mag dinner!!
" MAMA, PAPA! KUNG-naririnig nyo po ako ngayon!! Please po! Tulungan nyo po ako! "
Sabi ko ng naiiyak! Bigla ko kasing na alala ang parents kung matagal ng pumanaw!
* tok! Tok! *
" Mahal na prinsesa buksan nyo po ang pinto may dala po akong hapunan nyo! "
Sabi ng personal maid ko! At binuksan ko agad ang pintuan ng kwarto ko!
" Rica! Salamat dito! Pabayaan mo muna ako! "
Sabi ko kay Rica sabay kuha sa kanya ng tray na may pagkain at agad sinarhan ko ang pinto ng kwarto ko!
Nilapag ko nalang sa side table ko ang tray na may pagkain! Wala akong ganang kumain!
Hinintay kong mag 9:30 pmlumabas ako ng kwarto ko dala ang maleta ko!
" mukhang tulog na sila! "
Eh! Ang tahimik ng buong mansyon! Since magkaharap lang kami ng kwarto ni Steven sinilip ko sya!
Binuksan ko ng kunti ang kwarto nya!
Nakita ko syang tahimik na natutulog!
kaya dahan dahan akong pumasok sa kwarto nya!" Para kang anghel pag natutulog! Steven sorry kung aalis ako! Sana magiging masaya na kayo ni Jenna! Pag Umalis na ako sa buhay mo at dito sa mansyon! "
Mahinang sabi ko! At shit! Ang mga luha ko pumapatak na naman! Hinaplos ko ang buhok ni Steven ng Dahan dahan!
" GOOD BYE! STEVEN! "
at umalis na ako ng kwarto nya!
Nilisan ko na ang mansyon dala ang gamit ko na nakalagay sa loob mg Maleta ko!
Tamang tama wala ang guard na naka bantay sa gate kaya agad akung lumabas! at Tamang tama andyan na si Cindy yong kaibigan at classmates ko!
" MIKAELA? Sigurado ka na ba sa disisyon mo? Handa naman kitang Tulungan eh! Pero sana hindi ako sasabit dito huh? "
sabi ni Cindy na may tonong pag-aalala Tinawagan ko kasi sya kanina na gusto kung umalis ng mansyon pinakiusapan ko syang Tulungan nya ako!
At mabuti Napapayag ko sya!
At sinabi nyang may hidden Rest House sya sa Tagaytay! Handa nya namang patirahin ako doon pansamantala! Naisip ko rin na! pag sa bahay nila Tiya Carmela ako pupunta ehh!! Hindi ako tanggapin dahil nga sa kontratang napirmahan nya noon!!" Sigurado na ako Cindy! Wag kang mag alala hindi kita ipapahamak! "
sagot ko sa kanya! agad sumakay na kami ng kotse nya!
at si Cindy ang nagmaniho !* inside the car *
" Mikaela? Bakit mo ba gustong umalis? "
tanong ni Cindy sa akin habang nagmamaniho!" Gusto ko kasing mapag isa at lumayo muna! Alam mo Cindy salamat talaga huh? dahil hindi ka nag dalawang isip na Tulungan mo ako! "
" Mikaela sabihin mo nga? Dahil ba sa nangyari kanina sa school? yong about sa nakasulat sa white board? Nakuh Mikaela! Mga Walang magawang fans lang yun ni Jenna sa school! "
sabi ni Cindy! Natahimik naman ako at tumingin ako sa kawalan!
" Mikaela medyo malayo pa ang byahe natin papuntang hidden rest house ko sa tagaytay! Kung gusto mo umidlip kana muna! "
Sabi ni Cindy!
Brrrrtttt!! ay Hihihi tunog ng tyan kung gutom na Talaga!! ╥﹏╥" nakuh? Hindi ka kumain nuh? Meron akong biscuits dyan sa loob ng bag ko at c'2 solo! kunin mo lang! "
anbait talaga ni Cindy! Kayat agad kung kinuha sa bag nya! Kayo kaya hindi nakain ng lunch at dinner? Di kayo gugutumin?
Hay!!Kaya kinain ko na!!
Naiisip ko na naman si Steven! Sorry Steven pero kaylangan ko ng magpa alam sa yo!
* kinabukasan *
Steven Pov
7:30am na akong nagising agad naligo, nagbihis na ako! at lumabas na ako ng kwarto ko!
" Prince STE--VEN si Prinse-sa Mikaela ho!! "
Utal nasabi ni Rica sa akin!
Bigla naman akong naka dama ng kaba!" what? Hey calm down! Bakit may nangyari kay Mikaela? "
tanong ko sakanya at may inabot syang sulat sa akin!
Agad ko namang Kinuha at binasaDear Steven,
Hindi ko alam paano to sasabihin sayo! Alam ko namang pareho tayong nakulong sa isang sitwasyon na hindi natin inakala at ginusto! Kahit hingin ko man kanila lolo at lola ang divorce alam kung Hindi sila papayag
Kaya napag desisyunan kung Umalis muna pansamantala, wag mo na akong hanapin paki sabi kanila lolo at lola na Mahal ko sila, sana sa pag-alis ko magkabalikan na kayo ng true love mong si Jenna Cruz! Steven mag-iingat ka palagi huh? at malaya kana!
- Good bye -* Mikaela *
" Steven apo! nabasa ko narin yang sulat ni Mikaela! Sa tingin ko hayaan mo natin sya! "
Hindi ko namalayan na Andito pala si lolo sa harap ko!
Nakuh naman Mikaela! Bakit umalis ka? Hindi kaya! May kinalaman si Jenna dito?
a/n: Babalik pa ba si Mikaela? ano kaya ang gagawin ni Steven sa Walang paalam na pag-alis ni Mikaela?
Abangan ang Next chapter..
lsharongrace..
BINABASA MO ANG
My Genius Prince [ Completed ]
Novela JuvenilMr. Genius Vs. Miss. Know-nothing Ang kakaibang bangayan, tampuhan ng isang genius at slow at kakaibang kilig na dala ng love team nila. #Genius #Slow #Prince #Princes #RomanticComedy