Gabi na din nung i-text ako nitong bestfriend ko.
From: Chuu
Chuu, punta tayo sa practice ng banda ni Joash. K?
At syempre um-oo ako.
Tugtugan din yon.
Masaya.
Maya maya lang sinundo na ko ni Claire at nag-commute na kami papunta sa lugar kung san man sila nag-p-practice.
Nasa malayo palang ako, nagugulat na ko sa nakikita ko.
"Raffy? Naz?"
"Uy, andyan na pala kayo." sumingit si Joash.
"Bakit andito sila?" tanong ko.
"Ha? Eh banda kami eh?"
"Weh?" di kasi talaga ko makapaniwala.
"Oo nga. Si Naz yung lead vocalist ako at si Raffy naman sa gitara. Si Kent yung bass guitarist, tapos si Red sa drums."
"Wow ha, kumpleto."
OK, SIGE TANGGAP KO NA. BANDA NGA SILA.
"Hindi nga kumpleto eh."
"Huh?"
"Wala kaming naka-assign sa keyboard."
"Owwww. Kawawa naman kayo."
"Ang sama mo talaga!" biro ni Joash.
"Chuu, babe. Tara sa loob?" nilapitan kami ni Claire.
At syempre pumasok na kami.
Andun na si MVP, Raffy at Joash.
Pero may dalawang hindi ko kilala kaya umupo nalang ako dun sa isang couch.
"Ui! Ms. sungit!" lumapit sakin yung isang ka-banda nila.
"HUH?"
"Hala, hindi mo ko natatandaan?"
"Kung natatandaan kita, edi sana kanina pa kita kinausap." mataray kong sagot.
"Sabi na ikaw yun eh."
"Yung?"
"Yung nakatabi ko sa Major ko kahapon."
Sinong bang nakatabi ko sa major ko kahapon?
Ay shete, yung lalaking kumakanta!
"Ikaw yun?!"
"Naalala mo na?"
"Oo! Ikaw yung kumakanta at nags-soundtrip habang nagle-lesson yung prof."
"Haha yun nga. Bilis mo makalimot ah."
"Hindi ka naman kasi katanda-tanda." tinaasan ko sya ng kilay.
DAHIL BADTRIP PADIN AKO SA PAG KANTA NYA.
"Sungit talaga. Ako nga pala si Red! Ikaw?"
"Pink"
Unti-unting tumawa si Red.
Palakas ng palakas.
"Anong nakakatawa?!"
"Parehong kulay yung pangalan natin!"
RED PINK PINK RED.
"Oo nga no?!"
"Ang cute!" tapos ngumiti sya ng parang pusa.
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
RomanceEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.