Buwan na din ang nakalipas.
May trabaho na si mama ngayon.
Maayos na kami ni Red.
At kinalimutan ko na si Naz.
Mukha bang imposible?
Alam nyo, sa una mahirap talaga.
Pero kapag naaalala ko yung mga ginawa nya sakin?
Yung mga times na umiiyak ako ng dahil sa kanya?
Yung pagpapa-asa nya sakin?
Hindi ko na nararamdaman yung love.
Ngayon, masasabi kong naka move on na ko.
Hindi madali yun, pero mas naging magaan dahil kay Red.
Hindi nya ko iniwan.
Pinapasaya nya ko lagi.
Pinapa-alalahanan.
Laging hinahatid sa bahay.
Pag vacant time, kasama ko sya.
Hindi nya ko sinasaktan..
"Teka Red, nangliligaw ka ba?" tanong ko kay Red ng isang araw makahalata na ko sa sweetness nya.
"Bawal ba Pink?" seryoso nyang sagot.
Ngumiti lang ako.
Gagong 'to, pina-inlove agad ako.
Oo, inlove nanaman ako.
And this time, hindi kay Naz Felizardo. Kundi kay Red Padilla.
"Pwede naman kulay Red."
Nanginginig na ngiti, hindi makapaniwalang mukha, at halos tumambling sya sa tuwa.
"Talaga? Ayos lang sayo?"
"Ayos lang Red. Tumigil ka nga dyan." nakangiti kasi sya habang nakatitig sakin.
Natutunaw ako, ok?
"I love you Pink."
"Mahal mo nga ba talaga ko?"
"Mahal na mahal. Hindi kita sasaktan, promise." nagtaas pa sya ng kanan nyang kamay.
Ang sarap pala ng feeling pag totoong in-love na.
Hindi yung tulad nung kay Ace, lokohan lang kasi yun.
Ang saya pala talaga..
First time ko lang to maramdaman.
"Oh pano Red? May klase pa ko." tumayo ako at kinuha ang gamit.
"Ihahatid na kita." in-offer nya yung kamay nya.
"Nangliligaw palang holding hands na agad?" tanong ko.
"Hehe.. Joke ko lang yun." kinuha nya yung gamit ko. "Tara na?"
Proud ako sa sarili ko.
Nakalimutan ko na talaga yung ugok na yun!
At proud ako kasi gwapo tong kasama ko.
Haha, joke lang.
Mahal ko na 'tong taong to.
Habang naglalakad kami nakasalubong namin ang forever sweet couple na si Chuu at Joash.
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
RomansEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.