Kinabukasan maayos naman ang lahat.
Lahat nakangiti.
Pero nung nakita ko yung unggoy na tinubuan ng braces, napasimangot ako.
"Oh, Chuu. Ang aga aga nakasimangot ka?"
"Kasi naman ang aga aga unggoy agad nakikita ko."
"Hahaha. Adik ka talaga!"
"Babe, swimming tayo?" niyakap ni Joash mula si likod si Claire sabay kiss sa cheeks nya.
"Hoyyyyy! Parental gudance kayo!" sabay takip ko sa mata ko.
"HAHAHHA" tumawa sila pareho.
EDI SILA NA SWEET.
SILA NA MAGKAYAKAP.
SILA NA NAG KISS.
Kelan kaya kami magiging ganto ni MVP?
Lakad.
Lakad.
Libot libot din. Cute ng rest house nila Alex. Ang laki.
Nung makapunta ko sa may bandang likod nakita ko si Alex.
At naalala ko ang ginawa nya.
"Hoy!" sigaw ko.
"Ha?"
"Bakit mo sinama si Karla ha? Para pagselosin ako? Alam mo namang mortal na kaagaw ko sya kay Naz!"
"Pero Pink-"
"No, alam mo Alex kung gusto mong manadya sana ginawa mo nalang kahapon or next month. Sana hindi ngayong sembreak. Masaya na sana eh."
Sabay walk-out. Bahala ka dyang mag explain sa damo.
Akala mo hindi ko mahahalatang nananadya ka ha?
Anong tingin mo sakin bulag? Manhid? Bingi?
TSSS!
3 days passed.
Ayos naman.. Pero laging malungkot si Alex.
Ano bang meron sa babaeng to?
Sya na nga nanadya, sya pa malungkot?
Sya ba naiinis ngayon?
Sya ba nagagalit?
Naiinggit?
Nsasaktan?
Ha?
Sya ba?
DIBA DAPAT AKO?!
Gabi na din nakatambay lang ako sa may pool.
Reminiscing everything.
Ang sarap balikan ng high school life ko.
Yung KV moments..
Mga kopyahan na 'teamwork' para sa mga estudyante.
Mga-
"Pink."
Istorbo naman oh.
"Ano?"
"Can we talk?" sabi sakin ni Alex.
"May magagawa pa ba ko?"
"It's not me that invited Karla."
"Then who?"
"Si-..'
"Si?"
"Si Kent."
"Ano?!?!?!!?"
"Kahit ako nagulat din. Nakita ko nalang sa texts nila sasama daw pala si Karla. At kung makadikit sa boyfriend ko parang linta. Hindi ko na nga kaya eh. Kaya sana wag mo ng dagdagan. Hindi ko talaga sya dapat isasama."
"S-sorry. Pero. Hindi mo man lang ba pagsasabihan si Kent?"
"Hindi ko nga makausap eh. Dahil isang tingin ko palang kay Karla nadudurog na yung puso ko."
"Kaya mo pa ba?"
"Kailangan ko ng masasandalan Pink.." biglang tumulo yung luha ni Alex.
Mabigat 'tong pinagdadaanan nya.
"Uhm.. What can I do?" tanong ko naman.
"Kausapin mo naman si Karla for me oh?"
"Kausapin? Gusto mo bugbugin ko pa para sayo eh? Uhm, No.. Hindi bugbog. Gusto mo hilahin ko yung mga bakal bakal nun sa ngipin? Anong gusto mo? or pwede ding both.."
"No.. I mean.. Just a simple favor. Layuan nya na sana si Kent."
"Makakarating Alex. Sorry ulit."
Kinabukasan kinausap ko agad si Karla.
"Hoy unggoy, let's talk."
"Pardon me?"
"Sabi ko usap tayo."
"uhkay"
ANG LANDI POTA.
"So.. Kilala mo si Kent diba?"
"Yah."
"Alam mo bang may girlfriend na sya?"
"Yah. Si Alex if I'm not mistaken."
"Eh alam mo naman palang may girlfriend yung tao bat nilalandi mo?"
"I.. I like him eh. Problem with that?"
Ay isa nalang, huhugutin ko kaluluwa nito.
"Ewan ko sayo. Kakausapin nalang ulit kita pag may utak ka na.."
Sabay layas. Pero syempre, pumunta ko kay Alex.
Habang naglalakad ako nadaanan ko si Chuu.
Ang sweet ulit nila ni Joash.
SILA NA TALAGA!
"Alex."
"Hmm?"
"You need to fight for him. Ilabas mo yung taray mo kay Karla tignan natin kung hindi malaglag yung braces nya."
"Huh?"
"Hindi sya madaan sa simpleng pakiusap eh. Daanin mo sa brutalan."
"Pero hindi ko kaya."
"Let's go."
Pinuntahan namin sila at sakto! Magkasama yung dalawa!
"Go Alex, I'm here."
Lumapit sa kanila si Alex.
Galit.
![](https://img.wattpad.com/cover/707218-288-k986526.jpg)
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
RomanceEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.