Chapter 5 - When Rivals Met.

381 4 0
                                    

For the mean time, hindi ko muna inisip ang kawalan ko ng pag-asa pagdating kay MVP.

Bakit?

Dahil nangangailangan ng resbak yung best friend ko.

BROKEN DAW SYA.

Kasi, laging kasama ni Joash si Alex.

Why?

Kasi si Alex pinsan sya nung kambal, na si Raffy at Red.

Ang liit nga naman ng mundo.

First time ko 'tong gagawin kaya pagbigyan nyo na.

CLAIRE's POV

Hi, bago kayo magtaka kung bakit nagkaron ng POV ang katulad ko dito sa kwentong si Pink dapat ang bida eh dahil kasi cute ako. CHOS.

Ayoko nang magpatawa..

Ayoko na ding ngumiti.

Nasasaktan kasi ako.

Hindi ko naman hinihingi lahat ng oras ni Joash. Sa katunayan nga, malayang malaya nyang nagagamit yun.

Ang hindi ko lang matanggap, nilalaan nya yun para sa ex nya.

Para kay Alex Javier na pang lalaki naman ang pangalan!

Alam nyo yung babaeng yon?

Ang sarap nun hampasin.

Sunugin.

Ilublob sa kumukulong tubig.

Ipa-massacre.

Ipa salvage.

YUNG GANUN.

Kasi ex nya na si Joash, nilalapitan nya padin!

Ang kati nya.

Pwedeng POV ko na?

Oo sige POV ko na.

ALEX's POV

Ehem.

Ako si Alex.

At galit na galit sakin yung may POV sa taas. Ewan ko ba.. Basta ang mahalaga sakin si KENT ang mahal ko.

Cute yun!

Tapos mabait pa.. Medyo mahiyain nga lang. Pero alam mo yung pinaka gusto ko sa kanya?

Yung fact na alam ko at nararamdaman kong mahal nya din ako.

Teka, magpa-flashback ako.

"I STILL LOVE YOU"        -ALEX JAVIER

Inukit ko yan dun armchair ko noong Technical Writing subjecct namin at broken ako dahil kaka break lang namin ni Joash.

Pero kinabukasan may sumagot!

"Pre, ayos lang yan"

Pero syempre hindi na nakaukit yun, nagdikit lang sya nung sticky note sa table ko.

Kaya sumagot naman ako. Sinulat ko lahat yung feelings ko.

And guess what? Pinyuhan nya ko!

Puro "bro, alam mo namang ganyan sila.."

Meron pang "Move on dre, dami pa dyan!"

Ano ba to? Parang hindi naman nakatulong?!

Sa sinami dami nung post it na kinabit namin dun sa upuan na yon napagpasyahan naming magkita.

Pink Tales (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon