Andito ko ngayon sa burol ni Red.
Naisip ko lang..
Nasan na kaya sya ngayon?
Malayo na ba sya? O baka naman.. Katabi ko lang?
Kanina pa kasi ako nanglalamig dito eh.
"Red?" salita ko. "Red.. Kung andito ka man.. Sana bumalik ka na oh?"
Tumulo nanaman yung luha ko.
ANG SAKIT SAKIT NA.
Tapos gulong gulo din ako.
Kasi nung malaman kong nabangga sila.
Sabi ng utak ko: RED
Pero.
Sabi ng puso ko: NAZ.
Thorned between two lovers ba ito?
"Chuu." tumabi sakin si Claire, dumating na pala sila. "Condolence.."
"Salamat.."
"Alam kong masakit pero kakayanin mo yan ha? Andito lang ako. Makikinig ako sa mga hinaing mo.."
"Bakit ang malas malas ko Claire?" napayakap ako kay Chuu habang humahagulgol. "Ang malas malas ko.."
"Shhh. Tahan na.. Maybe he's just not the one for you.."
"Chuu.."
"Hmm?"
"Naguguluhan ako.."
"Panong naguguluhan?"
"Nung malaman ko kasing nabangga sila.. Mas nag-alala ko sa kalagayan ni MVP. Hindi ko ma gets yung sarili ko."
"Ano? Ibig sabihin mas concerned ka pa noon kay Naz kesa sa sarili mong boyfriend? Ang labo naman ata nun Pink.. Kala ko ba nakalimutan mo na si Naz?"
"Alam ko sa sarili kong nakalimutan ko na sya.. Pero nung nalaman kong nanganganib sya I was.. I was confused."
"Masyado lang sigurong magulo ang utak mo noon Chuu.. Pero kung yun yung naramdaman mo.. Don't tell me all this time you've been lying to Red?"
"Of course not! I love Red, alam mo yun."
"Alam mo Chuu.. Hindi ko din ikaw masisisi kung ganyan yung nararamdaman mo.. Pero kung buhay pa si Red, sino bang pipiliin mo? Si Naz o sya?"
And after, that I was fucked up again.
I CAN'T EVEN CHOOSE!
Sabi ng utak ko si : RED
Pero.
Sabi ng puso ko si: NAZ
HUUYYYY. MAGKAISA NAMAN KAYO?
Pwedeng isang pangalan lang ang isigaw nyo?
Bilis na oh?
Nahihirapan na ko eh.
Nagkakarambola na yung braincells ko.
Dumadagundong naman yung puso ko.
SINO BANG SUSUNDIN KO SA INYO?!
"See. Ni hindi mo masagot. Mahal mo pa si Naz chuu. For 1 year you were just lying to Red and to yourself."
"Pero hindi talag Chuu eh.. Minahal ko talaga si Red."
"Ok fine, let's just say na minamahal mo nga sya. Pero iba yung pagmamahal mo kay Naz.. Am I correct?"
Tama sya eh.
Tama Chuu..
"Oo na. Ganun na."
"Oh, edi umamin ka din."
Bestfriend ko ba talaga to?
Bestfriend ko nga to.
Kasi kung kaibigan ko lang to, sasabihin nya lang kung ano ang tama.
Hindi nya ipapa-realize sakin ang lahat.
"Chuu.."
"Oh?" sagot nya.
"Thank you."
------------------------------------------------------------*
Dear Author,
Wala na ba kong papel sa kwentong to kung hindi masaktan? Hindi ba ko pwedeng sumaya?
Love, PINK.
Sabi nila..
Kapag binabagabag ka ng problema, pumunta ka lang sa isang lugar kung saan walang makakakilala sayo.
Walang papansin kahit tumulo yung sipon mo kakaiyak.
Walang mag-de-dare na magtanong kung anong problema mo.
In short, dito.
Dito sa sulok ng village namin.
Papunta na 'to ng bukid.
Kaya wala ng tao.
Mag isa ko dito..
Pero ang dami dami kong naririnig..
Si puso at si isip.
Nagtatalo nanaman sila.
"Totoo naman Pink diba? Si Naz ang mahal mo! Sya nga unang naisip mo diba? NAZ NAZ NAZ!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabi ng puso ko.
"Boyfriend mo si Red Pink! Ano nalang sasabihin nila kung malalaman nilang si Naz padin ang mahal mo?! RED RED RED!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabi naman ng utak ko.
Naranasan nyo na ba 'tong sitwasyon?
Sino bang susundin ko?
Yung puso kong sinisigaw si Naz na KINALIMUTAN ko na noon pa?
O yung isip ko na nagsasabing Si Red DAPAT kasi yung ang TAMA?
Haay nako Pink, pakamatay ka na.
</3
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
RomanceEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.