On our way home.
Pagod lahat ng tao sa van.
Si Kent at Alex, magkatabi na.
Si Joash naman nakatulog na sa balikat ni Claire.
Si Raffy, as usual tulog.
Si Red naghe-headbang. ( I mean, tulog na sya pero hindi nakasandal yung ulo nya. Kaya pa-sway-sway. LoL)
Si MVP naman nags-soundtrip pero hindi tulog.
At ako? Nakikiramdam. Matutulog ba ko? Mananatiling gising? Oh i-ga-grab yung oppurtunity na makausap si Naz?
Kung nagtataka pala kayo kung bakit wala na si Karla, ay sa kadahilanang unggoy sya.
Hindi, joke lang. Umuwi na sya kahapon. SOBRANG HIYA siguro.
Buti nga sa kanya.
"Hindi ka inaantok Pink?" nagulat ako biglang nagsalita si MVP.
"Uhm.. Inaantok.."
"10:00 pm na oh. Tulog ka na." sabi nya.
"Ha? eh.."
INAKBAYAN NYA KO!
"Alam ko namang hindi ka komportable. Dito ka na sumandal sakin."
"ah.. osige.."
WALA NA KONG MASABI! At yung pwesto namin ngayon?
Naka-sandal yung ulo ko sa dibdib nya at nakaakbay sya sakin!
Hindi talaga ko makakatulog nito sa kilig!
"Ok lang ba talaga?" tanong ko kay MVP.
"Ayos lang."
. . . . . . . . . . .. .. . . .. . . .. . . .
. . .. . .. . . .. .. . . .. . . .
.. . .. . . .. . .
.. . .. . .
.. .
..
.
"Pink.."
Binuksan ko yung mga mata ko.
LAHAT SILA NAKATINGIN SAMIN NI NAZ!
"Yiheeeeeeeeeee!" pang-aasar nila Joash At Chuu samin.
Bigla naman akong napa-ayos ng upo. Bumaba na rin dahil andito na kami sa harap ng gate.
Pagbaba namin ni MVP umalis na yung van. Kasi ihahatid pa sila Chuu at iba pa sa mga bahay nila.
"Ano Naz.." pinigilan ko si Naz na pumasok sa gate nila kahit Alas tres na ng madaling araw.
"Oh?"
"Sorry ha.."
"San?"
"Eh kasi ano.. Yung kanina.. Nakatulog pala ko sa balikat mo.." hiyang hiya kong sabi.
"Sus ako nag offer diba? Tsaka wala sakin yung pang aasar nila.." ngumiti pa sya. "Pasok ka na, umaga na oh."
"Ah sige.. Ikaw din."
At pumasok na kami sa kani kanilang bahay.
Alas tres palang. Pero DUH. Hindi na ko makatulog. Dahil sa kilig? O dahil pasukan nanaman bukas?
HAAAAAAAAAAY, oh well.
Ilang buwan nanaman akong laman ng Adamson University.
![](https://img.wattpad.com/cover/707218-288-k986526.jpg)
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
RomanceEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.