Pag-gising ko.. Nakita ko agad si kuya..
Mag isa sya sa sala.
Tulala tapos balisa.
"Kuya..."
"Ah, Pink. Gising ka na pala." pinilit ni Kuya ngumiti. "May pagkain sa mesa."
"Kuya.. Ayos ka lang?"
Bumuntong hininga si kuya.
"Nawalan na ng trabaho si mama.. Hindi ko na alam yung kasunod Pink.. Ang hirap."
Nagulat ako, first time umiyak ni kuya sa harap ko.
AS IN FIRST TIME.
"Kuya natatakot ako.."
Niyakap lang ako ni kuya at pinilit nyang ngumiti.
Pero.. Halata na eh.. Nahihirapan talaga si Kuya.
Umakyat ako sa kwarto.
Ayoko ring makita ako ni kuya na umiiyak. Mas bibigat ang pakiramdam nya for sure.
At eto ko ngayon.
Nasa isang sulok.
Umiiyak.
Nagtataka lang ako.. Palagi naman akong umiiyak.
Laging nasasaktan.
Pero bakit iba yung ngayon?
Dahil ba pamilya na ang pinag uusapan?
Iba pala pag pamilya.
Mas masakit.
Teka.
Iyak ba yun?
May umiiyak?
Lumabas ako sa kwarto.
Sinundan yung iyak at nakarating ako sa labas ng kwarto ng mama ko.
"Shit, ang ayoko sa lahat yung umiiyak si mama."
Hindi ko na kaya.
Grabe ang bigat na.
Lalabas nalang ako.
Konting muni muni, baka sakaling umayos.
Pero paglabas ko duro agad yung puso ko.
Si Karla at Naz.
Magkasama sila sa bahay nila Naz.
Bakit naman ganito...
Sinusubukan ba talaga ko ng Diyos?
Pwedeng time pers muna?
Pwedeng wait lang?
Baka kasi hindi ko na kayanin.
Lakad.
Lakad.
EWAN KO BA. Datirati sa loob lang ng village ako dinadala ng paa ko.
Ngayon.. Nasa labasan na ko.
Lakad lang Pink.
Lakad dito.
Lakad doon.
Tawid dito.
Tawid doon.
Fact sheet, muntik pa ko masagasaan.
![](https://img.wattpad.com/cover/707218-288-k986526.jpg)
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
RomanceEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.