December 4, 2012.
To: Padilla <3
Happy Anniversary Padilla! I love you so much :*
Tama pagkakabasa nyo ;)
Anniversary nga namin ni Red Padilla ngayon.
Isang taon na din pala no?
Isang taong masaya ako.
Isang taong hindi umiiyak ng dahil sa pag ibig.
Isang taong inspired.
Isang taong inlove.
"Ma aalis na ko ha." paalam ko kay mama.
Pupunta na kasi ako sa Red Ribbon.
kukunin ko yung cake para kay Padilla.
Para kay Batman ko.
Para sa isang taong saksakan ng hangin at gwapo. PERO mahal ko.
Ang cute pala nung cake.
Yung logo ni Batman..
Sya kasi ang sumasalo sakin pag sinasabi kong "BAHALA NA."
Weeee, nae-excite tuloy ako sa pagkikita namin mamaya.
Sa bahay nila kami magce-celebrate.
Kilala na din pala ko ng pamilya nya.
AT! Boto sila <3
Ang sarap lang sa pakiramdam nung pagkasabi nya nung pinakilala nya ko..
"Ma si Pink pala, mahal ko."
Hahaha, weird ba? Common na daw kasi yung 'ma si Pink pala, girlfriend ko.'
Eh hindi nya lang naman daw kasi ako girlfriend. Ako daw kasi yung mahal nya. Ewan ko dun.
Kaya nung pinakilala ko sya kay mama, eto ang sinabi ko:
"Ma si Red pala, mahal ko."
EDI AKO NA GAYA GAYA.
Bakit? Eh mahal ko rin sya eh.
*ring**ring*
"Oh baby?" sagot ko.
"Hi baby, Happy Anniversary! I love youuuuuuuuuuuu!" bati nya.
"Happy Anniversary! I love you too! Nasan ka ngayon baby?"
"Paalis kami ni Naz ngayon eh, may dadaanan lang baby. Pero promise di ako male-late."
"Ah ganun ba.. Osige.. Anong oras mo ko susunduin?"
"6:00 andyan na ko"
"Okeysss. Ingat ha?"
"Opo. I love you ulit."
"Mas mahal kita Red."
At naputol yung linya.
Andito padin ako sa SM ngayon.
Bukod sa cake bibili pa ko ng couple's ring.
Edi ako na! Wala kayong magagawa. Mahal ko si Red eh :D
Pagkatapos kong mamili.
Umuwi na ko sa bahay.
3:30 na din pala.
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
RomanceEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.