Pag gising ko, kinikilig padin ako.
Syet, hinatid ako ni MVP.
*RINGGGGGGG*
"Hello?"
ANG AGA AGA TAWAG AGAD .________.
"Uhm, Pink! May gagawin ka ba mamaya? Kung wala punta ka sa bahay, birthday ko eh."
"Huh? Birthday mo pala ngayon Raffy?!"
"Oo. Kaya pumunta ka ha?"
"Oo sige."
Dali dali akong naligo at nagpasama kay Kuya sa mall.
Ano pa ba? Syempre, bibili ako ng regalo.
Sa mall.
"Kuya eto kayang damit?"
"Ang baduy nyan."
"Eh etong bag?"
"Masydaong cheap."
"Necklace? Ring? Bracelet?"
"Ano ka girlfriend? Yung simple lang."
"Tulad ng?"
"Tulad nito" kinuha ni kuya yung isang perfume. "Pabango! Gusto namin yung mga gantong gift."
"Sure ka kuya?"
"Oo naman."
"Ok" tapos binayaran ko na sa counter at umuwi na kami.
>>FAST FORWARD
Jeans, check.
White V neck shirt, check.
Black chucks, check.
"Ano ka mag-gagala? Pupunta kang party, oi! Magpalit ka nga."
"Bakit anong masama sa suot ko?"
Umupo si kuya sa tabi ko sabay akbay.
"Pink, dalaga ka na. College ka na nga e. Mag-ayos ka naman ng sarili mo. Kaya hindi ka nililigawan ni Naz eh."
"Bakit? Kailangan ko bang gumanda para mahalin? Kailangan kong magbago para seryosohin? Kung mahal ako ni Naz, kahit ako pa ang pinaka baduy na tao sa mundo mamahalin nya ko."
"Tama ka naman dyan, pero ayaw mo bang maging 'the best' ka para sa kanya?" tumayo si kuya tapos pumunta sa cabinet ko at naghalungkat. "Masarap sa pakiramdam ang tanggap ka kung sino ka, pero mas masarap yung maipagmamalaki ka din nya." tapos nilabas nya yung vintage styled dress na regalo sakin ni Chuu.
"No way kuya, hindi ko isusuot yan! Ang ikli!"
"Isusuot mo to."
"AYAW!"
"Huhubaran kita!"
Ang he means it.
Kaya wala akong nagawa. Sinuot ko yung dress.
Pero naka-flats lang ako. Baka masapak ko na si kuya pag pinag-heels pa ko.
"Leggo."
Pagdating namin sa party, maraming tao.
Pero sinalubong agad ako ni Raffy.
"You're beautiful!" hindi sya makapaniwala. "Pink, ang gorgeous mo!"
"Ney! Eto na nga ba sinasabi ko eh, ayoko kasi ng pinupuri"
"Ganda mo talaga."
Pumasok na kami sa loob ng bahay nila.
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
RomanceEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.
