Tapos na ang party party kahapon.
Tapos na ang KV moments nung high school.
Tapos na ang petiks days.
TAMBAK NA PROJECTS AT MAGKAKASUNOD NA DEADLINES NA ANG KAHARAP KO NGAYON.
Mahirap ngang maging college. Though you have 'freedom' na, parang hindi mo din naman magagamit sa sobrang daming gawain.
Sabi nga nila..
"College life is happy, but high school life is happier."
Well, I think they're right.
----------------------------------------------------♥
"Magpahinga ka naman Pink.."
"Hindi Red, kailangan ko tapusin yung article ko."
"Sige gumawa ka lang ng article dyan.. Bibili lang ako ng meryenda natin."
"Hindi na kaila-"
Pero umalis na sya.
Yan si Red. Caring. Sweet.
Kakaibang kaklase. Lagi kang inaalala.
Tapos cute pa. Hehe. Landi ko talaga.. Pero don't get me wrong ha, kay MVP pa din kasi ako.
Nagtataka nga ko eh.. Si MVP ngumiti lang buo na araw ko.
Pero pag si Red kailangan nya munang tumambling tambing, mag cart wheel o kung ano-ano pa.
Wala pa nga sigurong makakatalo kay Naz Felizardo.
"Eto na Pink o, kain ka muna."
"Thank you ha."
"Wala yun.. Tungkol san ba kasi yung article na ipapasa mo?"
"Religious eh.. About daw kay God sabi nung prof."
"Eh madali lang pala e!"
"Mahirap kaya.. Ang hirap mag isip ng idea."
"Edi yun na mismo!"
"Anong yun na mismo?"
"Sabihin mo sa article mo na nahihirapan kang mag compose neto, pero dahil sa kanya napadali lahat. Alam mo yun.. God will make a way when there seems to be no way.."
"God will make a way when there seems to be no way.. Nice nice! Salamat sa idea Red!"
Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanya.
"Sorry.."
"Ayos lang yun, sige na gawa ka na. Dito lang ako."
Ngumiti na naman ang loko.
Wag! Temptation, JUJU. Ayoko, nagi-guilty ako </3
College days.. Nakakapagod.
Pero ito? Ito yung naging way para makilala ko ng mas mabuti si Red.
Ang taong konting landi nalang, magiging crush ko na.
Marami silang pagkakatulad ni MVP.
Marunong din sya mag basketball.
Gwapo din sya.
Nakakalaglag panty din pag ngumiti.
Tapos.. Ang sweet pa.
Haay nako, Naz. Kumilos ka na, baka masungkit na ko ni Red.
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
RomanceEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.