Buntong hininga dito.
Buntong hininga doon.
Iyak dito.
Iyak doon.
"Chuu?"
Pumasok si Claire sa kwarto ko.
"Chuu, ilang araw ka ng hindi pumapasok? Anong nangyayari sayo?" may pagaalala sa tono ng boses nya.
"Wala to.."
"May sakit ka ba?" tanong nya.
"Wala din."
"Eh bakit hindi ka pumapasok?"
"Hindi ko kaya.. Wala din naman mangyayari."
"Tungkol ba to kay Karla at Naz?"
Tinignan ko lang sya.
"Sabi na eh, chuu don't give up."
"I gave up."
Nag sad face lang din ang Chuu ko. :(
Tinabihan nya ko sama at nahiga.
"Oh anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Kung hindi ka papasok ngayon, hindi nalang din ako papasok. Dadamayan ko muna yung best friend kong loka loka."
Salamat naman Lord. May karamay na din ako.
Nakakaiyak din kasi yung mga pangyayari.
Si Naz at Karla, nababalitaan ko na sila na.
Si Mama, alanganin sa trabaho nya.
Oo tama ang nabasa nyo, may chance na mawalan ng trabaho si Mama.
Nalulugi na daw kasi yung kompanyang pinagta-trabahuhan nya.
At kung matutuoy ngang mawalan ng trabaho si mama, hindi ko na talaga kakayanin.
Baka mawalan ng bida sa kwentong ito.
Baka mamatay ako.
"Best friend, hindi naman sya dapat iniiyakan eh." nagsalita out of nowhere si Chuu. "Dapat nga inaalis mo na sa buhay mo yang si Naz eh. Hindi na sya nakakabuti sayo oh? Tignan mo yang sarili mo, mukha kang naka drugs! Ang laki ng eyebags mo, mugto yang mata mo, mukha ka pang anemic dahil sa putla mo. Kumakain ka ba Chuu?" tuloy tuloy nyang sabi.
"Alam mo Chuu, 3 days na kong walang kain. Puro tubig lang. Nawawala yung katakawan ko pag naiisip ko yung problema ko kay MVP at kay mama eh. Pati kay Kuya naaawa ako."
"Anong meron? Family problem?"
"Oo.. Matatanggal na si mama sa trabaho. Si kuya naman, halos magkanda-kuba na kaka-assist sa library ng UST. Kumuha sya ng scholarship eh, para mabawasan kahit papano yung tuition nya. Tapos ngayon dumagdag pa si MVP. Alam mo Chuu, kung pwede lang talaga, hihingi ako ng time out kay Lord. Gulong gulo na ko eh, mas high pa ko sa nakahithit ng shabu."
Niyakap ako ni Claire.
"I feel you. Pero itong tatandaan mo ha? Andito lang ako! Pwede naman kitang tulungan eh. Hindi ako mawawala sa likod mo Chuu.. Uhh. Well not literally. Mawawala din naman ako pero siguro yun ay kung may mga klase lang ako.. Hindi kita iiwan. Ganto nga tayo diba?" sabay pakita ng crossed finggers nya sakin.
"Alam ko namang andyan ka lang eh."
At buong maghapon sinamahan nga ko ni Claire.
Paminsan minsa'y napapatawa nya ko.
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
RomanceEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.