Pagkatapos ng pangyayaring may kinalaman sa kape.
Wala ni isang anino ni Naz Felizardo ang nakita ko.
Sukdulang pumunta na nga ko sa band practice nila pero kahit sila Joash hindi alam kung bakit wala sya.
Nalulungkot ako!
Tumutulo nanaman yung luha ko.
SUUUUUUUUUUUUS. MVP NASAN KA BA?
"May problema ka ba?" nilapitan ako ni Alex isang araw habang nag-aantay ako sa canteen ng AdU for my next subject.
"Meron.. Pero.. Parang wala namang makaka-solve ng problema ko.."
"Andito lang ako Pink ha? Kung gusto mo ng advice pwede ako. Pasasalamat ko na din kasi tinulungan mo ko kay Kent."
"Naku wala yun, basta tungkol dun sa unggoy na yun ayos lang sakin." ngumiti pa ko.
Natahimik kami pareho. Bakit?
May dumaan kasing unggoy.
Oh, kilala nyo na kung sino yan.
"Bestfriend ko sya dati.." nagulat ako sa sinabi ni Alex.
"Best friend?!?!?!" paglilinaw ko.
Malay nyo nabingi lang.
"oo."
"Ha? Eh bakit nilandi nya si Kent?"
Nagisip ulit ako..
"Pero sabagay lahat naman nilalandi nya." tuloy ko pa.
"Tama ka dyan!"
"Alam mo Alex, sabi nga nila. Porket ahas hayop agad? Hindi ba pwedeng BESTFRIEND mo muna?"
"Hahaha galing ah?"
"May experience ako dyan eh.. Pero let's not talk about it. Mas lamang yung love ko para kay Chuu kesa sa nangyari sa past."
"Tama ka ulit." tumigil sya. "Pero Pink ano nga ba yung problema mo?"
Bumuntong hininga ako.
"Hindi kasi nagpapakita si MVP eh."
"MVP?"
"I mean si Naz."
"Ohh.. Oo nga pansin ko din.. Wala sya sa rehearsals ng P5"
"Nasan na kaya sya Alex? Lumayo na ba sya? Kasi nahuhulog nanaman ako sa kanya? Kasi baka iniisip nya na aangkinin ko nanaman sya? Sana wag na syang lumayo.. Tanggap ko nanaman na hanggang dito lang kami. Hindi ko lang talaga kayang wala sya."
"Alam mo Pink, hindi ka naman dapat nilalayuan eh? Hindi ka nga daw mahirap mahalin sabi ni Kent eh. Approachable ka daw kasi. Alam mo lang yung problema sayo? Pinaparamdam mo kay naz na kanya ka na. Kaya parang hindi na sya nag-e-effort na makuha ka. Baka nga nilalayuan ka nya ngayon kasi nagsasawa na sya."
ARAY.
Tumulo na yung luha ko.
"Tang inang katotohan, ang sakit."
"Let me tell you what to do.. Instead of being showy try mo kayang iwasan sya?"
"Iniiwasan nya na nga ko iiwasan ko pa sya?" *singhot* "Ano yung dobleng sakit Alex?"
"Well you have to do it, para malaman mo kung hahanapin ka nya. Sabi nga nila diba, minsan ikaw naman dapat yung mawala para ikaw naman yung hanapin."
"Kaya ko ba?"
"Kaya mo Pink!"
"HUHU Salamat Alex ha?"
"No biggie."
Kaya ko ba?
Ano Naz Felizardo? PAPAKAWALAN MO NA BA KO?
SIGE KA MAMIMISS MO KO?
Wala nang mangungulit sayo.
Wala ng hihimatayin pag ngumingiti ka.
Wala ng sasaya pag masaya ka.
Ano papakawalan mo na ba ko??!??!?!?!
Psst, hoy! Hindi ka nya pag mamay-ari! Pano ka nya pakakawalan?
Eto namang utak ko, sumingit nanaman. Kitang nagda-drama kami nitong puso ko eh!
"Tahan na Pink, sige una na ko ha? May klase pa ko eh."
Umalis na si Alex at sumunod na din ako.
Lilibutin ko nalang tong AdU baka makahanap pa ko ng gwapo. <3
Maya maya may nakasalubong na ko!
Tamang taas lang. Maangas yung buhok. Medyo maputi. Tapos naka smile.
Ay teka, si RED pala to.
"Ui Pink, sorry ulit." sabi nya sakin.
"Ay paulit ulit?"
"Haha, nahihiya kasi ako eh."
"FINE, ganto nalang. Para wala na lahat, samahan mo nalang ako. Ang tagal pa ng next subject ko eh."
"Sure."
Pumunta kami dun sa student's lounge kung saan free ang pag gamit ng wifi at pwede kang tumambay dito forever.
"Tara facebook." sabi ko.
Walang pansinan for an hour.
Ganto na ba kami kaadik sa FB?
"Pink, tignan mo to"
Hinarap nya sakin yung laptop nya at nabadtrip na ako.
SI NAZ AT KARLA MAY PICTUREEEEEEE!
AT ALAM NYO YUNG POSING?
MAGKAHARAP SILA AT NAGTITITIGAN.
"Shit."
"Now I think this is the reason why Naz is missing."
Tumayo ako at iniwan ko si Red.
Bakit kailangan nyang ipakita?!?!?
HA BAKIT?!
Minabuti kong mapag-isa dahil ayokong mamura si Red.
Ang sakit naman oh.
Wala na, durog na ulit.
ANG LAKI MONG PA-ASA NAZ FELIZARDO.
Papakawalan mo na ba talaga ako?
TANG INANG KATOTOHANAN, ANG SAKIT!
BINABASA MO ANG
Pink Tales (BOOK 2)
Roman d'amourEverything will be alright in the end. Now if it's not yet alright, then it's not yet the end.