Chapter 16 - When color RED collides with color PINK

340 2 0
                                    

3 months 2 weeks and 1 day.

Sasagutin ko na ba si Red Padilla?

Do you think this is the right time?

"Ano bang sasabihin mo sakin Chuu?" tanong ni Claire.

"Hihingi sana ko ng advice.."

"Bakit? May problema ka ba?"

"Uhm.. Hindi naman.. Pero do you think this is the right time to answer Red?"

"Depende sa tanong nya.."

"Weh. Korni naman neto eh. Ano nga?"

"MY GADDDD Chuu. Tagal ng nangliligaw ni Red sayo o? Eh tapos mahal mo rin naman pala. Ano pa bang kulang? Gorabels na, answer him!"

Tama nga rin siguro tong bestfriend ko, yeah.

SASAGUTIN KO NA SI RED!

Iniwan ko na si Chuu.

Pumasok ako sa cr.

Nakaharap ako ngayon sa salamin.

"Sasagutin ko na si Red." nakangiti akong nagsasalita.

"Pero pano?"

PRACTICE MODE AKO SA CR, WALA SANANG EPAL.

"Hi Red, tayo na!" - Ano to may lakad kami?

"Red, Mahal rin kita." - Cheesy masyado.

"Sinasagot na kita." - Walang dating!

ARRRRGHHHHHH.

Bahala na lagi.

Ang mahalaga alam ko na.

Sure na ko.

Eto na talaga.

Paglabas ko ng cr, dali dali kong kinuha yung cellphone ko.

CONFERENCE CALL: Raffy, Claire, Joash, Kent, Alex, at Naz.

"Hello?" sagot ni Kent.

"Oh ano?" sagot naman ni Raffy.

"Yes Chuu?" kilala nyo na yan.

"Problema Pink?" bungad naman ni Alex.

"Ano dre?" sagot naman ni Joash.

"Ikaw pala Pink." pahabol ni Naz.

"GUYS, I NEED YOUR BIG HELP." sagot ko sa kanilang lahat.

"Anong meron?" sagot nila.

"Sasagutin ko na kasi si Red ngayon kaya sana patulong naman oh? I set up natin yung studio?"

"Walang problema Pink, basta ikaw." sagot naman nila.

Pink Tales (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon