Ch. 5

2.5K 110 71
                                    

Dianne

It is Derek's birthday today. Nagsimula na ang party niya kanina pa. Sa bahay ni Derek ginanap ang party. O mansyon ni Derek kung tawagin ng iba.

I am staring at myself in the mirror. Suot ko na ang gown na nabili ko kanina sa Calora. It is an emerald green, silk gown. Bumagay sa maputi kong balat, simple lang ang disenyo ng gown na humapit sa buo kong katawan.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. I am five feet and eight inches tall. Hindi matangkad, hindi rin naman pandak. I am not petite nor voluptuous. Asset ko na lang ang pangharap at ang pang-upo ko na minana ko pa sa aking magandang ina. Atleast hindi flat, hindi ba?

Winona Cassandra Montreal, my beautiful mom, is Leonardo Miguel Mondragon's sister. Si Tito Leonard ang ama ni Derek. My mom was a strong fighter wolf of Nealandra, next to my tito. She retired long way ago, nung ipinagbuntis niya ako ay pinagbawalan na siya ni daddy na makilahok sa ano mang digmaan.

My daddy, Fonazier Montreal, is living his life to the fullest...with my beautiful mom. They are the epitome of what true love really is. Ang pagmamahal ng mga magulang ko sa isa't-isa ang pinangarap kong maging pagmamahalan din namin ni Angelu.

Sana...

Pero sinasalakay pa naman ako ng sapak sa ulo minsan. Kaya hindi na rin siguro matutulad kina mommy ang love story ko.

Napabuga ako ng hangin bago isinuot ang hikaw na ibinigay sa akin ni mommy kanina.

"Matagal ka pa?" Halos mapatalon ako sa gulat nang dumungaw sa pintuan ng aking silid ang bulto ni Madame Jin.

Natanga ako sa suot niya. Madame Jin is wearing an all-black ensemble, from her accessories down to her sandals. Hindi ko alam kung trip niya lang mag-itim lahat, o iyon talaga ang fashion statement niya ngayong gabi...o kaya ay nakalimutan kong sabihin sa kanya na birthday party ang okasyong dadaluhan namin ngayon at hindi lamay.

"Bakit? Iniinsulto mo ba ang suot ko?" Mataray na tanong ni Madame Jin sa akin. Napalunok ako ng laway. Nagtanong pa talaga siya.

"H-hindi po." Pagsisinungaling ko. "Gusto ko nga po iyong dress. Glittery. Feathery. Susko!" Komento ko na ikinataas ng kilay niya.

"Nang-iinsulto ka nga." Aniya at tuluyan nang pumasok sa loob ng silid. Nagdire-diretso siya hanggang sa nasa harapan ko na siya. "Kanina pa nagsisimula ang party ng pinsan mo."

"Alam ko po, pero wala akong gana talaga." Nag-aalala ako para kay Florrence. Ano na kaya ang nangyayari sa babaitang iyon? Hay!

Alam kong nasa kalagitnaan ng Heat si Florrence, kung bakit ba kasi atat na atat si Tyrone. Tch. Hindi sila gumaya sa akin.

Tch. Pero kailangan din ni Florrence iyon. Kailangan niyang mamatay upang mabuhay muli. Kailangan niya ng panibagong buhay.

I saw her on my vision. Pumunta si Florrence ng Avinia kasama ang ama niyang si Florencio. She was raped by one of the Reapers...at masasaksihan iyon ni Tyrone. A war will broke out...and in that war, she will die. Tyrone will go psycho and eventually kill the unholy trinity. Malaking gulo iyon kapag nangyari.

Kaya kinailangan kong makialam. Kaya pinlano kong dalhin si Florrence para makita siya ni Tyrone. She will be claimed. She will be pregnant.

Akala ko ay matatapos na doon ang trahedya sa buhay ni Florrence, ngunit naging laman siya ulit ng pangitain ko. It seems like Death wants her.

Kaya kailangan kong pagbigyan si Kamatayan. Florrence needs to die...and be resurrected as a werewolf. Iyon lang ang tanging paraan para mabago ang kapalaran niya.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon