Ch. 18

2.2K 99 35
                                    

Dianne

"Minerva." Utas ni Angelu nang makapasok kami sa loob ng restaurant.

My gaze immediately follows his, and when I did, I see a girl who is sitting nonchalantly on a chair, her gaze is lock on us. Nakita ko kung paanong umayos ng upo ang babae nang hindi man lang ako nilulubayan ng tingin.

What's her problem?

Pinakatitigan ko ang kabuuan ng babae.

I hate how striking her red hair is amongst the crowd we are in. I hate how her freckles accentuate her face, how her thin lips make her more appealing, how her proud chin defines her pretty face. Nakakainis.

Napaangat ang isang kilay ko habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. The girl is quite the stunner. Mahahaba ang mga biyas niya, malaporselana ang kanyang kutis na alam kong mamumula kapag kinurot ko. I hate how perfect she looks right now. Her sight is very offending. I hate it.

Normal lang ba na kamuhian ang isang tao kahit unang beses pa lang ninyo na nagkatagpo? Because I ain't joking right now, I'm not really feeling this girl's vibe.

Napunta sa gawi ko ang paningin ng babae, nag-angat din siya ng kilay sa aking gawi. Umayos siya ng upo saka sinenyasan si Angelu na pumunta sa gawi niya.

"Alpha." Akma sanang tatayo ang babae para batiin si Angelu pero naunahan ko na siya at itinaas ang kaliwang kamay ko para mapigil siya sa banta niyang pagtayo.

Pinaghila ko ng upuan si Angelu at sineyasan siyang umupo roon. Subukan lang niyang huwag sumunod, dadanak ng dugo sa loob ng restaurant na ito.

"Huwag mo akong titigan, Angelu. Alam kong nakaka-mesmerize ang kagandahan ko, kailangan mo ng masanay." Utas ko bago siya hinila paupo.

Umupo na rin ako sa tabi ni Angelu at tiningnan ang babaeng nakatitig sa akin.

"May problema ka?" pabalang kong tanong sa kanya.

"Alpha Derek's cousin, right?"

Napataas ang kilay ko sa tugon niya. Wow! Kilala niya pala ako? I'm flattered.

"The one and only." I said proudly.

"Oh, you mean...the defective one? I admire your family's lineage, they have superb abilities." Napalunok ako nang wala sa oras sa atake ng babae sa akin. Para akong isang nag-aalab na apoy na biglang binuhusan ng malamig na tubig.

"Minerva." I hear Angelu's low warning growl beside me.

"What?" painosenteng tanong ni Minerva kay Angelu bago ngumisi sa gawi ko. "I'm not doing anything, Angelu. May masama ba sa sinabi ko, Miss Oracle?"

Napalunok muli ako nang sunod-sunod. She is obviously mocking my abilities.

"Why are you here?" pag-iiba ni Angelu sa paksa. Naramdaman ko ang kanyang kamay na humaplos sa beywang ko. Napalingon ako sa gawi niya at nakitang nakatingin siya kay Minerva.

Napayuko ako mula sa aking kinauupuan. This is why I left Avinia years ago, ito ang dahilan kung bakit pinagtaguan ko si Angelu.

"A proper 'hi' and 'hello' will be a good way of starting the conversation, Angelu." Malanding wika ng babae bago nginitian si Angelu. I hate how her golden eyes stare at my mate. Napatingin ako sa mukha ni Angelu. Tiningnan ko kung apektado ba siya sa panlalandi ng babaeng nasa harapan namin. Kahit paano ay kumalma ako nang makitang hindi man lang apektado ang lalaki, o baka nakapokerface lang siya? Shit!

"I didn't come here to meet you, Minerva. " walang kagatol-gatol na tugon ni Angelu sa sinabi ni Minerva.

"Wow! Why so tensed-"

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon