Ch. 10

2.4K 97 19
                                    

Dianne

Mahina akong napaungol nang maramdaman ko ang marahang pagyugyog sa aking balikat. Hindi ko pinansin iyon at nagpatuloy sa aking pagtulog.

Istorbo naman masyado! Isang oras pa lang yata akong napipikit tapos gigisingin na agad ako!? Ka-imbyerna ha.

Naramdaman ko na naman ang mahinang pagyugyog sa balikat ko, pero hindi ko ulit iyon pinansin. Manigas na ang lahat ng pwedeng manigas, pero matutulog talaga ako!

Ipagpapatuloy ko na sana ang aking masarap na pagtulog nang mabulabog ang buong silid sa tunog na parang nawasak na pinto.

Wow ha, winasak talaga ang pinto. T-teka...winasak ang pinto?! Marahas akong napamulat at napabalikwas ng upo.

Ano 'yon?!

Lumipad ang tingin ko sa kama ni Florrence. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang natatarantang si Aba na nakahawak sa mga balikat ni Tyrone. Pigil-pigil din ng ibang mga lobo ang binata.

T-teka...anong nangyayari?!

Napadako ang tingin ko kay Florrence. Kunot ang noo ng babae at panay pa ang ginawang pag-ungol niya na para bang nasasaktan siya.

"W-what's happening?" Halos hindi ko marinig ang sarili kong boses dahil sa kabang nararamdaman ko.

She's convulsing for Pete's sake!

"Do whatever you fucking need to do!" Sigaw ni Alpha Tyrone kay Aba. Napalunok nang sunod-sunod si Aba matapos ay tinapunan ng tingin si Florrence.

"We have no other option, Alpha Tyrone." Nanlamig ang buo kong katawan sa sinabi ni Aba. What does she mean by that?

Lumapit pa ako kay Florrence at ginagap ang kanyang kamay.

Fvcking shit!

Hindi ko pa nakikita ang mangkukulam na tutulong sa akin. Hindi pa pwedeng mamatay si Florrence ngayon! Bakit ba masyadong excited 'tong babaeng ito!?

Narinig ko ang sunod-sunod na kalabog sa loob ng silid. Naihagis na palayo ni Alpha Tyrone ang mga lobong kanina ay pumipigil sa kanya. Si Aba naman ay tumabi sa gilid at hinayaan na si Alpha Tyrone na lumapit kay Florrence.

Tikom ang bibig ko habang pinagmamasdan ang maputlang mukha ni Florrence. Natatakot ako sa posibilidad na mamamatay si Florrence na wala man lang akong nagawa.

"No. No. Florrence, you need to wake up baby. Please wake up."

Bwesit!

Naiiyak tuloy ako dahil kay Alpha Tyrone! Nakaluhod siya ngayon sa gilid ng kama, nakahawak siya sa kabilang kamay ni Florrence at masuyo iyong hinahalikan.

"Florrence..."

Florrence can't die on us right now. Maliban sa magigiba ang buong bahay at madadamay kami, hindi rin ako makakapayag na mamatay ang babaeng ito na wala man lang akong nagagawa.

She's the only friend I know. We're connected through our souls.

"Baby, please wake up."

Parang nagkaroon ng bikig ang aking lalamunan habang tinitingnan si Alpha Tyrone na nagsusumamo sa gilid ng kama.

He is miserably begging Florrence to wake up...while here I am, watching them both suffer.

"We need to perform the procedure, Alpha. We are running out of time." Narinig ko ang mahinang boses ni Aba mula sa likuran ni Tyrone.

Nanlaki ang aking mga mata sa suhestiyon ni Aba. No! She can't turn her into a werewolf! Mamamatay si Florrence sa prosesong pagdaraanan niya. Hindi niya iyon kakayanin!

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon