Ch. 17

2.3K 91 56
                                    

Dianne

Ordanio Port, Herona (Vlamia)

"Wala ka na bang nakalimutan sa loob ng sasakyan?" tanong ni Angelu na ngayon ay naglalakad patungo sa kinatatayuan ko. Nasa may waiting area na kami ng pantalan, naghihintay sa motorboat na magdadala sa amin sa Isla Norma.

"Itong bucket bag ko lang ang dala ko saka duffel bag. Pwede naman siguro akong umuwi ng Fergonia kapag naubusan na ako ng malinis na damit." tugon ko sa katanungan niya.

Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay wala niyang pasabing ikinawit ang kanyang isang braso sa may beywang ko. He did it like it was a natural thing.

Hindi na ako umimik at hinayaan siya  na hawakan ako nang ganoon, afterall, I am rightfully his.

Nadaanan ng paningin ko ang nakaupong si Madame Jin sa pinakaunang upuan na nakahilera malapit sa pantalan. Napagawi ang tingin ko sa paligid ng pantalan na unti-unti ng napupuno ng mga nilalang na nagsisidatingan. If they're not wolves, I bet they're wizards or witches.

Hindi naman kasi dinadayo ng mga normal na nilalang ang Isla Norma. Bukod sa malayo ito, mahal ang membership ng naturang Isla. It is the Witch Queen's, Xamara del Fuego, idea.  Nasa naturang isla kasi matatagpuan ang lagusan patungong Catharna.

Iginiya ako ni Angelu palapit sa bakanteng upuan na nakita ko kanina. "You should rest for a while. Mahigit isang oras pa ang hihintayin natin bago dumaong ang motorboat na magdadala sa atin sa Isla Norma."

Para akong baliw na nagpatianod na lang basta-basta sa kagustuhan ni Angelu. Arguing with him will be futile, so why not let him be? As if hindi ko naman i-ni-enjoy.

Naupo na ako sa isa sa mga bakanteng silya na naroon bago napahikab dala ng antok sa mahabang biyahe namin mula ng Fergonia. "You should sleep too." anyaya ko kay Angelu at tinapik ang katabing upuan.

Aabutin ko na sana ang kamay ni Angelu nang walang pasabi siyang lumipad palayo sa kinaroroonan namin, ibinalya siya ng kung sino sa pinakamalapit na pader.

Napamulagat ako sa bilis ng mga pangyayari. Tatayo sana ako mula sa aking kinauupuan nang maramdaman kong may humawak sa aking mga balikat.

Marahas akong napalingon sa aking likuran at nakita si Damon na nakatayo roon, napansin ko ang kanyang mga nakausling pangil, maging ang kanyang mga mata ay iba na rin ang kulay.

Seriously, what is happening?!

Napalingon akong muli sa gawi ni Angelu at nakita siyang nakatayo na. Pinahid niya ang dugo na nagmula sa kanyang pumutok na labi. Damn, ang sexy- este, hala! pumutok ang labi niya!

"D-damon-"

"Alpha had some unsettled issue with that vampire." utas ni Damon sa aking likuran. Nabaling ang tingin ko sa lalaking nakasuot ng itim na fitted shirt. Hindi sa minamaliit ko si Angelu, ngunit halatang mas malaki ang katawan ng isang 'to kumpara sa kabiyak ko.

"Tulungan mo si Angelu!" mariin kong utos kay Damon saka pilit na tinatanggal ang kanyang kamay mula sa aking balikat.

"If I'll grant your request, I will be executed tomorrow, by the very Alpha that I so respect." saka siya ngumisi.

Napalagitik na lang ako ng dila bago itinuong muli ang aking paningin kay Angelu na ngayon ay lumalapit na sa lalaking panira ng moment namin.

"A-anong gagawin niya?" Nauutal ko na namang tanong kay Damon.

Shit!

Mas matangkad 'di hamak ang lalaking nakaitim kumpara kay Angelu.

"Watch and enjoy the show, Luna."

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon