Ch. 22

1.9K 105 22
                                    

I feel strange.

Napapalunok ako nang wala sa oras tuwing napapatagal ang titig ko kay Angelu. Lalo na kapag lumagpas iyon nang limang segundo.

Naiirita ako sa tuwing nakikipagtawanan siya kina Cornelia. I don't want him to laugh if it's not me he is laughing with.

Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng hangin sa baga sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o  talagang utak ko lang ang tuliro.

I hate that I'm noticing every tiny details about him. From his luscious lips, his thick lashes, his addicting smile, his rippling biceps, the V line and his abs, his expressive eyes...I hate it. I hate it so much.

Ipiniling ko ang aking ulo habang nag-iisip ng ibang mas makabuluhan na bagay.

Ang misyon. Ang misyon. Ang misyon. Ang abs. Ang lips. Ang V line. Urgh.

"Magsisimula na ba tayo sa paghahanap?" narinig kong sambit ni Angelu mula sa aking likuran.

Hindi ako umimik, hindi ako lumingon. Ayaw kong makita ang mukha niya. Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko'y nagwawala ang mga hormones ko sa katawan?

"Dianne."

"H'wag mo muna akong gambalain. Nag-i-internalize ako." gusto kong murahin ang sarili ko. Si Angelu lang naman 'yan ah? Ilang linggo ko na siyang kasama ngunit bakit ngayon lang?

You are attracted to him, admit it. Naaapektuhan ka na sa mga halikan ninyo. maarteng wika ng aking dormant wolf.

I would much appreciate your silence this time. tugon ko sa sinabi niya.

Why deny it, Dianne? H'wag mong sabihing wala lang iyong halikan ninyo kahapon?

Masama ka rin sa pag-i-internalize ko. Manahimik ka muna. Actually, ayaw ko mag-isip. Kasi habang mas lumalalim ang iniisip ko'y mas lalo kong nabibigyang pansin ang damdamin ko para kay Angelu.

Bahala ka. Hindi naman masama ang pagbigyan mo ang sarili mo. Don't deny yourself of something that's rightfully yours. Maging sakim ka naman minsan. We deserve him, he deserves us too. napabuga ako ng hangin sa sinabi ng aking lobo.

"Angelu..." mahina kong tawag sa pangalan niya. Napabaling ako sa aking likuran, para lang mabigla nang masilayan ang nakatunghay niyang mukha sa akin. "H'wag masyadong malapit naman!"

Naitulak ko siya bahagya palayo sa akin. Napatawa siya nang mahina dahil sa ginawa kong iyon. Sinamaan ko siya ng tingin nang hindi siya matigil sa mahapit niyang pagtawa. Feel na feel talaga. Buwesit!

"Seryoso na. Maghahanap na ba tayo?"

"Oo. Pero...saan?" anak ng teteng talaga o! Wala pa pala akong plano. "Ay teka, alam ko na. May signal ba sa lugar na ito?"

"Meron. May portal na ginawa ang magkambal na del Fuego para masagap ng Catharna ang site signal sa Vlamia." singit ni Corina sa usapan namin ni Angelu.

Kasalukuyan akong nasa poolside ng mawalak na bakuran ng mansyon ni Cornelia. Katabi ko si Angelu sa reclining chair habang si Corina naman ay nag-o-orasyon para mapalago ang mga halaman sa paligid ng bahay.

"Pahiram ng cellphone mo, Angelu." sabi ko sabay lahad ng aking kamay. Hindi naman siya nagdalawang-isip at binigay sa akin ang kanyang cellphone.

Binuhay ko ang screen ng kanyang cellphone at napansing naka-lock iyon, kailangan ko ng pin para mabuksan.

"Password?" tanong ko nang hindi man lang siya tinitingnan.

"082290."

Hindi maiwasang umarko ng kilay ko. Napaangat ang tingin ko sa seryosong mukha niya. "Birthday ko 'to ah?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Angelu: Dark Series Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon